"Ang daming taong pumupunta!" natutuwang sabi ni Mimi. "Mabuti nalang at nandito 'yang si Terrence Vilas, napakaswerte nga naman ng mga loveteam natin ngayong araw!"
"Mas marami sana ang mga taong pumupunta rito kaso may booth na nandoon parehas si Gray Hueson at Timothy Deñas. Tapos may booth din 'yong bagong grupo ni Dallarin Hwangyen na kahit di pa bukas ay marami na agad taong pumupunta. Oh diba? Kainis lang!" reklamo ng president namin.
"Kung wala si Terrence dito, baka walang tao rito ngayon, duh!" sabat ni Mimi.
"Nakakarindi ha? Manahimik kayo!" saway ni Isagani, inirapan lang siya ni Mimi.
Napatingin si Polly kay Terrence at nakitang nakatingin siya sa kaniya kaya tinanguan siya ni Polly. Magkatabi si Terry at Keia pero kinukulit ni Keia si Euton na wala yata sa mood ngayon.
Tumayo si Polly pero pinigilan ni Isagani. "Saan ka pupunta?"
"Baka nabo-bored na 'yong guest natin," sabi nalang ni Polly bago nagpatuloy.
Lumapit siya sa kumakanta at nagtanong, "Pwede bang ibigay natin kay Terrence yung sunod na kanta?"
Agad pumayag ang babae at binigay sa kaniya ang microphone samantalang nag-pause naman ang karaoke at tinanong niya si Terrence na kunwari ay emcee.
"Kuha naman po tayo ng request mula sa guest natin ngayon," sabi niya tapos naghiyawan ang lahat kahit wala pa siyang nasasabing maganda. "May gusto ka bang irequest na kumanta?"
Napangiti naman si Terrence at sasagot na sana nang itabingi ni Polly ang ulo niya na para bang nagbibigay ng sign na si Keia ang piliin. Natigilan naman si Terrence at napatingin sa katabi. Napakamot siya sa batok at tiningnan si Polly muli bago sumagot. "Uh, si Keiandra."
Gulat na tiningnan siya ni Keia. "Ha? Bakit ako?"
Nginitian siya ni Terrence na parang nahihiya.
"Dali na Keia. Ikaw ang request ng guest natin, oh! Makaka-hindi ka ba sa kaniya?"
Napatingin siya sa paligid at kitang-kita ang anticipation ng mga tao sa pagkanta ni Keia marahil ay naging curious sila kung bakit si Keia ang pinili nito.
Napabuntong hininga si Keia bago tumayo upang kunin ang microphone. Napangiti naman si Polly at aalis na sana nang ipulupot ni Terrence ang kamay sa baywang nito na parang ayaw siyang paalisin. Tumingin si Polly rito pero ngumiti lang sa kaniya ang binata.
"Manood ka rin kasama ko."
Agad tinanggal ni Polly ang kamay ni Terrence at nag-cross arms. "Magka-issue pa tayo."
Natawa si Terrence. "Ayaw mo nun?"
"Masyado ng marami ang na-iissue sakin."
"Ganda mo," natatawa muling tugon ni Terrence kasabay ng pag-play ng kanta sa karaoke.
"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa'ting dalawa.""She indeed has a nice voice," bulong ni Terrence malapit sa tainga nito. Hindi lumayo si Polly kasi hindi naman siya nakaramdam ng discomfort.
"Mas nakaka-inlove?" nakangiti niyang tanong kahit hindi nakikita ng binata.
"Hoy, baka iba ang magka-developan," sabi ni Isagani sa kanilang dalawa.
Tinawanan lamang ito ni Polly.
"Nasaan pala si Galvin?" tanong nito bigla habang iniikot ang paningin. Naramdaman niyang medyo lumayo si Terrence.
"Aba, aba," nakataas ang kilay na tugon ni Isagani. "Bakit mo hinahanap?"
"Nagtataka lang naman."
"Punta lang ako don," paalam ni Terrence nang matapos ang kanta ni Keia. Mukhang nagkakamabutihan na nga ang dalawa.
"Mukha kang nanay na proud na proud sa anak niya," sabi ni Isagani na parang nandidiri.
"Mukha naman kasing may naitulong ako kahit papaano."
"Ang sabihin mo, gusto mo lang na magkalabuan sina Keiandra at Euton," sabi niya kasabay ang pagtingin ni Polly kay Euton na hindi maipinta ang mukha. "Sundan ko lang," dagdag ni Isagani nang makitang umalis si Euton sa booth.
"Nandito ka lang pala," rinig niyang sabi ni Galvin na umupo sa tabi niya. "Oh bakit ka malungkot? Nanjan na yung crush mo diba?" tanong ni Galvin na parang medyo galit.
Hindi nabago ang itsura ni Polly kaya nag-alala na si Galvin at niyaya siyang maggala-gala, at dahil wala sa mood si Polly, hindi na siya naka-tanggi.
Samantalang si Keiandra ay nagpaalam kay Terrence dahil hahanapin daw nito si Euton nang mapansing wala, kaya nalungkot tuloy siya nang maiwan. Pupuntahan sana ni Terrence si Polly kaso wala na ang dalaga sa dati nitong pwesto.
Naglakad-lakad si Terrence para sana hanapin si Polly kaso iba ang kaniyang natagpuan.
"What's wrong with having Polly instead?"
BINABASA MO ANG
What Makes Polly Different
Teen FictionWhat Chatserye 2/2 Polly's help was needed by Terrence Vilas in order to be able to get closer to her friend. He has been looking for a girl with eyeglasses and a very nice voice, which turned out to be Keiandra Telven. He knew that it would only be...