- 48 -

24 2 0
                                    

"Ito, tubig," sabi ni Polly sabay abot ng isang bote ng tubig kay Terrence na parang kanina pa kinakabahan. "Bat ka ba kinakabahan? Kakanta ka lang!"

"Paano 'pag di niya nagustuhan?"

"Don't worry andito naman kami ni ate Misty para i-appreciate ka."

"Hindi ko alam kung pinapagaan mo ba ang loob ko o mas pinapabigat."

Natawa si Polly kaya natawa nalang din si Terrence. Nakakahawa kasi para sa kaniya ang tawa ng dalaga. Umalis si Polly nang malapit na ang simula ng performance nila.

"Akala ko kinakabahan ka? Bat sobrang ngiting-ngiti ka jan?" tanong ni Gray.

"Ang cute niya, noh?" tanong ni Terrence sabay pakita ng picture ni Polly na sinend sa kaniya kagabi.

"So that's why that picture from your tweet last night was familiar."

Mas ngumiti si Terrence sabay tango.

"She doesn't have her glasses on," Gray stated the obvious. "Why are you so fascinated then?"

"So? She's cute nevertheless."

Nagkatinginan sina Gray at Timothy na nagtataka.

"Tara na nga lang."


"MULA nang aking masilayan
Tinataglay mong kagandahan
'Di na maawat ang pusong sayo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan"

Napangiti si Polly nang makitang sobrang naka-focus si Keia sa performance, lalo na kay Terrence na ngayon lang siguro nito narinig kumanta.

Proud na pinanood ni Polly ang kaibigan. Rinig sa boses nito ang pagkakaroon ng gusto kay Keiandra. Parang sa kaniya talaga inaalay ang kanta. Na alam na naman ng lahat kasi bago magsimula ang kanta...

"Para po ito sa babaeng nagugustuhan ni Terrence," introduction ni kuya Gray na binatukan ni Terrence.

Akala ni Polly ay hindi matutuloy ang pagsasabi kung sinong tinutukoy nila kasi tinanong ni Timothy sa microphone, "Right. This is for----wait, who is this for again?" kaya nagtawanan ang audience.

Kinuha naman ni Terrence ang microphone at siya na ang nagtuloy. "Keiandra Telven," he looked straight at Keia's eyes and added, "...this is for you."

Sobrang gulat na gulat pa ang tropa ni Polly dahil don. Polly turned to look at Euton's reaction just to see him clenching his jaw. Si Isagani naman, syempre, nakaupo lang siya at naka-cross arms na parang naaayon ang lahat sa plano niya.

"Lahat nalang nagkagusto kay Keia," manghang sabi ni Mimi.

Tama naman siya kasi kagabi lang, pagkatapos isend ni Polly ang picture kay Terrence, lumabas ang chathead ng groupchat ng tropa nila. Tapos nagulat siya nang makita ang message galing kay Isagani.

"Gusto ko si Keiandra. Skl."

She tried messaging him but he logged out after that. She also tried calling him directly pero pinatay na niya ang phone niya. Lahat sila nagulat.

Pero hindi nag-reply si Keia. Ano kayang reaksyon niya? tanong ni Polly sa sarili.

Isa pang pinagtataka ni Polly ay bakit parang may alam si Terrence? Naitanong niya na kay Polly kung sino ang kakampihan nito kapag biglang may gusto pala si Isagani kay Keia.

O baka nagkataon lang, isip ni Polly.

"Masaya ka ba pag siya ang kasama
'Di mo na ba ako naaalala
Mukha mo ay bakit 'di ko malimot-limot pa
Laman ka ng puso't isipan
'Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan"

Napatingin tuloy si Polly sa gawi ni Euton pero nakaiwas siya ng tingin. Hindi naman ito pansin ni Keia dahil tutok pa rin siya hanggang ngayon.

"Pag-ibig ko sana ay pagbigyan? Mukhang walang pag-asa," naisip muli ni Polly. "Buti pa si Terrence, unti-unting nagkakaroon ng pag-asa, sana all."

Nawala nalang ulit ang atensyon niya kay Euton nang marinig niya ang sigaw ni Misty. Nabalik tuloy ang tingin niya kay Terrence na kumakanta ngayon.

Nakatingin siya rito. Nginitian ito ni Polly kaya ngumiti siya pabalik.

"Sa pag-ibig mo na may
Nagmamay-ari na
Nais ko lang malaman mo
Na minamahal kita..."

Mas napangiti si Polly nang makaya ni Terrence abutin nang maayos ang bawat nota ng kanta. Bumalik ang tingin ng binata kay Keia kaya napatingin din si Polly rito. Nagulat si Polly na nakatingin pala si Keia sa kaniya na parang nagtataka. Nginitian nalang din siya ni Polly na sinuklian naman nito bago bumalik ang tingin kay Terrence.

"Ano ba 'tong nasasaksihan ko?" reklamo ni Isagani sa tabi nito, habang focused lang si Phoebe sa kaliwa ni Polly.

"Ikaw ha, may gusto ka pala kay Keia?" pang-aasar ni Polly. "Paano ba 'yan? Mukhang nawawalan ka na ng pag-asa."

"Nawawalan nga ba?"

Nagtataka siyang tinitigan ni Polly nang mabuti.

Natapos ang kanta kasabay ng pagtayo ni Euton at paglalakad paalis. Napatayo rin si Keia at nakita ni Polly na nagdalawang-isip siya kung susundan si Euton o hindi. Sa huli, sumunod din siya.

"Para akong nanonood ng movie eh," nasabi nalang ni Polly nang makitang dali-daling bumaba si Terrence sa stage. Tiningnan niya si Isagani na nakaupo pa rin. "May gusto ka ba talaga kay Keia o nakikisabay ka lang sa uso?"

Ngumisi si Isagani bago tumayo at hawakan ang braso ni Polly. "Sundan natin sila."

Tatanggi sana si Polly kasi alam niyang may kasal-kasalang magaganap sa ate niya kaso hinila na siya palayo ni Isagani.

What Makes Polly DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon