Chapter One

8.7K 76 0
                                    

“ATE, May phone call ka. Si Mama Carol daw.”
“Okay. Thanks,” tugon ni Simone kay Carlo na isa sa mga waiter ng Mr. Chen Restaurant.Minabuti niyang sa opisina ng manager na lang niya tanggapin ang tawag. The owner and the manager of Mr. Chen Restaurant, an old and famous Chinese restaurant in Malate was also her father. Pansamantala ay si Simone muna ang tumatayong manager ng restaurant habang nagpapagaling pa nang husto si Raymond Chen.
Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang isinugod sa ospital ang daddy niya dahil sa paninikip ng dibdib. Maayos na ang kondisyon nito matapos ma-confined ng ilang araw sa ospital. Pero ayon sa doktor, kailangan muna magpahinga ng kanyang ama nang isang linggo o higit pa bago bumalik sa trabaho. But her father was a workaholic and stubborn fifty-eight year old rich man at ayaw makinig sa doktor at gusto kaagad bumalik sa trabaho, bagay na mahigpit nilang tinutulan ng nakababata at nag–iisang kapatid na si Adam. Nakumbinsi lang nila ang kanilang ama na magpahinga nang magboluntaryo si Simone na pamahalaan ang restaurant habang wala ang ama.
Simone spent her teenage years working at their family business as a waitress, cashier, assistant cook, assistant manager, accountant, and even dishwasher kaya kabisado na niya ang lahat ng trabaho roon. But when she turned nineteen, her father allowed her to follow her dream of becoming a performing artist. She eventually stopped helping out with their family business. But she made a promise that if her father ever needed her, she would never think twice about helping him. Mabuti na lang at walang nasagasaang trabaho sa pagboboluntaryo niya. She was a professional event host and singer by profession.
Parehong purong Chinese na ipinanganak at lumaki sa Pilipinas ang mga magulang ni Simone. Namatay ang mommy niya sa isang plane crash noong fifteen years old siya at twelve years old naman si Adam.
Pumasok na si Simone sa opisina ng kanyang daddy. “Hello, Mama Carol?” aniya nang angatin ang receiver ng  telepono pagkatapos maupo sa swivel chair.
“Simone, how are you? How is your father? Hindi pa ba nasusunog ang restaurant?” pabirong tanong ni Mama Carol.
Natawa siya sa narinig. “Okay na si Daddy. Babalik na siya dito this weekend. Ikaw talaga, Mama Carol, hindi naman ako ang cook. And I am not a bad cook naman, eh,” naka–pout na sabi niya.
Mrs. Carol de Silva or Mama Carol was the owner and the manager of a top events management firm that Simone usually worked with. Si Mama Carol din ang nagbukas ng pinto sa kanya para pasukin ang events industry kaya malaki ang utang-na-loob niya rito. She loved working with Mama Carol. Madalas na mga valuable client ang ibinibigay nito sa kanya at out-of-town pa kaya mas lalo niyang nae-enjoy ang trabaho dahil sa libreng hotel accommodation at traveling expenses. May pagkalakwatsera kasi siya.
Tumawa nang mahina si Mama Carol. “I know. Anyway, ipapaalala ko lang ang engagement mo sa Davao City this weekend. Tuloy ka pa rin, ha?”
“Of course. Kailan ba ako nambitin ng kliyente?” Kakanta siya sa wedding reception ng isang mayamang mag-asawa na magre-renew ng vows sa darating na Sabado.
In the last eight years, Simone  had become known in the events industry through good recommendations from her past clients. Kalahati ng kliyente niya ay sa firm ni Mama Carol nagmumula pero may regular clients na siya na karamihan ay kapwa niya Filipino-Chinese na subok na ang kanyang serbisyo at professionalism.
“Okay, good. Nasa akin na ang plane tickets mo. Sa apartment mo ba o diyan sa restaurant ko ipadadala?” tanong ni Mama Carol.
“Dito na lang sa resto. I’ll be here until eleven PM.” Bukas ang restaurant mula ala-sais y medya ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi.
“Okay.” Pinag–usapan pa nila ang mga naka–line up niyang events para sa susunod na linggo bago nagpaalam sa isa’t-isa.
Pagkatapos makausap si Mama Carol ay lumabas na rin kaagad ng opisina si Simone.  Napakunot–noo siya nang makita ang dalawang waitress sa labas ng pinto ng kitchen na naghahagikgikan at panay ang silip sa dining area.
       “Ano’ng nangyayari?” tanong niya nang makalapit.
“Ate, may mga guwapong basketball players kasi sa labas,” tugon ni Yvette na pinakamatagal nang waitress sa kanila.
“Talaga lang ha. ‘Yong mga order at customers asikasuhin n’yo,” pagtataray niya kunyari at naglakad na patungo sa dining area.
Dahil sa Chinese features ni Simone, marami ang nagsasabi na mukha siyang mataray at snob, pero sa totoo lang ay hindi siya ganoon. Nagtataray lang naman siya kapag may gumalit sa kanya nang husto at hindi na talaga niya kayang magtimpi. Pero mahaba talaga ang kanyang pasensya. Masayahin at approachable din siya.
Huminto si Simone pagdating sa bukana ng dining area at inilibot ang tingin sa paligid. Alas-tres na ng hapon at nagsisimula na namang mapuno ng mga parokyano ang restaurant para mag-merienda. Maluwang ang restaurant, fourty-seater capacity ang dining area at may private rooms din sila na kadalasang pinagdarausan ng mga function.
Kaagad na nakita ni Simone ang grupo ng mga basketball player na sinasabi ni Yvette. Agaw-atensyon kasi ang mga ito dahil kahit na mga nakaupo ay kapuna-puna ang laki at lapad ng mga katawan. Nakapuwesto ang grupo sa isang four-seater table na nasa isang sulok, nagkukuwentuhan habang  naghihintay sa pagdating ng mga in-order.
Sandaling-sandaling lang tiningnan ni Simone ang grupo.  Tumunog kasi ang chimes sa glass doors ng restaurant at kaagad nakuha ang atensyon niya ng pumasok na dalawang babaeng teenagers na kapwa nakauniporme ng kalapit nilang unibersidad. Naupo ang dalawa sa isang bakanteng two-seater table malapit sa pinto.
Nagpalinga-linga si Simone at hinanap ng tingin ang mga tagasilbi nila. Nang makitang abala ang mga ito sa kanya-kanyang customers - pati na ang headwaiter - ay kaagad siyang kumuha ng memo slip sa counter at lumapit sa mga bagong dating.
“Good afternoon. Ano’ng order n’yo, mga Miss?” nakangiting sabi ni Simone.
Ngunit wala siyang nakuhang sagot mula sa dalawang teenagers. Nakahawak ang dalawang babae sa menu book sa ibabaw ng mesa pero kapwa nakatingin sa direksyon ng mga basketball player.
“Shucks, ang guguwapo. Ang suwerte naman natin nakita natin sila. 'Buti na lang pumunta tayo rito,” sabi ng isang kulot na babae sa kasama nito.
Napatingin si Simone sa tinitingnan ng dalawang babae. Doon na niya isa-isang tiningnan ang mukha ng mga basketball players. Maliban sa isang lalaki na may maamong mukha at mukhang mahiyain, kaagad na nakilala ni Simone ang dalawa sa tatlong lalaki dahil karaniwan nang laman ng social media ang mga ito. Ang isa ay ang Filipino-American na si JD Fortez na kasalukuyang in-demand model at product endorser. Ang isa pa ay Troy Escobar na kilala ring product endorser na nagtapos sa Ateneo at anak ng sikat ng broadcaster at TV host. Hindi siguro sikat ang ikatlong lalaki na katabi ni JD Fortez at wala naman siyang hilig manood ng basketball kaya hindi niya ito kilala.
Sang-ayon siya na guwapo nga ang tatlong lalaki at alam niyang impressive ang background nina JD Fortez at Troy Escobar pero wala siyang nararamdamang paghanga o kilig sa dalawa. Hindi kasi maganda ang naging karanasan niya noon sa pakikipagrelasyon sa isang atleta dahilan upang sa umpisa pa lang ay wala na siyang interes sa mga kabaro nito.
Hindi rin naman iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon ng customers na celebrity ang kanilang restaurant. Dinarayo talaga ang Mr. Chen Restaurant noon pa man ng mga sikat na personalidad, partikular na ng mga kilalang pulitiko. Mr. Chen Restaurant was  a landmark in Manila because of its delicious and original recipes, and quality service  for more than thirty years.
At sa uri ng trabaho ni Simone, karaniwan na niyang nakakasalamuha ang mga celebrity sa lahat ng larangan. Hindi na rin mabilang ang kanyang celebrity friends. Her brother was also a celebrity; tulad niya ay singer din si Adam. He was a recording artist and was known as a balladeer.
Nagbawi na si Simone ng tingin. Noon niya napansin na halos lahat ng mga parokyano ay sa mga PBA players nakatingin. Nagkibit–balikat siya at ibinalik ang tingin sa mga estudyante.
“Miss, dalawang siopao bola-bola, dalawang braised beef noodles at dalawang iced tea ang order namin,” nakangiting sabi ng isang babae nang muli siyang tumingin sa mga ito.
Napangiti si Simone sa narinig. Mabuti naman at kaagad na natauhan ang mga   customer niya. Mabilis siyang nagsulat sa memo slip at nagpaalam upang ibigay sa cook ang order ng mga ito.

Each Day With You - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon