NAPAKUNOT–NOO si Chad nang makitang bumaba ng taxi si Simone at pumasok sa gate ng katabi niyang bahay dala ang ilang plastic bags na halatang grocery items ang laman. Pagkatapos ay tumaas ang isang sulok ng kanyang mga labi. Mukhang ang babae ang bago niyang tenant.
Nang mabanggit niya kay Will na bakante na ang isa mga apartment unit na paupahan niya ay kaagad nitong nirekomendang umupa ang kaibigang babae ng asawa nitong si Margaux. Dahil matagal na niyang kaibigan si Will na physiotherapist ng Energy Lightnings at malaki ang tiwala niya rito - pati na rin ay Margaux na matagal nang supporter ng team- bago magtungo sa Davao ay ibinigay niya sa mag-asawa ang susi ng bahay upang ang mga ito na ang magpakita ng unit pati na ng kontrata sa sinasabing uupa. Nagbigay pa siya ng diskuwento kung sakaling magustuhan at uupahan nga ang unit.
Nasa Davao pa siya nang ipaalam ni Will na nagustuhan at nakalipat na ang kaibigan nitong si Simone. Bukod sa sinabi ni Will na single at kapatid ng singer na si Adam Chen ang bagong tenant, wala na siyang alam tungkol sa babae. Kahapon lang siya nakabalik sa Maynila at wala naman ang bagong tenant nang puntahan niya kaya hindi pa sila nakakapag-usap at nagkakakilala.
What a coincidence. Ang Simone pala na bago niyang tenant at ang babaeng una niyang nakita sa Mr. Chen Restaurant at nakilala sa Davao ay iisa.
Nang makitang pumapasok na sa pinto si Simone ay umalis na si Chad sa tabi ng bintana. Kinuha niya ang gym bag na nakapatong sa ibabaw ng kama at lumabas na ng silid.
Bago lumabas ng bahay ay dumaan muna siya sa kusina at naglagay ng natirang ulam sa isang maliit na Tupperware upang bigyan ang bago niyang kapitbahay. Paraan niya iyon upang i-welcome ito, just like what any decent landlord and neighbor would do. Mabuti na lang at hindi pa niya nailalagay ang ulam sa refrigerator. Pagkatapos ay inilock na niya ang pinto at gate at nagtungo na sa katabing bahay. Inayos pa muna niya ang buhok bago pinindot ang buzzer sa labas ng gate.
Sandali lang ang pinaghintay niya. Kaagad sumilip sa pinto si Simone at lumabas. Mababakas ang pagkasorpresa sa mukha nito nang makita siya.
“Chad, right?” sabi nito nang makalapit.
“Yes. I live next door. I’m your landlord,” nakangiting pakilala niya sa sarili.
“Ikaw ang landlord ko?” gulat na tanong nito.
Nakangiti siyang tumango. “For you nga pala.” Ipinasok niya sa railings ng gate ang dala niyang Tupperware at inabot dito.
“Thank you,” sabi ni Simone pagkatapos tanggapin ang Tupperware. “Pasok ka muna.” Anyong bubuksan pa nito ang gate para makapasok siya ngunit mabilis siyang tumanggi.
“Next time na lang. I have to go. May team practice kami ngayon.”
“Okay. Thank you again, Chad,” nakangiting tugon ni Simone.
“You’re welcome. Anyway, if you need anything, just knock on my door,” aniya, sabay turo sa bahay niya na napapalibutan ng mga halamang namumulaklak. Bumaling naman ito roon. “And here’s my card.” Mabilis siyang naglabas ng calling card mula sa wallet at iniabot kay Simone. “Don’t hesitate to text or call me,” sabi pa niya.
Tinanggap naman nito iyon at tuluyan na siyang umalis.NAGULAT talaga si Simone nang muling makita ang lalaking una niyang kinainisan sa restaurant ng daddy niya. Ito pala ang PBA player niyang landlord na kaibigan nina Will at Margaux.
What a small world.
Nagustuhan kaagad niya ang bagong tinitirhan nang una pa lang niyang makita. Di-hamak kasi na mas mura, mas malaki at mas maganda iyon. Matatagpuan iyon sa Sampaloc kaya hindi ganoon kalayo sa bahay ng daddy niya at sa restaurant. At ang sabi pa ni Will ay tahimik doon at mababait ang mga kapitbahay. Alam nito iyon dahil dati na ring tumira doon ang lalaki.
Nasabi na ni Simone kay Will na rerentahan niya ang apartment nang malamang isang binatang PBA player at katrabaho nito ang may-ari niyon. Nagdalawang-isip siya bigla sa pagtira doon pero sandaling-sandali lang at sinunggaban pa rin niya. Ginarantiya naman sa kanya nina Will at Margaux na mabait ang magiging landlord niya at matagal nang kakilala ng mag-asawa. Kadalasan naman ay wala siya sa bahay kaya bihirang-bihira lang sigurong magtatagpo ang landas nila ng lalaki. Hindi na niya inusisa ang pangalan ng kanyang landlord dahil iilan lang naman ang kilala niyang PBA players.
Tatlong araw pa lang siyang nakakalipat sa bagong apartment. Sina Will at Margaux din ang tumulong sa kanya sa paglilipat bago tumulak ang mag-asawa sa Palawan para magbakasyon. The couple was finally planning to have a baby after two years of being married.
Dala ang Tupperware, dumeretso kaagad sa kusina si Simone nang makapasok sa loob ng bahay. Nang buksan ang Tupperware ay nakita niyang beef caldereta ang laman niyon. Napangiti siya at biglang nakaramdam ng gutom. Wala sana siyang planong kumain ng lunch sa apartment dahil bibisitahin naman niya ang ama sa restaurant bago magtungo sa trabaho mamayang gabi pero mabango at mukhang masarap ang beef caldereta.
Inilabas niya ang biniling loaf bread at nagsimulang kumain. Naging sunod-sunod na ang pagsubo niya nang masarapan sa kinakain. Well, kung sino man ang nagluto ng beef caldereta, masasabi niyang magaling iyong magluto. Baka nanay, kapatid o girlfriend ni Chad ang nagluto.
Binasa ni Simone ang card na ibinigay ng lalaki. Chad Anthony Esquivel pala ang buong pangalan nito. She already knew he was a professional basketball player. Pero dala ng kuryosidad ay hinanap niya sa Google ang pangalan nito gamit ang kanyang cell phone at nagulat siya sa nabasa. She never thought Chad was that famous. Millions ang followers nito sa Twitter, Facebook at Instagram, ni wala pa sa one–fourth ng followers nito ang mga followers niya sa kanyang social media accounts na karamihan ay mga fans pa ni Adam na curious lang sa kanya.
Chad was still single at the age of thirty-one, and he was born and raised in Davao City. Bunso ito sa tatlong magkakapatid at tulad niya ay ulila na rin ito sa ina. He was six feet and three inches tall.
His achievements as a cager were impressive. Bago pa ito naging isang professional basketball player ay humakot muna ito ng awards sa amateur league, dahilan upang maging number one pick ang lalaki noong rookie year nito. Siyam na taon na ito sa PBA at tanging sa Energy Lightnings pa lang nakapaglaro bilang forward. Mayroon itong walong championship trophies, naging MVP sa ikalawang taon nito sa PBA at tatlong beses na naging finals MVP. Miyembro ang lalaki ng mythical first team sa nakalipas na dalawang taon at dating miyembro ng national team. Sa kasalukuyan, isa si Chad sa most reliable scorer ng PBA.Ang pinakahuling award na natanggap nito ay nang maging MVP sa nakaraang All-Star Game na ginanap sa Davao City.
May ilan din itong product endorsements at ilang beses nang nai-feature sa mga sports magazines. Lalong na-impress si Simone nang mabasa na licensed accountant pa pala ang lalaki.
Well, kung babale-walain niya ang unang pagtatagpo nila ay masasabi niyang okay naman si Chad at mukha talagang mabait gaya ng sinasabi ng mga kaibigan niya. Hayun nga at binigyan pa siya ng pagkain, at nag-apologize pa sa kanya noong huli silang magkita. Sa tingin niya ay magkakasundo sila maliban na lamang kung muli siya nitong iimbitahang magkape o popormahan siya, malamang ay tatanggi uli siya. Pakikipagkaibigan o landlord-tenant relationship lang ang maari niyang payagang mamagitan sa kanila.
Biglang napailing si Simone sa tinatakbo ng isip. What if Chad was not really into her? O baka single nga ito pero in a relationship naman.
Well, that’s good. Dahil nangako siya sa sarili na hindi na siya iibig sa isang atleta o sa isang tao na may komplikadong buhay pagkatapos na hindi matuloy ang kanyang kasal kay James Francisco, isang professional football player na dating miyembro ng national team.
What happened between her and James was a whirwind romance. They met in a hotel in Makati where she hosted a bottled company’s anniversary party three years ago. Imbitado roon si James dahil endorser ito ng isa sa mga produkto ng kompanya. Pagkatapos ng isang linggong araw-araw na pagde-date ay nagkaroon sila ng relasyon. Sobrang guwapo kasi ni James, matalino at sweet pa kaya madaling nahulog ang kanyang loob dito.
Pero kakambal ng kasikatan ni James ang pagkakaroon ng maraming tagahanga na gustong pumapel hindi lamang sa career nito kundi pati na rin sa personal nitong buhay. Nang mapabalita ang kanilang ay maraming tumutol at nag-bash sa kanya na sa una ay binale-wala lang niya.
Hindi raw sila bagay ni James dahil sa kanyang physical appearance at aminado naman si Simone doon. James was a half Filipino - half British and younger than her by three years. Samantalang siya, kahit maganda at matangkad ay mataba naman, 37-32-38 ang vital statistics niya noon. Minsan ay tinanong niya si James kung bakit siya ang nagustuhan at kung ano ang nakita nito sa kanya.
“Because you have a pure heart that makes you beautiful inside and out,” mabilis nitong tugon.
Dahil sa sinabi ni James ay naging kampante si Simone sa pag-ibig nito sa kanya. At sa ikatlong buwan ng kanilang relasyon, sa kanyang pagkasorpresa ay nag-propose si James ng kasal na tinanggap niya naman dahil mahal na mahal na niya ito noon. Hindi man ito gaanong gusto ng kanyang pamilya at ni Margaux - pati na ng ilan pang malalapit niyang kaibigan - wala siyang narinig na pagtutol sa mga ito sa naging desisyon. Nagkasundo sila ni James na sa huwes muna magpakasal dahil kapwa hindi pa nila kayang mag-asikaso ng preparasyon sa engrandeng kasal na gusto ni James dahil sa kanya-kanyang commitments.
Ilang araw bago ang kanilang civil wedding ay nalaman ng isang grupo na matagal nang supporters ni James - na lantaran ang pagpapakita ng disgusto sa kanya - ang nakatakda nilang kasal. Habang nanonood ng isang practice game ng team ni James ay muli siyang nakarinig ng mga panlalait at masasakit na salita mula sa grupo. She was in a very bad mood that day because of a problem in her unprofessional client.
What happened was, Simone lost her patience and went down to the group's level and acted like an ill-bred individual. Nakipagmurahan at nakipagsabunutan siya sa mga miyembro ng grupo. Biglang natigil ang practice game dahil sa pagyayaring iyon. Pero imbes na kampihan ni James at tulungang gamutin ang mga sugat na natamo ay inaway pa siya at sa harap ng maraming tao ay hiniwalayan siya.
Simone was shocked and she cried for days. Nang ma-realize ang pagkakamali ay sinubukan niyang humingi ng tawad kay James ngunit hindi na nagbago ang desisyon nito. Ikinatwiran din ng lalaki na na-realize nitong hindi pa pala ito handang mag-asawa.
Sa paglipas ng panahon ay nagawa ni Simone na mag-move on. Naging therapy niya ang kanyang trabaho at mga leisure trips. Naging pursigido rin siyang magbawas ng timbang upang hindi na maulit ang mga panlalait na natanggap niya noon. Twenty-five inches na lang ang kanyang waistline ngayon na pilit niyang mine-maintain sa pamamagitan ng pagda-diet at paglalaro ng badminton.
Pagkatapos mabasa ang ilan pang article tungkol sa kanyang bagong landlord, dala ng kuryosidad ay idinayal niya ang numero ni Margaux. Gusto pa niyang magkaroon ng ibang impormasyon tungkol kay Chad Anthony Esquivel.
BINABASA MO ANG
Each Day With You - Published under PHR
RomanceMayabang man ang unang naging impresyon ni Simone sa sikat na basketball player na si Chad Esquivel, nagbago iyon nang maging landlord niya ang binata at makilala ito nang lubusan. Bukod sa guwapo ay napakabait pala nito, dahilan para magkalapit sil...