“ANO, CHAD, sasama ka ba?”
“Pass ako, bro,” tugon ni Chad sa teammate na si Jeric. Kasama ng buong team at coaching staff, dumalo si Chad sa forty-fifth birthday celebration ng head coach nilang si Coach Ryan na ginanap sa isang restaurant sa Makati. Hindi pa man nangangalahati ang party ay nagpaplano na ang mga teammates niya na magtungo sa paboritong disco bar ng mga ito sa The Fort pagkatapos. Wala kasi silang game at practice sa susunod na dalawang araw kaya puwede silang magpuyat.
“Lagi ka na lang pass. Kabinata mong tao, wala kang social life,” kantiyaw ng isa pa niyang teammate na si Ram na isa ring forward sa team nila at kilalang playboy.
Ngumiti lang si Chad sa sinabi ni Ram. May katotohanan kasi ang sinabi nito. Bukod sa hindi siya mahilig sa nightlife, bihira lang siyang lumabas o gumimik. Kadalasan, pagkatapos ng practice ay kumakain lang sila sa paborito nilang restaurant at umuuwi na siya pagkatapos.
Natigil ang pag-uusap nila at halos sabay-sabay na napatingin sa stage nang
magsalita ang babaeng isa sa dalawang hosts ng party. Tinawag nito ang panganay na anak ng celebrant upang magbigay ng birthday message. Sandaling napakunot-noo si Chad nang mapansing pamilyar ang babae sa kanya. Awtomatiko siyang napangiti nang tuluyan itong makilala.
The woman was no other than Simone, his new tenant.
Habang nagsasalita ang anak ni Coach Ryan ay nagpatuloy sa pag-uusap ang mga ka-teammate tungkol sa pinaplanong gimik ngunit hindi na nakisali si Chad sa pinag-uusapan ng mga ito. Ang buong atensyon niya ay na kay Simone na.
Napakaganda pa rin ng dalaga kahit naka-ponytail lang ang buhok at nakasuot ng simpleng blouse at slacks. Hindi lang pala magaling na singer ang babae, magaling ding host. Kasama ng gay co-host,nagawa nitong maging lively ang programa. Natigil din sa pag-uusap ang mga teammate niya at muling natuon ang atensyon sa mga nasa stage.
A few hours later ay natapos na ang programa at nagkanya-kanya nang umpukan ang mga bisita habang umiinom ng alak kaya nagkaroon ng pagkakataon si Chad na lapitan si Simone. Nakatayo ito sa gilid ng stage habang abala sa pagpindot sa cell phone.
“Hi, Simone,” nakangiting bati niya.
Lumingon ito at rumihistro ang pagkagulat sa mukha nang makita siya. “Chad? What are you doing here?”
“Head coach ko ang celebrant.”
“I see,” tumatango-tangong sabi nito.
“First, you were a waitress. Then wedding singer ka sa wedding ng grandparents ko. At ngayon naman isa ka sa mga hosts. Ano ba talagang trabaho mo?” interesadong tanong niya.
“All of the above.”
“What do you mean?”
“Well, daddy ko ang may-ari ng Mr. Chen Restaurant. Nagkasakit siya kaya ako muna ang pansamantalang namahala ng restaurant. But by profession, event host at singer ako,” paliwanag ni Simone.
Tumango-tango si Chad. “Interesting. So, madalas ka palang puyat.”
“Yes. But it’s okay. Nocturnal ako.”
“Opposite pala tayo. I’m a morning person. Can I have your card? Just in case kailanganin ko ang serbisyo mo o ng isang kakilala, ire-recommend kita. O kung may kailangan akong sabihin sa ‘yo tungkol sa unit mo.”
Kaagad naman itong naglabas ng business card sa dalang bag at iniabot sa kanya. Sandali niya iyong binasa at itinago na sa wallet.
“I have to go, Chad,” mayamaya ay paalam ni Simone.
“Uuwi ka na?”
“Yes. Tapos na kasi ang trabaho ko.”
“Do you have a car?”
“No. Wala akong kotse. Magta-taxi ako pauwi,” tugon nito.
“Bakit hindi ka pa sumabay sa akin? Halos tapos naman na ang party. I can go home. Sabay na tayong umuwi.”
Rumihistro ang pag-aalinlangan sa mukha ni Simone.
“Don’t worry, you can trust me. We will go home safe. Kung gusto mo pa, tawagan natin si Margaux para malaman niyang ako ang kasama mo pauwi.”
Natawa si Simone. “Sobra na ‘yon. Sige na, sasabay na ako sa ‘yo pauwi.”
“All right.”
Nagkanya-kanya muna silang paalam ni Simone sa mga kasama nila at sa birthday celebrant bago nagkita sa parking lot ng restaurant. Paalis na sila nang kumatok si Ram sa bintana ng kanyang kotse.
“Pare, sa Beat Club kami pupunta. Sunod ka na lang,” sabi nito nang ibaba niya ang bintana.
“Hindi ako susunod, pare. Uuwi na ako.”
“Pare naman. Lagi ka na – ” Natigil si Ram sa pagsasalita nang mapatingin kay Simone na nakaupo sa passenger seat at abala sa cell phone. Lumarawan ang pagkagulat sa mukha ng teammate nang makitang onboard niya ang babaeng host ng party kanina.
“Next time na lang, pare. Babawi ako,” sabi ni Chad bago pa muling makapagsalita si Ram.
“All right, pare. Good luck!” nakangising sabi ni Ram at umalis na.
Napapailing na itinaas na ni Chad ang bintana ng kotse. Alam niyang nag-isip na kaagad nang hindi maganda si Ram sa kanila ni Simone.
“That was Ram Salas, teammate ko. Nagkayayaan kasi silang gumimik pa,” aniya kay Simone at pinaandar na ang kotse.
“Bakit hindi ka sumama sa kanila?” tanong nito.
“I’d rather rest at home kaysa gumimik. Homebody kasi ako.”
“Hmm… okay,” kulang sa conviction at tumatango-tangong sabi nito.
BINABASA MO ANG
Each Day With You - Published under PHR
RomanceMayabang man ang unang naging impresyon ni Simone sa sikat na basketball player na si Chad Esquivel, nagbago iyon nang maging landlord niya ang binata at makilala ito nang lubusan. Bukod sa guwapo ay napakabait pala nito, dahilan para magkalapit sil...