NAPABUNTONG–HININGA si Chad sa matinding frustration na nararamdaman habang nakahinga sa sofa sa sala at nanonood ng TV. Isang dosena na ang lamang ng kalaban sa team niya at wala siyang maitulong. And worse, he did not even make it to the Arena to at least support the team.
Two–one na ang standing ng finals, in favor of Lightnings dahil nanalo sila sa game three. Mabuti na lamang at maganda ang nilaro ng kanyang mga teammate. Parang alam din ni Coach Ryan na wala siyang gagawing mabuti sa loob ng court kaya limitadong playing time lang ang ibinigay sa kanya kaya nabawasan ang errors ng team.
Ngunit sa tinatakbo ng laro ngayon, posibleng tumabla na naman ang standing. Nang mag-half time break ay inabot niya ang kanyang cell phone na nasa ibabaw ng center table. Kanina pa kasi tumutunog ang message alert tone. Binasa niya ang mga text ng ilang kaibigan at ilang malalapit na supporters na noon lang nalaman ang nangyari sa kanya pagkatapos i-report ng courtside reporter na si Erika ang nangyari sa kanya.
Frustrated na muling napabuntong-hininga si Chad nang wala man lang siyang natanggap na text message mula kay Simone. He was actually waiting and hoping for a call or text from her.Alam kaya nito na may injury siya?
Hindi pa siguro. Siguro naman ay hindi siya matitiis ng dalaga na kumustahin kapag nalaman nito ang nangyari sa kanya.
Halos hindi niya matanggap ang hiniling ni Simone noong huli silang magkita. Hiniling ng dalaga na layuan niya ito. Gusto na raw nitong bumalik sa dating routine ang buhay nito. Ang ibig sabihin lang niyon, hindi talaga siya gusto ni Simone. Sana lang ay hindi nito pinag-iisipang lumipat ng bahay.
Totoong nagbago ang takbo ng kanyang buhay mula nang dumating si Simone. Madalas ay napupuyat siya sa paghihintay na matapos ang event nito pero gusto niya ang ginagawa. Hindi naman naapektuhan ang laro niya, bagkus ay inspirado pa nga siya. What she was asking from him was like death to him. Nasanay na siya nang husto sa presensya ng dalaga at natural na hindi siya basta susuko.
Ngunit nagdesisyon siyang bigyan si Simone ng space at patapusin muna ang championship series upang makapag-focus din siya sa laro niya. Subalit hindi na yata siya makakatagal. Mas sumasama ang laro niya dahil hindi man lang nakikita si Simone. Ni hindi rin nag-a-update ang dalaga sa social media accounts nito.
Ilang sandaling nakatitig lang si Chad sa hawak na cell phone. Nang hindi na makatiis ay tinawagan na niya si Simone. Kaagad naman nitong tinanggap ang tawag niya.
“Hello, Chad?”
“Simone?” Napakunot-noo siya nang marinig ang tinig nito na tila hinihingal. “Where are you?” tanong pa niya.
“You just have to open your gate for you to know where I am.”
“W-what?” Bigla siyang napatayo sa narinig. “Ouch!” hiyaw niya nang muling maramdaman ang pananakit ng likod.
“Easy,” sabi ni Simone.
Napangiti siya nang mahimigan ang pag-aalala sa tinig nito. Hindi na niya inalintana ang masakit na likod at lumabas ng bahay. Nag-aalalang Simone ang nakita niyang nakatayo sa labas ng gate. Pinindot na niya ang End button ng cell phone at kaagad na pinagbuksan ng gate ang dalaga.
Sa pagkagulat niya ay kaagad siyang niyakap ni Simone nang makapasok.
“Why you didn’t call me? Kung hindi ako nanood ng game, hindi ko pa malalaman ang nangyari sa ’yo. Ano na ang nararamdaman mo?” mangiyak-ngiyak na sabi nito.
“I feel much better now that you’re here. I thought you were mad at me.”
“I’m so sorry sa nasabi ko,” sabi
nito at tuluyan nang napaiyak.
“It’s okay. Huwag ka nang umiyak.” Niyakap niya si Simone nang mas mahigpit. “I love you,” hindi na napigilan ang sarili na pahayag niya.
Naramdaman ni Chad ang biglang paninigas ni Simone. Bahagya siyang kumalas sa dalaga, pinunasan muna ang luha sa mga mata nito bago ito hinawakan sa magkabilang balikat. Naghinanag ang kanilang mga mata. “I love you,” ulit niya. “Each day with you makes me fall even more in love with you. Mahal na mahal na talaga kita, Simone. Please don’t ask me to stay away from you.”
Ngumiti na ito. “Hindi ko na gagawin ‘yon. I love you, too, Chad. Mahal na mahal din kita."
Ilang sandaling natulala siya bago yumuko at sabik na hinalikan ang mga labi ni Simone. Kaagad naman itong tumugon sa halik niya. Matagal sila sa ganoong tagpo bago muling nagyakap nang mahigpit. Nagbitiw lang sila at pumasok na sa loob nang marinig sa TV na magsisimula na ang third quarter ng laro.
BINABASA MO ANG
Each Day With You - Published under PHR
RomanceMayabang man ang unang naging impresyon ni Simone sa sikat na basketball player na si Chad Esquivel, nagbago iyon nang maging landlord niya ang binata at makilala ito nang lubusan. Bukod sa guwapo ay napakabait pala nito, dahilan para magkalapit sil...