Chapter Nine

2.7K 48 0
                                    


Good AM!
         Awtomatikong napangiti si Simone nang mabasa ang text message ni Chad nang magising siya nang umagang iyon. Kaagad siyang nag-reply ng parehong pagbati habang nakahiga pa rin sa kama. Alas-nueve pa lang ng umaga at medyo  inaantok pa siya.
Kaagad namang nag-reply si Chad. Tuloy tayo sa date natin tonight, ha?”
Sinundo si Simone ni Chad kagabi sa trabaho at bago maghiwalay ay humiling ito ng dinner date. At dahil pareho silang walang trabaho sa gabing iyon ay kaagad siyang nagpaunlak.
Yes. Nasa gym ka?
Tinanghali ako ng gising. Pupunta pa lang ako sa gym. Sama ka?
Nanlaki ang mga mata ni Simone nang mabasa ang mensahe. Biglang nawala ang antok niya. Sa halip na mag-type ng mensahe ay idinayal niya ang numero ng binata.
“Mataba na ba ako? Bakit mo ako niyayayang mag-gym?” naaalarmang tanong niya nang sagutin ni Chad ang tawag.
Amused na tumawa muna ito nang malakas bago nagsalita. “Hindi ka mataba. You’re perfectly fine. Gusto lang kitang makasama kaya kita niyaya sa gym.”
Kaagad na napangiti si Simone. 
“So? Sasama ka ba sa akin?” tanong ni Chad.
“Sige na nga.” Kunwari ay napipilitan pa siya. “Pero ayoko sa gym. Puwede bang mag-badminton na lang tayo?”
“Sure. No problem,” mabilis nitong tugon. “Pero punta ka muna dito sa bahay. Sabay na tayong mag-breakfast.” 
“Hindi na ako magbe-breakfast. Maliligo na ako,” aniya at tinapos na ang tawag. Bumaba na siya ng kama at nagtungo sa banyo at kaagad na naligo.
Fifteen minutes later, palabas na ng gate si Simone. Naabutan niya si Chad na inilalabas pa lang ang sasakyan nito sa garahe. Tila namamanghang nakatingin ito sa kanya nang bumaba ng kotse pagkatapos maiparada ang kotse  sa gilid ng kalsada. He then surveyed her from head to toe. Bigla tuloy siyang na-conscious.
“May mali ba sa suot ko? Kailangan ko bang magpalit?” kunot–noong tanong niya. Nakasuot siya ng black gym pants at light blue spandex sando na pinatungab ng blue din na sweatshirt at rubber shoes. Usual getup niya iyon kapag naglalaro ng badminton. Hinayaan niyang nakalugay ang basa pang buhok.
“There’s nothing wrong, Simone. It’s just that most women I know take so much time to make themselves beautiful. Pero ikaw, you just washed your face and you’re good to go.”
Napamaang siya. Bigla tuloy niyang napalo si Chad sa braso. “Hoy, naligo ako! Hindi lang talaga ako matagal mag-ayos. But do I look okay?”
Napangisi ito. “You’re so beautiful.”
Buong katawan yata ni Simone ang namula sa harap-harapang papuri ni Chad. Bago pa siya makapag-react ay tinalikuran na siya ng binata upang isara ang gate. Nangingiting lumapit siya sa kotse nito at nagpatiuna nang sumakay.

“SORRY. Hindi na naman natuloy ang dinner date natin,” apologetic na sabi ni Simone kay Chad habang magkaharap silang kumakain sa isang mesa sa loob ng opisina ng daddy ni Simone.
“Ano sa palagay mo ang ginagawa natin? We’re already having dinner. It’s perfect. Eating with you is perfect. And the food here is better than other Chinese restaurants I know,” sabi ng binata habang maganang kumakain.
“That’s true,” biased na pagsang-ayon niya.
Pauwi na sila mula sa pagba-badminton nang makatanggap nang tawag si Simone mula sa daddy niya. Pinakiusapan siya ng ama na i-manage  ang restaurant sa araw na iyon dahil may kaibigan itong may sakit - ninong ni Adam na gusto nitong dalawin sa bahay niyon sa Laguna. At sasamahan ni Adam ang daddy nila.
          Mabilis na pumayag si Simone. Halatang na-disappoint si Chad nang sabihin niya na kanselado ang date nila dahil siya na rin ang magsasara ng restaurant, pero sandali lang dahil kaagad itong nag-offer na sasamahan siya sa restaurant sa ayaw at sa gusto niya.
Pagkatapos nilang magbihis ay nagtungo na sila sa restaurant. Sa buong maghapon, habang ginagawa ni Simone ang trabaho, palibhasa mahilig ding magluto ay mas matagal na tumambay si Chad sa kusina. Pero kumalat yata ang balitang naroon sa restaurant ang sikat na PBA player dahil kapuna-puna ang biglang pagdagsa ng mga customer - na karamihan ay mga estudyante - sa restaurant. Game namang nagpaunlak si Chad sa mga nagpapa-picture. Bago sumapit ang hapunan ay marami pa ring mga customer na mas di - hamak na mas marami kaysa sa karaniwang araw na wala si Chad. Kaya sa halip na sa dining area ay minabuti na lang ni Simone na sa loob ng opisina ng daddy niya sila kumain ng hapunan.
“Actually, sa pupuntahan sana natin, someone will play violin for us. Pero dahil walang violinist dito, ako na lang tutugtog at kakanta para sa ‘yo.”
Napasunod na lang si Simone ng tingin sa binata nang bigla itong tumigil sa pagkain at tumayo. Kinuha ni Chad ang acoustic guitar sa isang sulok - kay Adam ang gitara - na kanina pa nito pinaglalaruan, pagkatapos ay muling bumalik sa kinauupuan.
Napahinto si Simone sa pagkain at napasandal sa kinauupuan nang magsimulang tumugtog at kumanta si Chad.
“It's been quite a while. You've really kept me wanting you. You've got some style that'so unique. So beautiful, so warm, so deep. Stay with me tonight. Let me know the kind of love that will remain forever be. A dream that you had made reality.”
She knew that song. She had always been in love with that song. Hindi niya akalain na alam din ni Chad ang kantang iyon. At para kay Simone, ang acoustic version ng binata ang pinakamagandang version na narinig niya. Mas nabigyan nito iyon ng ibang kahulugan na tumatagos sa kanyang puso. 
“Loving you, ohohoh... is such an easy thing to do. No, you'll never know. It's driving me crazy coz it grows and grows. But I won't let it stop, no, I'm not giving up
Loving you, oh, loving you just have been too much.”
Naiiyak na napatitig na lang si Simone kay Chad hanggang sa matapos ito sa pagkanta. Nginitian siya nito. “Did you like the song?” tanong nito.
Sunod-sunod siyang tumango at pasimpleng pinahid ang mga luha. “I love it.” Bago pa niya mapigilan ang sarili ay nakatayo na siya at nilapitan si Chad. She planted a soft kiss on his lips na saglit nitong ikinabigla. “Thank you for singing for me,” aniya na sinundan pa ng ngiti.
“You’re welcome,” nakangiti ring tugon nito.
“Ituloy na natin ang pagkain,” aniya at bumalik na sa sariling silya.
“All right.” Ibinalik na ni Chad ang gitara sa pinagkuhanan nito. Ilang sandali pa ay magana na uli silang kumakain habang patuloy sa pagkukuwentuhan.

“MAGPAHINGA ka nang mabuti, Chad. I need you one hundred percent in our next game,” sabi ni Coach Ryan. 
“Yes, Coach,” tugon ni Chad habang nakaupo sa isang monoblock chair sa gilid ng court at hawak ang kanyang cell phone. Tinapik pa muna siya ni Coach Ryan sa balikat bago naglakad patungo sa private room ng basketball gym.
Frustrated na napabungtong-hininga si Chad at sumandal sa kinauupuan. Tapos na ang practice. Hindi siya nakapag-perform nang maayos at two points lang ang naging score. Maaring sabihin na pagod siya dahil sa nakaka-pressure na mga do-or-die games nila at puspusang practice. Hindi rin biro ang pinagdaanan ng team nila kagabi upang mapanalunan ang game two. Ngunit alam niyang may iba pang dahilan. Lumilipad kasi ang isip niya dahil sa pag-aalala kay Simone.
Simone was not feeling well. Nabasa niya sa Facebook post ng dalaga kagabi na masama ang pakiramdam nito habang nasa isang event. Katatapos lang ng laro nila kagabi nang mabasa niya iyon. Kaagad siyang nag-text kay Simone at nag-offer na sunduin ito ngunit tumanggi ito dahil nasa Batangas ang venue ng event. Ayon sa dalaga ay ihahatid naman ito pauwi ng mga kaibigan kaya hindi na siya nagpumilit pa.
Muli niyang kinamusta si Simone kaninang umaga bago siya umalis ng bahay subalit hanggang sa mga sandaling  iyon ay hindi ito nagre-reply. Sinubukan na rin niyang tawagan ang dalaga ngunit hindi naman nito sinasagot ang cell phone. Hindi na rin nasundan ang Facebook post nito.
Saradong-sarado ang bahay ni Simone kanina nang umalis siya. Hindi niya alam kung nakauwi ba ito o naroon lang ito at natutulog pa. Naisip niyang nagpapahinga pa ito ngunit ang kaalamang walang nag-aasikaso rito ang labis na bumabagabag sa kanya. Matagal na panahon na siyang namumuhay nang mag-isa. Alam niya kung gaano kahirap magkasakit nang nag-iisa.
He loved Simone. Sa pisikal na anyo ay malayong–malayo si Simone sa mga natitipuhan niyang babae ngunit ang kasimplehan nito, ang kabaitan, ang pagiging natural nito, at ang pagiging prangka ang mga naging dahilan upang tuluyang mahulog ang loob niya sa dalaga sa maikling panahon ng kanilanf pagkakakilala nila. Gaya ng mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay, malinis ang intensyon niya kay Simone. He saw signs that she liked him, too, and even returned his kisses. Lagi rin itong magiliw sa kanya at ilang oras din ang itinatagal ng mga pag-uusap nila. Dahil doon ay malaki ang pag-asa niya na matutunan din nito na mahalin siya at tanggapin kung ano at sino siya. Nakahanda siyang gawin ang lahat para tuluyang mahulog ang loob nito sa kanya. Patutunayan niya kay Simone  na iba siya sa lalaking nang-iwan dito.
Muling sinubukan ni Chad na  tawagan si Simone ngunit nakapatay na ang cell phone nito. Muli siyang napabuntong-hininga at tumayo na. Nagdesisyon siyang umuwi na lang agad kaysa patuloy na mag-isip at mag-alala. Hindi na siya nag-abalang mag-shower pa. Nagpalit lang siya ng damit at nagpaalam na sa mga ka-teammate at sumakay na ng kotse.
Nang makauwi, nakita ni Chad na saradong-sarado ang kabilang bahay, parang walang tao. Alas-tres y medya na  ng hapon. Kapag ganoong oras ay karaniwan nang nakaalis na si Simone o naghahanda na sa pag-alis kung may event man itong pupuntahan.
Pagpasok ni Chad sa sariling  bahay ay dumeretso siya sa likod-bahay at kumatok sa back door ng kabilang bahay. Nagbabaka-sakali siyang naroon lang si Simone. Subalit ilang minuto na siyang kumakatok at tinatawag ang pangalan ng dalaga ngunit hindi siya nito pinagbubuksan. Wala rin ni ano mang ingay na nanggagaling sa loob ng bahay, palatandaan na wala nga ito roon. Baka umalis si Simone kanina habang nasa practice siya, kung sakali ngang naroon lang ito. Alam niyang walang trabaho ang dalaga sa araw na iyon at posibleng nagtungo ito sa restaurant ng daddy nito. Sana lang ay okay na si Simone.
Bumalik na si Chad sa kanyang bahay at minabuting mag-shower na muna bago muling umalis. Plano niyang pumunta sa Mr. Chen sa pagbabaka-sakaling naroon si Simone. Kung wala naman ay muli na lang niyang yayayaing maglaro ng chess si Mr. Chen kung hindi ito busy. He liked talking to the old man and eating in his restaurant. Madali silang nagkasundo nito dahil ang dami nilang pagkakapareho ng interes.
  Nakapaligo na si Chad at nakapagbihis na nang maulaningan ang pagbagsak ng kung anong bagay sa kabilang bahay. Bigla siyang kinabahan. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kabilang bahay. Sunod-sunod at nag-aalalang kumatok siya habang tinatawag ang pangalan ni Simone. Ngunit ilang minuto na ang nakalilipas ay nanatiling walang nagbubukas sa pinto. Doon siya nagdesisyong pasukin na ang bahay.
Bumalik si Chad sa bahay niya para kunin ang duplicate keys at binuksan ang pinto ng apartment ni Simone.
“Simone?” malalaki ang hakbang at nag-aalalang sigaw niya nang makapasok. 
             Wala pa rin siyang nakuhang sagot.
Umakyat na kaagad siya sa hagdan patungo sa second floor nang hindi makita ang dalaga sa kusina at sa sala. Kaagad niyang nasilip ang bahagyang nakaawang na pinto ng isa sa dalawang silid. Dali-dali siyang lumapit doon at itinulak ang pinto.
Ganoon na lamang ang takot na lumukob kay Chad nang madatnang nakahandusay sa sahig ang walang malay na dalaga. Mabilis niya itong pinulsuhan. Bahagyang nabawasan ang kanyang kaba nang maramdamang may pulso pa rin si Simone at humihinga. Mabilis niya itong binuhat upang dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Each Day With You - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon