Chapter Eight

2.7K 70 0
                                    


“WE MADE it, Simone. Pasok na kami sa semifinals!”
Halos mabingi si Simone nang marinig ang malakas at masayang-masayang tinig ni Chad nang sagutin niya ang tawag nito. Sa background ng binata ay naririnig pa niya ang sigawan at halakhakan ng mga teammate nito na parang muli na namang nag-champion.
Pero hindi alintana ni Simone ang ingay. Masayang–masaya rin siya para kay Chad at sa team nito. Hindi niya napanood ang live telecast ng PBA dahil may rehearshal siya pero updated naman siya sa progress ng laro dahil sa pagsilip sa Twitter kapag naka-break siya. Kasalukuyan pa ngang trending worldwide ang pagkapanalo ng Energy Lightnings.
“Congratulations, Chad!” bati niya.
“Thank you. Nasa music studio ka pa rin ba?” tanong nito.
“Yes. Pero patapos na kami.”
“Susunduin kita diyan. Wait for me, okay? We have to celebrate.” Bago pa  makasagot si Simone aay muli siyang nakarinig ng malakas na ingay sa background ni Chad at pagkatapos ay nawala na ito sa kabilang linya.
Napapailing na itinago na ni Simone ang cell phone sa loob ng bag. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay natapos na rin sila. Sandali siyang dumaan sa restroom para mag-retouch. Palabas na siya ng restroom nang tawagan ni Chad; nasa parking lot na raw ito.
Dali-dali siyang lumabas at pinuntahan ang binata. Kaagad namang pinaandar ni Chad ang kotse nang makasakay siya.
“Congrats!” muling bati ni Simone nang nasa main road na sila. Basa pa ang buhok ni Chad, halatang nag-shower muna bago siya pinuntahan. Nakasuot ito ng itim na polo shirt at jeans. Simple pero neat  kung pumorma ang binata.
Ngumiti ito. “Thanks. Semifinals na. We need to win four games para makapasok sa finals. Ang problema, mas malakas ‘yong team na makakalaban namin this time." Mahihimigan ang magkahalong kaba at excitement sa tinig ng binata.
“Kaya n’yo ‘yan. Naipanalo n’yo nga ‘yong mga do-or-die games ninyo. Para sa akin, mas mahirap ang mga ‘yon. I’m sure magagawa n’yo uling makapasok sa finals. I’ll pray for your team.”
“Thanks. Kumusta naman ang rehearsal ninyo?”
“It’s went well. Teka, saan ba tayo pupunta?” tanong ni Simone nang mapansing ang daan na tinatahak nila ay patungo sa Roxas Boulevard.
Tumawa nang mahina si Chad. “I don’t know. Saan mo ba gustong kumain?”
“Ikaw na lang ang bahala. Busog pa ako sa kinain naming pizza kanina. Hindi na ako kakain.” 
“Takot kang tumaba, huh?”
              Ngumiti lang si Simone. Dahil sa madalas na pagbibigay ni Chad ng pagkain sa kanya ay hindi na siya nakakapag-diet. Kailangan na niyang maghinay-hinay sa pagkain kung ayaw niyang tumaba uli. Ilang linggo pa naman na siyang hindi na nakakapagbadminton o nakakapag-exercise man lang.
“Ako din, busog pa. Kumain din kami ng pizza kanina. How about coffee?” tanong ni Chad.
“All right.”
Nakarating sila sa Baywalk. Pagkatapos na maiparada ang kotse ay sandali siyang iniwan ni Chad upang bumili ng kape. Pagbalik ay tumatakbo ito pasakay ng kotse bitbit ang kape. Nagsisimula na kasing pumatak ang ulan.  Nanatili lang sila sa loob ng sasakyan at nag-usap ng random topics habang sumisimsim ng kape.
“Ano’ng first impression mo sa akin noong una mo akong makita?” tanong ni Simone. It was past twelve midnight. Tuluyan nang bumuhos ang ulan at nawala na rin ang mga taong namamasyal sa paligid at ang natira na lang ay mga sasakyan.
“Hmm? At first, ang tingin ko talaga sa ‘yo ay mataray ka at suplada. Ang tapang kasi ng hitsura mo, lalo na kapag hindi ka ngumingiti.” Sinundan pa nito ng tawa ang sinabi.
            Sa halip na ma-offend ay natawa rin si Simone. Totoo naman kasi ang sinabi ni Chad.
“Mukha talaga akong mataray at snob pero hindi talaga ako ganoon.”
“I know. Eh, ikaw, ano'ng first impression mo naman sa akin no’ng una tayong magkita sa resto ninyo,” tanong naman ng binata.
“Ano pa, eh, di mayabang na akala mo kung sinong guwapo.”
Ang lakas ng tawa ni Chad.  “Uy, hindi talaga ako ganoon,” pagtatanggol naman nito sa sarili.
“I know.”
Namagitan sa kanila ang katahimikan habang sumusimsim sila sa kanya kanyang kape. Napahalukipkip si Simone nang makaramdam ng lamig. Kanina pa hininaan ni Chad ang aircon sa loob ng kotse ngunit lalo pang lumakas ang ulan at nag-moist na rin ang mga salamin ng kotse kaya lalo pang guminaw.
Inilagay ni Chad ang kape nito sa cup holder, saka dumukwang sa backseat para kinuha ang sports jacket.  “Here.” Bago pa makapagsalita si Simone ay nakalipat na ito sa espasyong nasa pagitan nila. Ipinatong ng binata sa balikat niya ang jacket, dahilan upang malanghap niya ang bango nito nang mas malapitan.
She really loved his smell. Lagi itong mabango kahit nasa bahay lang pero iyong tipong husky at rugged, lalaking-lalaki ang amoy at hindi nakakasawang langhapin. Wala sa loob na napalunok si Simone habang nakahawak pa rin si Chad sa jacket na nakapatong sa kanyang balikat. Tumingin ito sa kanya. Bigla ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang maghinang ang kanilang mga mata.
Hindi nagbawi ng tingin si Chad. Hindi rin maialis ni Simone ang tingin sa magaganda nitong mata.
“Simone…” anas ng binata at lumipat ang tingin sa kanyang mga labi.
Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. “Chad… don’t,” mahinang pakiusap niya nang unti-unti nitong ilapit ang mukha sa kanyang mukha. Alam niya ang intensiyon nito. Alam din niyang magbabago ang lahat sa pagitan nila oras na halikan siya nito.
Ngunit nagpatuloy pa rin si Chad. Inilapit nito  ang mga labi sa bahagyang nakaawang niyang mga labi. It was light soft kiss. Simone was shocked for a moment. Nang gumalaw ang mga labi ng binata at palalimin pa ang halik ay napapikit na siya. Chad's lips were so sweet and gentle. Sandali itong kumalas sa kanya at ipinatong sa dashboard ang hawak niyang kape at saka muli siyang hinalikan. Namalayan na lang ni Simone na tumutugon na rin siya sa mga halik ng binata.
Unti-unting humina ang malakas na ulan hanggang sa tuluyang tumila. Subalit kapwa walang pakialam sa paligid sina Simone at Chad. Mas lumalim pa ang mga halik na pinagsasaluhan nila. Nakayakap na si Chad nang mahigpit sa kanya at nakapalibot naman ang kanyang mga braso sa leeg nito.
Kusang naghiwalay ang kanilang mga labi nang kapusin sila ng hininga.
“Simone,” anas ni Chad habang kapwa sila hinihingal. Isinubsob pa nito ang mukha sa kanyang leeg. Ilang sandaling nanatili silang magkayakap bago nagawa ni Simone na magsalita. 
“Let’s go home,” sabi niya at bahagyang itinulak si Chad.
Sandaling tinitigan siya nito bago tumango at bumalik na sa harap ng manibela.

Each Day With You - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon