Chapter 10

3.4K 57 2
                                    

"Hi," gusto ring sumama ang mukhang bati ni Rita kay Jewel. Naalala niya bigla ang mga sinabi ni Jett tungkol dito kanina. How liberated Jewel was and how adventurous and open-minded she was when it came to sex. Hindi madaling makalimutan ang mga sandaling namagitan dito at kay Jett sa ibabaw ng kama o kung saan mang ibabaw. At hindi na rin niya maiwasang mapatitig sa mga labi ng babae? How many times did Jett's dick went through it? Did she give a better blowjob? Umiling siya, kung bakit naman kasi nagpakita si Jewel sa kanya kung kailan katatatpos lang ikuwento sa kanya ni Jett ang pinaggagawa nito sa kama kasama ang babaeng ito.

At ito ang babaeng muntik nang pinakasalan ni Jett. The only woman, aside from her that could make him come. Ano ang ginagawa nito rito? Kung may babae mang magiging banta sa pagsasama nila ni Jett, si Jewel iyon. Kahit si Jett, bakit parang walang kasalanan dito ang babae kung makangiti ito rito? May dapat ba siyang malaman sa dalawang ito?

"Ano ba sadya mo?" tanong ni Jett kay Jewel.

"Ikakasal na si Camille," sabi ng babae. "At may pangako ka sa kanya na mag-aabay ka sa kasal niya. Pumayag na 'kong umabay sa kasal niya at ikaw ang partner ko."

Hindi nagustuhan ni Rita ang narinig pero ipinasiya niyang huwag na munang magsalita. Si Jett ay hindi sumagot.

"Ano na?" tanong ni Jewel dito. "Sasabihin ko kay Camille, payag ka na?"

"Give me her number," sabi ni Jett. "Ako na lang ang kakausap sa kanya."

Tumaas ang isang kilay ni Jewel. "Don't tell me na tumatanggi ka?"

"Sinabi ko bang tumatanggi ako?"

"A," nakataas pa rin ang isang kilay na tumingin sa kanya si Jewel. "Hihingin mo pa ang permiso ni girlfriend." Ngumiti uli ng mapakla. "Okay," tumalikod na ito at nagsimulang humakbang palayo sa kanila ng hindi nagpapaalam. "I'll text you Camille's number." Naglakad na ito palabas ng bakuran, umiindayog ang balakang at puwit. Inisip niya, ganoon din kaya umindayog ang mga iyon kapag nasa ibabaw ito ng kama kasama si Jett. Dumiretso ito ng kotse at sumakay doon.

Humalukipkip siya at hindi itinatago ang inis sa mukhang humarap siya kay Jett. "Hindi mo sinasabi sa 'king may communication pa pala kayo ng Jewel na 'yon," sabi niya.

"Hindi ka naman nagtatanong," nakangiting sabi nito. "We're really not that close anymore, I can't even call her a good friend, but everyone knows we're in good terms. Huwag mong sabihing nagseselos ka."

"You didn't tell her that I'm your wife."

"I was about to tell her that, but she interrupted me."

"She looked upset nang makilala ako, bakit kaya?"

"I have no idea," he said. And it sounded sincere. Hindi lang dahil nagmamaang-maangan ito.

"Dahil may gusto pa rin siya sa 'yo."

"Rita, baka nakakalimutan mong siya ang umatras sa kasal namin, siya ang umayaw sa 'kin."

"Baka na-realize na niyang malaking pagkakamali na iniwan ka niya," gustong magtaas ng boses na sabi niya. Naiinis siya, hindi lang niya alam kung kanino siya naiinis. Kung kay Jewel o kay Jett. O sa sarili niya. Kung bakit hinayaan niya ang sariling ma-involve—at ma-in love—sa isang lalaking tulad ni Jett. "Nakita mo ba 'yong mukha niya nang makita ka, ha, Jett? Parang ang saya-saya niya."

"Masayahin lang talaga si Jewel. She's one happy-go-lucky girl."

"At ugali lang talaga niyang mangyakap kapag nakakakita ng lalaki?"

Lalo pang gusto niyang mainis nang makita niyang ngumiti si Jett. "Nagseselos ka nga?"

"Wala ba 'kong dahilan para magselos?"

COME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon