Chapter 12

3K 53 1
                                    

"Kilala mo si Tita Josie?" tanong ni Rita.

"Ano siya?" tanong ni Jett sa halip na sagutin siya. "Ano profession niya? At ilang taon na siya?"

"Businesswoman siya dati," sagot niya. "May flower shop siya noon saka boutique. Edad niya? Nasa fifties na siya pero maganda pa rin siya, saka maputi, sabi ng nanay ko, puwede raw siyang maging artista noong kabataan niya. Kilala mo siya?"

Hindi niya inaalis ang tingin kay Jett kaya nakita niya ang lalo pang pagseseryoso ng mukha nito. Ilang segundo ring nakatingin lang ito sa kanya bago nagsalita, "High school teacher 'yong kilala kong Josephine Zenada," sabi nito, biglang naging malikot ang mga mata. Parang... nagsisinungaling. Pero bakit ito magsisinungaling sa kanya? At kung nagsisinungaling ito, ibig sabihin, kilala nito ang Tita Josie niya. At galit si Jett dito? Iyon ay kung pagbabasehan niya ang nakita niyang biglang pagdidilim ng mukha nito at pagtatagis ng mga ngipin. Hindi siya masyadong malapit sa Tita Josie niya pero kilala naman niya ito kahit papaano—mabait ito, kaya lang, hindi niya masasabing tahimik ang buhay nito o wala itong kaaway.

"Kumusta na siya ngayon?"

"Sino?" nalilitong tanong ni Rita.

"'Yong tita mo."

"A, okay naman siya," sabi niya. Hindi raw kilala ang tita niya pero kinukumusta. "Last Christmas ko siya huling nakita, that's four months ago. 'Pag may okasyon lang naman kami halos nagkikita no'n."

Hindi na uli nagsalita si Jett, tumangu-tango na lang, pero seryoso pa rin ang mukha.

"Favorite mo ba siya noon?"

Agad na may gumuhit na pagtataka sa mukha nito."Favorite?"

"Si Teacher Zenada," sabi niya. "Favorite teacher mo ba siya no'n kaya hanggang ngayon ay naaalala mo siya?"

"Medyo," sabi nito.

"Saang subject mo siya naging teacher?"

"Hindi ko na maalala," sabi nito bago tumayo. "Tara, baka ginawin ka na."

Ginawin? Parang kapupuwesto lang niya roon. Wala namang dudang gusto lang nitong tapusin ang pag-uusap nila na ito naman ang nag-umpisa. Gusto na talaga niyang maligalig sa mga nakikita kay Jett. But no, she would give him the benefit of the doubt. Sisimulan ba nito sa pagsisinungaling o pagtatago sa kanya ang unang araw nang pagsasama nila bilang mag-asawa sa ilalim ng isang bubong? Baka may naalala lang itong ibang problema, baka sa negosyo. Saka hindi niya malaman kung ito bakit magkakaroon ng kaugnayan—o away—sa Tita Josie niya. Magkaiba ng henerasyon ang mga ito. At lalong hindi siya maniniwala kung may magsasabi sa kanya na isa ang Tita Josie niya sa mga ex ni Jett. Bigla siyang napatingin kay Jett na ng mga sandaling iyon ay nagsa-shower na.

Don't tell me na ang fetish mo ay older women? sa loob-loob niya habang nakatingin pa rin kay Jett. Umiling siya at pagkatapos ay tumayo na.

"Iwanan mo na lang 'yan," sabi ni Jett na ang tinutukoy ay ang batthtub. "Ako na ang bahala diyan."

They took a shower together—they didn't have sex, fortunately—she was still sore all over. Pagkatapos ay bumalik sila ng higa sa kama. They woud have dinner outside at eight or nine, he told her. Iidlip lang daw ito at ipapahinga ang katawan. Obviously, the sex had drained him. Siya rin naman, hanggang sa mga sandaling iyon ay pagod pa rin ang pakiramdam. Inisip niyang ituloy nila ang usapan  tungkol sa Tita Josie niya o sa Josephine Zenada na kilala nito, pero tumalikod ito ng higa sa kanya. Dahilan para lalo siyang magkahinala na may itinatago ang lalaki sa kanya. Gusto niyang mairita dahil parang nag-uumpisa pa lang sila bilang mag-asawa ay parang pinaglilihiman na siya ni Jett. Pero parang gusto rin niyang matakot—ano ang kasalanan ng Tita Josie niya rito kung sakali?

COME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon