Chapter 15

3K 56 0
                                    

She'll come back as fire, to burn all the liars

And leave a blanket of ash on the ground

I miss the comfort in being sad...

Jett sat staring at the rock band on the stage inside his bar in Makati, the vocalist was almost screaming now, singing a Nirvana song, and the lead guitarist was kneeling trying to hit the high notes on his guitar—and still, he wasn't paying attention to them. Lumilipad ang isip niya at paulit-ulit na dumadapo kay Rita.. Magdadalawang linggo nang halos wala silang komunikasyon nito. He would text her and ask how she was doing and she would ask only one thing: Kilala mo na kung sino ang nanggugulo kay Tita Josie?

Sasagot siya ng hindi pa. At pagkatapos ay wala na uli siyang maririnig pa mula rito.

Two fucking weeks. And he'd been missing her like crazy. Two more weeks without seeing her, without touching her, without hearing her voice, without smelling her, without fucking her, and he would definitely go out of his mind. Pinagkakasya na lang niya ang pag-amoy-amoy sa unan na kinaroroonan ng amoy nito. Iyong punda ng unan na iyon, hindi niya palalabhan iyon hangga't hindi bumabalik sa kanya si Rita.

Magdadalawang-linggo na rin mula nang kausapin niya ang ilang pulis na nakakasakop sa kaso ng sinunog na establishments ni Josephine Zenada. It had been filed away as a cold case. Ibig sabihin, itinigil na ang imbestigasyon sa kaso. Ilang taon na ang nakakalipas pero wala pa ring suspect ang mga pulis at isa sa mga dahilan niyon ay dahil hindi nakipagtulungan si Josephine sa imbestigasyon. Parang ayaw daw ng tita ni Rita na mahuli kung sino man ang may kagagawan nang pagsunog sa mga shop nito. Parang iniisip talaga ng tiyahin ni Rita na siya ang may gawa ng mga iyon at bilang pagpapakita na totoong wala itong galit sa kanya ay ito na ang gumagawa ng paraan para hindi siya mahuli at makulong.

And it's fucking crazy! Jett thought. Wala siyang kasalanan at kung patuloy na iiwas na tumulong sa mga pulis si Josephine ay tuluyan nang makakakawala kung sinuman ang nanggugulo rito at nagbabanta sa buhay nito. At ngayong gabi, nagdesisyon na siya na bukas na bukas din ay magmamakawa siya kay Cliare na samahan na siya nito kay Josephine Zenada, sasabihin niya ritong kailangan iyon para mahanap niya kung sinuman ang nanggugulo rito. Kukumbinsihin niya si Josephine na wala siyang kinalaman sa mga nangyayaring panggugulo rito. Sasabihin niya rito ang nasabi na niya kay Rita, na nagplano siyang maghiganti rito pero nagbago ang kanyang isip at ipinasiya niyang kalimutan na lang ang kasalanan nito sa kanya.

You've suffered enough, sasabihin niya rito. At pagkatapos ay kukumbinsihin niya itong pabuksan ang kaso at makipagtulungan ito sa mga pulis. Ang problema lang, sasabihin ba ni Joisephine na siya ang pinaghihinalaan nito? Baka sa bandang huli ay siya rin ang imbistigahan ng mga pulis, na magiging dahilan para tuluiyan nang maligaw ang mga ito. Hindi naman malayong siya ang tutukan ng mga pulis lalo na at malalaman ng mga ito na may motibo siya para guluhin si Josephine.

Ang isa pang problemang nakikita niya, kung sakali mang hindi siya madawit sa kaso, ano ang mangyayari kung mananatiling wala itong kalutasan. Parang makukumpirma lang sa isipan ni Rita—at ni Josephine na rin—na kaya walang nahuhuling salarin ay dahil siya nga ang kriminal.

Sinapo ni Jett ang noo, gusto na namang sumakit ng ulo niya. Hindi dahil sa alak na kasalukuyan niyang iniinom kundi sa pamomroblema sa sitwasyon niya.

"Sino nagpapasakit ng ulo mo?"

Napalingon si Jett sa pinanggalingan ngboses, nakaramdam agad siya ng pagkairita nang makitang kay Jewel galing iyon. Hinila nito ang silya sa tabi niya at naupo roon. She wore a shirt that hugged her body and short shorts that showcased her long, shapely legs. Parang may aakitin ito.

COME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon