Sinundan ni Tita Josie ng ngiti ang sinabi, patunay na gumaan na talaga ang pakiramdam nito. Nagbalik na rin ang kulay nito. "Oo, magkakilala kami ni Bernardo.... ni Bernie," pagsisimula nito bago huminto uli at huminga ng malalim. "Magkakilalang-magkakilala." Huminto uli ito, parang may binabalikan sa isip bago muling matipid na napangiti. "He's my childhood sweetheart, my first and only boyfriend. Twelve years old pa lang ako, magkakilala na kami, at that young age, alam kong siya na ang gusto kong maging asawa. Eighteen na 'ko nang magkaroon kami ng formal relationship."
"Bakit hindi kayo nagkatuluyan, Tita?" tanong ni Michelle.
Nabahiran uli ng lungkot ang mukha nito. "Ayaw sa 'kin ng pamilya niya, e," sabi nito. "Mahirap lang kami no'n, sila, ubod ng yaman," sagot nito. "Gusto ng pamilya niya, 'yong tulad niyang mayaman ang mapangasawa niya. Ako raw, baka raw pera lang ang habol ko. Pero si Bernie, alam niya kung ga'no ko siya kamahal. At alam ko kung ga'no niya 'ko kamahal. No'ng talagang pinaghihiwalay na kami ng pamilya niya, nag-decide si Bernie na mag-elope na kami, he was just twenty that time, wala siyang pakialam kung itakwil man siya ng pamilya niya."
"Nagtanan nga kayo, Tita?' tanong ni Rita.
Malungkot na ngumiti ito. "Hindi," pag-iling nito. "Alam ko ang mga pangarap niya at kung ga'no ang kagustuhan niyang matupad 'yong mga 'yon, ayokong ako ang maging dahilan para hindi niya maabot 'yong mga 'yon, alam kong hindi niya 'yon matutupad 'pag itinakwil siya ng pamilya niya, kaya ako na lang ang lumayo. Sabi ko sa kanya, hanapin na lang niya 'ko 'pag naabot na niya ang mga pangarap niya at kung mahal pa rin niya ako ng mga panahong 'yon. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral ko para makalimutan siya agad."
Her auntie graduated cum laude, Rita knew that.
"Hinanap ka ba niya, Tita?" tanong ni Michelle.
"Nagalit siya sa 'kin nang mawala ako," sagot nito. "Nabalitaan ko na lang na may bago na siyang girlfriend, maganda at mayamang tulad niya. Pagka-graduate na pagka-graduate niya, pinakasalan na niya 'yong babae na 'yon."
"Si Mama Celine," sabi ni Rita.
Tumingin sa kanya si Tita Josie, nakita agad niya ang pagkislap ng pait sa mga mata nito. "Si Celine Fernando, siya nga."
Labing-apat na taon pagkaraang layuan at pagtaguan ni Tita Josie si Bernardo, nagkitang muli ang mga ito. Tinangka raw uling umiwas ng Tita Josie niya pero hindi na ito pinakawalan pa ng lalaki. They had a secret affair, one that only the two of them knew, an affair that lasted until Bernardo died of a heart attack.
At nang mamatay si Bernardo, saka lang daw nalaman ng pamilya nito ang tungkol sa lihim at bawal na relasyon nito at ng Tita Josie niya.
"Paano nila nalaman, Tita?" tanong ni Michelle."
"S-siguro, no'ng tinitingnan na nila ang mga gamit ni Bernardo," nakaiwas ng tingin sa kanilang sagot nito. "N-nakita nila 'yong mga letter ko sa kanya, mga email, text messages..." her voice trailed off. Huminto ito sa pagkukuwento at pinahid ng panyo ang mga luhang nagbabantang bumagsak sa mga mata nito. "Yong iba pang detalye ng kuwento, Rita," sabi nito," itanong mo na lang kay Jett." Nagpahid uli ito ng luha. "Napatawad na ''ko ng mama niya, napatawad na rin ako ng mga kapatid ng kanyang ama, si Jett na lang ang hindi nakapagpapatawad sa 'kin. Minahal ko lang talaga ang kanyang ama. Tell him, I've suffered enough. And also tell him that I've also forgiven him."
Natigilan si Rita sa narinig. "Forgiven him for what, Tita?"
"He knows it, Rita."
"Ako, Tita, hindi ko alam."
Ilang sandaling nakatingin lang ito sa kanya, halata sa mukha ang pagtatalo ng isip.
BINABASA MO ANG
COME (Completed)
RomansaIt happened all in one day. Jett and Rita met and got to know each other. She found him cute and a real gentleman, he found her very attractive. They learned that they had a lot of things in common. They drank cocktails, then, they had sex, and the...