"Alam ni Mama na kamag-anak ni Rita si Josephine Zenada?" nanlalaki ang ulong tanong ni Jett kay Jewel.
Tumango si Jewel. "Sino ba 'yon?" ganting tanong ni Jewel, patungkol kay Josephine. "Parang ang laki ng galit ng mama mo ro'n."
Malaki ang galit ng kanyang ina kay Josephine Zenada? Naririnig ba niya ng tama ang mga sinasabi ni Jewel? Ang alam niya ay ang kanyang ina ang unang nakapagpatawad kay Josephine. Sa kanyang ina galing ang desisyong huwag ipaalam sa mga tao ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay ng kanyang ama. Para protektahan ang maiiwang reputasyon ng kanyang ama, ang reputasyon ng kanilang pamilya at ang reputasyon ni Josephine Zenada. Baka kung nagpunta noon sa burol ng kanyang ama Tita Josie ni Rita, baka malugod pa itong tinanggap ng kanyang ina. But that wasn't to say that his father's death did not affect his mother—Jett knew it devastated her. Pagkamatay ng kanyang ama, madalas niyang nakikitang umiiyak na mag-isa ang kanyang ina. It's just that she had a, well, magnanimous heart.
Mag-isa itong nagdurusa, mag-isang nagluluksa, mag-isang nasasaktan.
At lalo lamang nagpasidhi iyon noon sa hangarin ni Jett na makapaghiganti. Hindi lang niya inaasahan na sa paglaki niya ay kasamang lalaki at lalawak ang kanyang pang-unawa. Gaya ng kanyang ina ay pinatawad na rin niya si Josephine Zenada.
Kaya ano itong katarantaduhang pinagsasasabi sa kanya ngayon ni Jewel?
"Lumaki na ba ang tama sa utak mo, ha, Jewel? Saan galing 'yang mga sinasabi mo?"
Napangiwi uli si Jewel, halatang nasaktan sa sinabi niya. "I'm already cured, Jett."
"O, talaga? Baka mamaya, pag-alis mo, nasa bulsa mo na 'yang inuupuan mong sofa."
Natawa ng maikli pero halatang nasaktan uli si Jewel sa sinabi niya. "Para namang kasya sa bulsa ko 'tong sofa," gustong umingos na sabi nito. "Sinasabi ko lang naman sa 'yo 'yong mga sinabi ng mama mo sa 'kin. Paano 'ko maiimbento 'yong pangalan ng tita ni Rita? Here, look at this," she started tinkering with her cell phone. Pagkatapos ay iniabot nito iyon sa kanya. "That's your mom's number, 'di ba? 'Yan 'yong mga text message niya sa 'kin."
Nanlalaki ang ulong binasa ni Jett ang mga text ng kanyang ina. Nothing really incriminating except one that said, Just be good to me, follow my orders, Jewel, and I will be good to you. Iyong ibang mensahe ay nagtatanong lang ang kanyang ina kung nasaan na si Jewel at kung ano ang ginagawa nito. But the fact that his mother was communicating with Jewel, that alone was already proof of the veracity of what Jewel was telling him.
"Basta ang sabi niya sa 'kin, kung gusto kong mapatawad niya 'ko at magkaroon uli ako ng chance sa 'yo, kailangan ko kayong paghiwalayin ni Rita," sabi ni Jewel habang ibinabalik niya ang cell phone nito.
"At paano mo 'yon gagawin?"
"Hmmn." Umasta itong nag-iisip. "Maybe, a sex video of us."
"I have no intention of having sex with you again."
"Basta, 'yon sana ang plano ko, gagawa ako ng paraan para magkahiwalay kayo. "
"Jewel, nothing can separate me from Rita."
"Nasaan siya ngayon?" may bahid ng sarkasmong tanong nito.
"May konti lang kaming hindi pagkakaunawaan."
"Sabi mo, e," sabi nito. "Pero hindi ko sinasabi na gusto kong makipagbalikan sa 'yo, ha? Alam ko namang ayaw mo na sa 'kin. Gusto ko lang na mapatawad ako ng mama mo. Alam ko kasi na napahiya kayo, lalo na siya, nang hindi matuloy ang kasal natin. 'Tapos, pinrotektahan n'yo pa 'ko. Ang bait-bait n'yo sa 'kin. 'Yong peace of mind ko ngayon, pati na ng family ko, I owe it to you and your mother."
BINABASA MO ANG
COME (Completed)
RomanceIt happened all in one day. Jett and Rita met and got to know each other. She found him cute and a real gentleman, he found her very attractive. They learned that they had a lot of things in common. They drank cocktails, then, they had sex, and the...