I keep the wolf from the door
But he calls me up
Calls me up on the phone
Tells me all the ways that he's gonna mess me up...
"Is this spot taken?"
Hindi kalakasan ang kantang pinakikinggan ni Rita sa cell phone kaya narinig pa rin niya ang tanong na iyon. She removed her earphones and glanced at the man standing behind her, who was pointing at the spot beside her, and shook her head.
"Thanks," the man, who was holding a bottle of beer, said and sat.
Nasa tabing-dagat si Rita ng mga sandaling iyon, mag-aalas-nuwebe na nang gabing iyon pero marami pa ring tao sa paligid nila, naliligo sa dagat at naglalakad-lakad sa buhangin. It was already low tide and there was a full moon that night and a sky full of stars. Sumulyap siya sa lalaki, na nakatanaw sa dagat ng mga sandaling iyon, habang ibinabalik ang earphone sa mga tenga—guwapo ito, may kahabaan ang medyo kulot na buhok, matangkad, maganda ang katawan, nakasuot ito ng berdeng boardshorts at puting T-shirt. Lumagok ito sa bote nito bago sumulyap sa kanya at nahuli siyang nakatingin dito.
Ngumiti ito bago bumuka ang bibig at may sinabi
Tinanggal uli niya ang earphones sa tenga. "Ano 'yon?"
"Ano'ng pinakikinggan mo?" tanong nito.
"Music."
"Apparently," pagngiti nito. "What kind?"
"Radiohead," sagot niya.
"I love Radiohead," sabi nito. "I know a lot of girls, pero kakaunti lang sa kanila ang nakikinig sa Radiohead. They prefer love songs, always mellow love songs."
"I only listen to rock music," sabi ni Rita.
"Nice," sabi nito. "Me, too. Girls who love rock music are smart. And always, almost always pretty."
Bahagya siyang nangilag sa lalaki, para kasing binobola na siya nito. It was probably his style to pick up girls. Kunwari pareho ito ng hilig at ng babae. Rock music lover kunwari, pero Justin Bieber fanatic pala. Pero may madaling paraan para ipahiya at itaboy ito. "What's your favorite Radiohead album?" tanong niya rito.
"Halos lahat ng albums nila," sagot nito.
Napangiti si Rita. Safe answer, sa isip-isip niya.
"Yup, I agree, maganda halos lahat ng albums nila. Pero siyempre, may favorite ka sa mga 'yon."
"Kung pipilitin mo 'kong mamili, OK Computer siguro. O siguro 'yong In Rainbows. Maganda rin 'yong Kid A." Marahan itong tumawa. "Sabi sa 'yo, halos lahat ng albums nila, gusto ko. And Thom Yorke has such a fantastic voice."
Si Rita ang medyo napahiya, nagsasabi naman pala ito ng totoo. "Ako rin," sabi niya. "Wala ka talagang itatapon sa mga album nila." At bigla, gumaan ang loob niya sa lalaki. Kakaunti lang kasi iyong kapareho niya ang taste pagdating sa music. At parang lalo rin itong gumuwapo sa paningin niya, kung may iguguwapo pa ito dahil nga sobrang kabigha-bighani na ang hitsura nito. "Turista ka rin dito?"
"Turista ba 'ko rito?" parang nag-isip na ganting tanong nito.
"Kung hindi ka tagarito, turista ka," pagngiti niya.
"Hindi ako tagarito," sabi nito. "Wala akong bahay dito pero may bar ako dito, binibisita ko lang. Ikaw, nagbabakasyon lang?"
"Oo," sagot ni Rita. "Tatlong araw lang kami rito."
BINABASA MO ANG
COME (Completed)
RomansaIt happened all in one day. Jett and Rita met and got to know each other. She found him cute and a real gentleman, he found her very attractive. They learned that they had a lot of things in common. They drank cocktails, then, they had sex, and the...