CHAPTER ELEVEN

258 115 5
                                    

CHAPTER 11: ARE YOU OKAY?

~

Kasalukuyan kaming nakikinig ngayon sa aming prof. na nagdidisscus sa harapan ngunit kagaya nga kanina, hindi ako makapagconcentrate dahil sa lintik na Yavin na yon. Lalo pa't Math ngayon ang tinatalakay namin, kagaya ni Mrs. Marie, ayaw din ni sir Mario ang natutulog sa kaniyang klase. Swerte mo nalang kapag dika niya napansin.

Pero kahit hindi ako makapagconcentrate, pinipilit ko paring makinig dahil gusto kong matuto, at isa pa, ayokong mapagalitan.

"Miss Montano!"

Napatayo ako!

"Sir?" I uttered, takang tumingin ako kay sir na ngayon ay nakatingin saakin ng masama.

"Are you listening?" he asked, wiggling his eyebrows.

"Uhm yes sir." tinignan niya ako sa mukha na para bang inaalam kung totoo ba yung sinabi ko o hindi.

"Really? MISS.MONTANO!" sabi niya sa mariing boses, saka ibinaba ang tsalk na hawak kanina. "If you really listen to my discussion a while ago, what was my last word then," dagdag niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, I don't know what his last word. Kase, sa totoo lang, hindi ko masiyang marinig ang boses ni sir dahil nasa likuran ang upuan ko.

"SPEAK!" napatayo ako ng maayos. Damn! Kanina si Mrs. Marie, tapos ngayon si sir Mario naman. What the hell Cassidy.

"a-ah." utal ko. I don't know what to say, natatakot ako sa aura ni sir ngayon. I mean, dati naman na siyang ganiyan, pero parang sobrang galit niya naman saakin ngayon. Ano ba ang nagawa ko?

"Are you the president of this section?"

I nodded my head shyly.

"Then, act like a president Miss Montano. Sa pinapakita mo saakin ngayon, you don't deserve to be one of the classroom officers. A true leader have respect." nagsilaglagan ang mga luha ko sa sinabi ni sir. Why is he acting like that? I mean, bakit ang harsh  niya saakin?

"Matalino kang bata, but you have no respect. Wala rin bang respeto ang mga magulang mo?"

Ikinuyom ko ang kamao ko. Mabuti nang ako ang pagsabihan niya ng walang respeto pero wag lang ang parents ko. He know nothing about me, and especially my family.

"W-what d-did I do sir?" I asked, stuttering.

"I'm really dissapointed with you!" he demanded, not minding the question I asked.

"What did I do sir? Did I do something wrong?" tanong ko ulit, sa pagkakaalam ko,wala naman akong nagawang mali sakaniya. "Wag niyo pong pagsalitaan ang magulang ko ng ganiyan sir, wala ka pong alam." I said in a serious tone.

"What did you say Miss. Montano!?" galit na sigaw ni sir.

Sa kabila ng panginginig ng aking mga kamay. I stand straight. "You know nothing about us sir, so please, wag po kayong magsalita na para bang alam niyo ang lahat saamin kasi kahit katiting, hindi niyo po kami kilala." tugon ko sa malumanay na boses.

"Go to my office, NOW!" sigaw niya pagkatapos ko sabihin iyon.

I wipe my tears as I walked out, tumakbo ako papuntang bathroom habang umiiyak. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko ngayon, basta, basta nasasaktan ako sa mga sinabi ni sir kanina.

Make It Through The Lies(On-Going)Where stories live. Discover now