chapter 2:Cold breeze

469 24 0
                                    

"Are you okay?"

"A-ah Oo. S-salamat" sabi ko at saka ibinaba na niya ako.

Whew! Muntik na yun ah? Kung hindi siya dumating,baka nabali na ang likod ko.

"Uso din po ang nag-iingat" alam ko! Naku! Akala ko mabait ka? Eh bakit parang pamimilosopo ang pagsasalita niya?

"Alam ko. And talagang magiingat na ako. Anyway... salamat ulit. I'm Akhira. Jasper, right?" I asked. He is my classmate pero di kami close. Ni hindi nga sya kumikibo sa classroom. Siya lang din yung walang kasamang kaibigan duon. Siya yung tipo na loner.

Inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay. I was waiting for him to accept it.

Babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla niya itong tinanggap. Nakipagkamay na din siya.

"Nice to meet you Akhira" sabi niya

Waaaaahhhh! Gwapo din naman pala talaga siya!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Waaaaahhhh! Gwapo din naman pala talaga siya!

Aisst! Ano ka ba kira? Ang lande mo!
Pero ang gwapo naman kasi niya. Eheheh.

"Kira? Andito ka lang pala" napabitaw ako sa pakikipagkamay namin ni Jasper at saka lumingon sa likod.

Jasper tapped my shoulders. "I don't like meeting with people. Mauna na ako, magingat ka na sa susunod"  walang emosyong sabi niya.

Geez! Ayaw niyang makipagmeet, eh bakit niya tinanggap yung kamay ko kanina? Bakit sya nakipagshake hands?

"Oy Khira!" Napalingon ako kay Mark na nagsalita.

"H-Huh? May sinasabi ka ba Mark?" I asked him. Mukhang kanina pa siya nagsasalita tapos ako? Tulala.

"Sabi ko, hinahanap ka na ng uncle mo kaya umuwi na tayo" sabi niya sabay hila saakin palabas.

*whoooooooo*

Ayan na naman yung sound nung hangin. Lumalamig na din. Ano bang nangyayari?

May bagyo ba? O guni-guni ko lang?

"M-Mark? T-teka pahinga muna tayo... pagod na ako maglakad"

"Huh? Pagod? Eh 2 minutes pa lang tayong naglalakad ah?" then he looked at me. Nakahawak ako ngayon sa tuhod ko at hinihingal.

2 minutes pa lang ba yun? Eh bakit hingal na hingal na ako?

"Huff.. huff... p-pagod na huff-talaga ako" hinihingal na sabi ko. Lumapit naman siya sakin "are you alright?"  He worriedly asked. Tumango ako sakanya at saka tumayo ng tuwid. "It's a little cold, umuwi ka na din sainyo"  sabi ko.

"Ihahatid na muna kita" sabi niya. I smiled at him. Awww, my best friend cares.

Naglakad lang kami hanggang sa makaabot na kami sa bahay. Andito na kami ngayon sa tapat ng gate. "Thank you sa paghatid Mark"  pasalamat ko at saka nagpaalam na.

*whoooooooo*

Lumingon ako kay Mark. Lumilingon lingon siya. May hinahanap ba siya?

*cough cough*

Naku! Mukhang lalagnatin pa yata ako nito.

"Khira, pumasok ka na sa loob at baka lagnatin ka na niyan. Lumalamig na ang simoy ng hangin oh. Inuubo ka na nga" sabi niya.

Haha... ang cute niya kapag sinesermonan ako.

"Oo na po, papasok na" sabi ko at saka dumiretso na sa loob ng bahay. I wonder, ano ba yung malakas na hangin na yun? Tapos bigla bigla na lang lumalamig.

Hindi kami mayaman, at hindi rin kami mahirap. Tama lang ang buhay namin.

"Good day uncle!" Bati ko kay uncle na naghahanda ng lunch. "wala ba kayong pasok ngayon? Ang aga mo yatang umuwi?" tanong niya.

"Wa-*cough* la po uncle. May nawawala na naman daw po kasing estudyante" *cough cough*

"Naku! Iha, magpahinga ka na dun sa kwarto mo. Ihahatid ko na lang tong pagkain. Mukhang may sakit ka" sabi ni uncle with a worried look. Tumango ako sakanya at saka dumiretso na ako sa kwarto ko.

Nagbihis na ako ng pambahay. Naka jogging pants at longsleeves ako. Grabe! Nilalamig talaga ako! Humiga na ako sa kama at saka nagkumot.

*cough cough*

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad saakin si uncle na may dala-dalang tray. "oh heto. Buti nga at nagluto ako ng sabaw. Kainin mo na yang mga yan habang mainit pa. Eto din ang gamot" sabi ni uncle at saka inilapag ang tray ng mga pagkain sa tabi ko.

"Thank you uncle" pasasalamat ko.

*whooooooooo*

Pati ba naman dito? Saan ba yang hangin na yan? Or aishhh! Guni guni ko lang ata. Saka, may sakit ako so baka dala lang yan ng sakit.

I looked at uncle at medyo nakakunot ang noo niya. May problema ba?

"Uncle? Okay ka lang ba?" I asked. He looked at me and smiled. "Yeah. Kumain ka na at inumin ang gamot para makapagpahinga ka na. Labas muna ako" paalam niya.



******

I opened my eyes and saw nothing but black.

Huh? Nasaan ako?

"Wag kang matakot" napalingon ako sa likod and saw a bright figure of a woman. I can't see her face because everything is blur.

"S-sino ka? Nasaan ako?!" Sigaw ko sakanya dahil sa takot.

Nas-panaginip lang to!

"Nakikita mo ba to?" Tanong  nung babae at saka inilahad ang kamay niya. Then, something came out from there.

"C-crystal yan diba?" I asked. It was a silver crystal. It was beautiful.

"This is the thing that you need to protect. Use this and protect everyone" the lady said.

"Huh? Haha... nagpapatawa ka ba? Geez! Even in my dreams, ganito ang nangyayari? There's no such thing as magic! Haha" I faked a laugh.

There's no way magic is real! Arrggghhh! Nasobrahan na yata ako nung mga stories ni uncle dati.

"Your uncle's stories were true"

Huh? H-how did she-

"Soon. You'll understand everything. Akhira"

Napabalikwas ako ng bangon dahil duon. Geez! What a weird dream. Ugh! Nasobrahan na talaga ako sa stories. Grabe! Pinagpawisan ako ah!

I looked at my bed side table and look at the clock. Tiningnan ko kung anong oras na.

My ghad! 3 am?! At saktong 3 am pa talaga ako nagising?

Hayyysss... nawala naman na din yung antok ko at okay-okay na  ang pakiramdam ko.

Now what?

Paano na ako nito matutulog? sigh.

Pumunta ako sa may window seat at sumilip sa labas. I looked at the sky and saw the bright moon. Hmmm... maliwanag ang buwan at magandang magbasa dito!

Kaya naman, kumuha ako ng libro at saka nagbasa. Nagbasa lang ako ng nagbasa hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Guardians of the 7 crystalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon