chapter 19: learn magic

244 16 2
                                    

Amy's pov

Goodmorning! Bati ko sa sarili ko. Naupo ako sa higaan ko at dahil tinatamad ako, I used my magic. Well, pinalutang ko lang naman sa ere ang paborito kong kape at okay... medyo kakaiba to... water guardian ako so liquids lang ang kaya kong palutangin. So I drank the floating coffee.

Paano ako nakatimpla? Well, meron akong drink maker dito, and nakaset na ito. I wake up at 5 am everyday so every 5 am, automatic na nagtitimpla na ito ng coffee ko.

I am also excited pala mamaya kasi this is the day where the teachers will teach us how to use our magics! Pwedeng magkaroon ng duel dito. You know, labanan gamit ang powers?

Bumangon na ako at saka nagready. Kahit na maaga pa eh, talagang maaga akong mag-ayos. Nanonood na lang ako ng isang palabas na mula sa human world para hindi naman ako mabored.

*****

Its time! Its time!

"Woah, am so excited about this!" Excited na sabi ni Lira. Ako excited na excited ako pero ganito talaga ako, I don't usually show what I feel. Kaya heto ako at parang you know... just going with the flow lang.

"Ano bang meron jan?" Akhira asked. Kasama namin siya ngayon dahil sabi ng teachers ay kasama namin siya although she's not a guardian. "Hindi naman ako kabilang sainyo ha? Kaya bakit ako naandito?" She asked.

"Kasi you need to learn advance lessons para makasabay ka sakanila. Although hindi ka nga guardian katulad nila" our teacher, Maam Jona said. "But why?" Maam Jona smiled at us. "I can sense some powerful magic from you, so you need to be trained"

Hmmm... ano naman kaya ang binabalak niya? I mean.... ano kaya yung naiisip niya na meron si Akhira?

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok sila Trixie at Sarah. "What are you doing here?" Pataray na tanong ni Lira. "Well, pinatawag ko sila kasi isa din sila sa magagaling na estudyante dito" nakangiting sabi ni miss Jona habang lumulutang sa ere. Isa kasi siyang fairy kaya ayan.. that's one of her powers.

"Maam? Can we start now?" I asked her. I saw Lance looked at me through my peripheral vision. "Start now? Huh? Eh wala pa ngang sinasabi si maam about sa kung anong gagawin natin" he said. Lahat naman sila napatingin saakin.

"Well, I'm a genius and a tech geek. And I saw those technologies and tried to hack them to know what are we gonna do. I hacked them by just merely looking at it coz remember, I am a tech geek so that means naglagay ako ng something like tech-lenses which can locate anything I need to know, hack and etc." I explained.

"Then that means alam mo na kung anong gagawin? then teach them" sabi ni Maam Jona at bigla na lang nagdissapear. Actually, pinatawag din kasi siya kaya umalis na siya.

"Please stay like that Amy. I like it when you're like this" Lance said. Huh? Ano daw? "I mean.. look.... hindi ka na nagiging mahiyain and your true attitude? Unti-unti ng lumalabas. Ayoko ng makita yun Amy na mahiyain masyado" Lance said.

"Yiiiiieeeeeeeee! Pumapag-ibig na din si Lance my bro!" Pagbibiro ni Lawrence. At halos lahat sila ay napatawa at kinilig kunwari. Well maliban pala kay Kyle na kanina pa lumilingon-lingon. So Akhira stepped closer to him.

"Pag-ibig nga naman!" Lawrence said with a playful tone. Well, salamat kasi ginagawa mo kaming love team...

Pero ako lang siguro ang may gusto kay Lance. And I think hindi niya ako magugustuhan. Oo may gusto ako kay Lance. Actually, matagal na. Siya kasi ang unang nakilala ko dito at siya din ang pinakaclose na kaibigan ko dito saamin. Although hindi halata. "Magsimula na tayo!" Sabi ko.

Then, nagkanya-kanya na nga kami. Marunong naman kaming gumamit and alam namin kung saan kami pipwesto para makapagpraktis gamit ang powers.

******
Kyle's pov

Nagkanya-kanya na nga kami ng pwesto para makapagensayo na. Ang gymnasium kasi ay nahahati sa mga rooms din, which is suitable for magic training and its magic proof so hindi ito basta basta masisira gamit ang magic. Every room in this place is covered not by a wall, but a transparent glass. I saw Lira on the 1st room, concentrating and then she made a big fire ball and then she threw it away from the target. Amy is using her tech skills and trying to figure the way out. Well, yun ang kalaban niya eh, parang nasa loob ng illusion. Si Lawrence? He's on the other room at ginawang buhay yung vines. Pag sinabi kong buhay, then that means.... kinokontrol niya ang vines kaya gumagalaw ito. His brother na katabi ng room ko ay gumawa ng isang ipu-ipo sa ibabaw ng kanyang mga palad. Si Trixie at si Sarah ay nasa kabilang room din, and practicing their skills.

Hmmmm.... parang may kulang?

I looked outside the window of this room at duon nakita ko ang hinahanap ko. As in nasa labas talaga siya ng gymnasium. Lumabas ako at lumapit sakanya. She was just sitting on the grass while looking in her hands.

'Hmmm... I wonder, ano kaya talaga ang powers ko? Is it worth it? And how can I control my powers? Especially this ice powers' yup! I just read her thoughts.

Umupo ako sa tabi niya. "You can now control your powers. Takot ka lang gamitin" I said.

Napabaling naman ang tingin niya saakin. "Really? How could you tell?"

"Well, ilang beses mo na ba nagamit ang ilan sa powers mo? And who are you really? Bakit andami mong abilities?" I asked without any emotion.

Umiling naman siya. "I don't know. Kahit ako hindi ko na alam kung sino ako. Thousands of pictures are forming in my head at ni-isa ay wala akong maintindihan eyepatch. Would you help me?" She asked.

Tumango ako sakanya and saw a tear dropped into her eyes. "I'll help you in your powers and I'll help you know the answers from those visions you kept on seeing" I said then she hugged me. Nabigla ako sa ginawa niya... I mean, this is the first time na may muling yumakap saakin.

I got stiffened for a while. Then I hugged her too. Pinasalamatan din niya ako. "Let's start your training" I said na itinango naman niya.

*****
Kanina pa kami nagsisimula sa training and madaling matuto pala ito si Akhira. She already mastered how to use magic properly. Well, madami pa siyang magic I think... kaya hindi lang ang paggamit ng ice power ang tinuro ko. Everything that I saw na ginamit niya, iyun ang itinuturo ko sakanya. Ewan ko lang kung meron pang iba.

"Wow! Fast learner ka pala Akhira" manghang sabi ni Lawrence na nakatayo sa may pinto. "Tama na yan.. pahinga na muna tayo oh.. almost 11 hours na tayong nageensayo eh" sabi ni Mark. Napatigil naman siya sa pagyeyelo nung gamit dito, at saka tumango kay Mark. "A little rest won't be bad and sabi kanina ni Maam Jona eh tuloy tuloy na to so excuse tayo sa mga klase natin" she said.

Tumingin ako sa orasan ko and saw the time. Eh? 6 pm na pala?! Ganun ba katagal ang training?

Since pagod at gutom na kami, we decided to eat dinner inside the headquarters. Isinama na din namin sila Trixie at Sarah dahil paniguradong pagod din ang mga ito.

On the second thought... dapat hindi na lang ako pumayag sa sinabi ni Lawrence na isama sila Trixie. Ugh! This girl keeps on clinging on me!

Can someone remove her from my arm?! Well, kabit ng kabit siya sa braso ko and nakakairita! Mukha namang hindi siya napagod sa training. Tingnan niyo nga naman?! Mukha bang napagod siya sa training?!

"Napagod ako dun.. ikaw ba Kyle honey ko... okay ka lang ba? Hindi ka ba napagod?" She asked sweetly.

Oh seriously I want to puke at her face! "Ehem... I think you are asking for your death Trixie" tikhim ni Lira. At sinamaan naman niya ito ng tingin. Tsk!

Andito na pala kami sa tapat ng headquarters kaya pumasok na kami at naghanda sa hapunan. Actually naghilamos muna kami sa kanya-kanyang room. Si Trixie at si Sarah ay nanduon sa kwarto ni Akhira.

After namin maghilamos at magbihis eh tinahak na namin ang daan papunta sa dining hall ng headquarters.

Pagbukas ng pinto sa dining hall, nanlaki ang mga mata namin.. well nila lang pala. Pwera sa nakahanda ito, eh madami at mukhang masasarap ang mga ito.

Naupo na kami sa mga upuan at sinimulan nang lantakan ang mga pagkaing nakahain.

Guardians of the 7 crystalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon