Chapter 1

123 6 0
                                    

“Sorry na,wag na tayo mag-away.”

“Wag mo na kasi akong pakielaman.”

“Concern lang naman ako sayo.”

“Hayaan mo na lang ako pwede?” sabi ko sabay alis.

Anyway, I am Rael Vijandre that girl was my girlfriend. 2 years na kami. Yes, natagalan nya nga ako. Mahal ko naman siya e, pero ewan ko ba…

-------

“Ano ba yan girl, umiiyak ka na naman! Sa loob ata ng 2 years iyak ka lang ng iyak e! Bakit ba kasi ayaw mo makipagbreak dyan sa hinayupak mong boyfriend?”

“Hindi ko kaya, alam mo naman yun dba? Ang tagal na namin. Nararamdaman ko naman na pahahalagahan nya din ako e…” sabi ko.

“Ilang beses mo na ba sinabi yan Meg? Lagi ko atang naririnig sayo yan kapag umiiyak ka. Aba! Siya ang nanligaw sayo noong nananahimik ka, tapos sya pa tong may ganang saktan ka!”

Hayst, anyway I am Megan Rocher, that’s my friends. Si Hillary at Jana, boyfriend ko si Rael. Two years na kami. At oo, natagalan ko siya. Bakit? Kasi mahal ko siya e. Kahit binabalewala niya lang ako. Okay lang sakin, kasi siya nalang ang meron ako.

Yes,wala na kong magulang. They died when I was 12, plane crash and sad to say I’m an only child kaya wala na.. ang nagpapaaral sakin si Tito Edmund, wala siyang asawa at favorite niya ako. Kaya ganon.

“Meg, maawa ka naman sa sarili mo..” sabi ni Hillary

“Illay, keri ko lang to.”

“Kami naaawa sayo e. Isipin mo nga Meg for 2 years ganyan na! 3 buwan lang ata sayo bumait yung gagong yun e!” si Jana.

“Masyado nyang dinibdib yung nangyari noon!” si Hillary.

Yes, may nangyari noon. Pero hindi ko naman ginusto yun e, kaya lang dahil doon kaya nagbago lahat…

Flashback….

“Meg, please! Nagmamakaawa ako sayo. Ako na lang please?” sabi ni Jonathan.

Si Jonathan ang masugid kong manliligaw, pero di ko talaga siya magustuhan.. Syempre si Rael na talaga yung gusto ko e.

“Please Jonathan, let me go. Ayoko sayo, we can be friends you know?” sabi ko.

“No! I want you” Umiiyak na sabi niya.

“I have Rael, you know that. Mahal ko siya, mahal niya ko.”

“Hindi Meg, ako lang nagmamahal sayo! Bakit dimo Makita yun?!” sabi ni Jonathan

“Stop Jonathan. I need to go.” Tumalikod na ko, pero nagulat ako nung hinila niya ako at hinalikan ng marahas bago pa ko makapag-react dumating na si Rael.

“Damn you!” sabay sapak kay Jonathan.

“Tama na Rael!” awat ko.

“Ipagtatanggol mo pa tong kabit mo? How could you do this to me! I gave everything to you! Tinalikuran ko lahat para sayo, pero bakit? Niloloko mo lang pala ko!!”

“No! Please let me explain! It’s not what you think!!” hahawakan ko sana siya pero, tinabig niya ako.

“Don’t touch me.” Sabay alis.

Umiiyak ako, hahabulin ko sana sya pero dahil na naman kay Jonathan hindi natuloy dahil hinawakan niya yung kamay ko…

“Sinusumpa ko, hindi kayo sasaya. Hindi ka niya mapapatawad. Babalik ka din sakin, Meg.. tandaan mo yan.” Sa galit ko sinampal ko siya.

“F.ck you!!” at hinabol na si Rael pero.. wala na yung sasakyan niya..

End of flashback…

 

At simula noon, ganyan na si Rael. Oo, minsan okay kami, pero madalas hindi. Mainit agad yung ulo niya sakin. Kaya iniintindi ko nalang, ako naman may kasalanan e. Buti nga nakipagbalikan pa sya sakin e. Sad to say, I kneel infront of him just to have him back.

Si Jonathan? Nag-suicide, kaya nga galit na galit sakin yung mama niya e. Nag iwan kasi siya ng sulat na ang nakalagay ay..

“kung hindi mapupunta sakin si Meg… magpapakamatay nalang ako.. sorry…..”

Diba? Hayst ewan ko ba. Pero, hayaan na siya.

Sana lang dumating na yung point na mahalin na ulit ako ni Rael gaya ng pagmamahal niya sakin noon….

Uwian na namin, nakita ko si Rael.. nagsisigarilyo kasama ang friends niya. Hinahayaan ko siya kahit sa anong gusto niya pero yung maninigarilyo sya, hindi ko kayang manahimik.

I walk fast, at pagdating ko sa harap niya hinablot ko yung sigarilyo niya at tinapakan.

“What the heck! Ano ba Meg!” sigaw niya.

“Rael.” Pagpigil naman sakanya ni Max.

“Don’t touch me Max, hayaan mo ko. Girlfriend ko siya so leave us alone.”

“Hindi tama yan Rael, for 2 fucking years ganyan ka na kay Meg! Oo galit ka pa din till now, but can you atleast respect her! She’s still a girl, your girl to be exact!!” sigaw ni Max.

“Halika nga dito!!!” kinaladkad naman niya ko bigla. Umiiyak nako, ang sakit kasi ng hawak niya sakin e..

Nakarating kami sa kotse niya, pinapasok niya ako doon tska sya pumasok.

“Meg! Ano ba? Sabi ko wag mo kong pakielaman diba?! Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka sakin!!!” then he start the engine. Madalas pag nag aaway kami, dinadala niya ko sa lugar kung saan ko siya sinagot. Nababawasan daw galit niya kapag andun kami e..

“Sorry, I can tolerate anything but not that Rael. I’m just worried about your health don’t you get it?” I said.

“Sabi ko, wag mo kong pinapakielaman! Kasi nung araw na nahuli kitang niloloko ako, yun di yung araw na nawalan ka na ng karapatang pakielaman ako! Nilinaw ko na yan sayo before!!” Medyo mabilis yung pagpapatakbo niya… nakakatakot pataas pa naman yung daan papunta dun.

“Sorry Rael, please slow down a little natatakot ako.” I said while I am crying, pero parang wala siyang narinig.

“Alam mo, hanggang ngayon diko matanggap na niloko mo ko. Pag naaalala ko nasasaktan ako ng sobra! Hindi mawala sa isip ko!! At kapag nakikita kita nagrerefresh sa isip ko lahat Meg! Bakit mo ba ginawa yun sakin?” He asked me while he’s crying..

It pains me to see him cry because of me, I don’t want that.

“Rael, ang tagal na non. Wala na nga si Jonathan diba? Hindi ko ginusto yun. Please… sana naman mapatawad mo nako.”

“Hell no!! I can’t! You know how m—“ may nakakasilaw na liwanag akong nakita..

“Rael!!!!!!!!!!!!!!” I hugged him… and everything went black.

------

At doon na nagtatapos ang lahat! Hahahaha! Joke only<3

My 3rd story, sana supportahan nyo<3

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon