Dedicated sa friend ko may pinagdadaan kasi! Anyway, I’m so proud of you!! You’re so BRAVE!<3
“Anong sabi mo? Date? Are you nuts?” sabi ko.
“Oo, dali na! Gusto ko kasing gawin yung diko na nagagawa sa boyfriend ko. Oo tama ganun nga.”
“Mul—Imposible yung sinasabi mo, alam mo naman kung ano ka diba?” sabi ko
“Okay lang yun! Sige na please?” sabi niya.
“Hay nako, bahala ka sa buhay mo!”
“Wala na kong buhay! Iniinsulto mo ba ko?” sabi niya.
Oo nga no..
“Hahaha, sorry naman.” Sabi ko
“Che!!” lumutang na siya palayo sakin.
At naglakad ako sa likod niya, hawak ko pa din yung phone ko.
“Nako,nagtampo yung sinto.” Sabi ko. Napalingon naman siya nanlalaki yung mata.
“A—ano?”
“Joke lang, sige papayag na ko. Tingnan ko kung paano kita idedate sa lagay mong yan.” Nangiinis na sabi ko.
“Sige!! Yesss,salamat!!” at nag-tatatalon at nagpaikot-ikot siya sa ere.
“Kuya, di mo ba kilala yang kausap mo?” may lumapit saking 2nd year.
“Huh?”
“Nakikita mo ko?” tanong ni Mara.
“Oo naman di ba ikaw si M—“
“Mara!!” sigaw niya
“Ah oo, Mara.”
“Kilala ko siya. Si Mara dba?”
“Oo sige kuya alis na ko. Sana, maging masaya kayo.” Sabi niya sabay takbo.
Huh? Ano daw? Maging masaya kami? Bakit naman?
Siguro dahil dun sa date. Narinig niya siguro.
NIlingon ko naman si Mara na parang nakahinga ng maluwag.
“Kilala mo ba yun?”
“Ha? H—hin-hindi!” nauutal din pala talaga ang multo?
“Okay.”
At tuluyan na kong umalis.
Habang naglalakad ako palabas ng campus, nakikita ko pa din yung ibang students na kakaiba talaga kung tumingin sakin. Feeling ko, may nangyari talaga nung mga panahong nawala ako. Sabagay, sobrang tagal din nun. 1 month akong tulog, siguro naninibago lang sila sakin. Ang hindi ko lang maintindihan, yung dalawang babae na lagi masama kung tumingin sakin. Akala mo mamamatay tao ako e.
Hindi naman sumunod si Mara. Hayaan mo na,bahala siya sa…. Kaluluwa niya. Ang hirap pala ng may kaibigang multo.
Nakauwi na ko sa bahay namin pero di ko nakitang sumunod si Mara sakin sa sasakyan.
Pag-akyat ko ng kwarto.
“Ahhhhh!!!” nagulat ako. Andito na siya at ang bumungad pa sakin ay yung mukha niyang nakakatakot.
“Hahahahaha!! Ang tagal mo kasi e kaya napagtripan kita. Hahahaha!!”
“Sabing wag mo na ipapakita yun e! Pumayag akong makipag-kaibigan sayo tapos tinatakot mo naman ako!”
“Eto naman, last na yun hahaha!! Sorry”

BINABASA MO ANG
Please Don't Go
RomanceAantayin mo pa bang mawala siya sayo bago mo siya pahalagahan? Paano kung narealized mong mahalaga pala siya pero wala na siya? Hindi dahil masaya na siya iba, kundi dahil nasa heaven na siya. Anong gagawin mo? Susunod?