Ilang linggo na ang nakalipas after ng mga pangyayari simula ng dumating si Max. Hanggang ngayon, hindi ko pa din nakikita ang mukha ni Meg.. pero unti unti na akong nakakaramdam ng lungkot dahil sa nangyari. Namatay sya dahil sakin..
Ilang linggo na din simula nung huli kong nakita si Mara. Hindi na sya ulit nagpakita simula ng dumating si Max.. Nag aalala na din ako, pero baka andyan lang sya at ayaw nya lang saking magpakita.
“Rael..” tawag sakin ni Chard. “Are you okay? Nabalitaan kong may naalala ka na but you still cannot see her face.”
“Sad to say yes, at hindi pa ako ready para makita yun… but can you tell me where is her tomb located at?” sabi ko.
“If you’re not yet ready to see her face, then you should not search for her tomb yet. May picture ang nitso nya.” Biglang sabi ni Tris.
“Kailangan mo ng harapin, mas matagal mas mahirap.” Tris said.
“Okay, give me the location.. pupunta ako dun pag ready na ako.”
Binigay naman nila sakin. Tinitigan ko ng maigi ang location kung nasaan si Meg.
“Rael!”
“Allison…”
“Nakakaalala ka na daw? Pero dimo pa din daw nakikita yung mukha ni Meg?”
“Yeah..”
“Gusto mo bang makita na kung sino si Meg?”
“Hindi pa ako ready..”
“Hindi pa din ready si Meg mamatay, pero dahil sayo… wala na sya!” umiiyak nyang sabi.
“Ni hindi mo man lang sya napasaya bago sya mawala, huling beses mo syang nakasama pero pinaiyak mo pa sya. Masaya ka na ba? Dahil habang buhay ka, wala ng mangingielam sayo gaya ng lagi mong hinihingi sakanya. Habang buhay ka, wala ng Megan Rocher ang magmamahal sayo sa kabila ng lahat ng ginawa mo sakanya… sobrang martyr na sya sayo pero hindi mo pa din sya nagawang pangalagaan, hindi mo pa din sya nagawang patawarin sa kasalanang hindi naman nya ginusto.. Oo, galit na galit ako sayo. Pero alam ko na kung andito si Meg, o kung nasaan man si Meg mahal na mahal ka pa din nya at ayaw nyang nagagalit kami sayo.. sana, kapag nalaman mo na lahat gawin mo yung dapat..” and with that she left me.
Naglakad na sya palayo pero may naihulog sya. Pinulot koi to at nabigla ako sa nakita ko.
Si Mara ang nasa litrato… kumikirot ang ulo ko pero tinititigan ko pa din ng maigi ang mukha ng nasa litratong ito.
Si Mara nga sya, hindi ako pwedeng magkamali. Si Mara nga sya pero…
Megan “Meg” Rocher
Yun ang nasa likod ng litratong hawak ko.
“Ahhh!!!!!” napahawak ako sa ulo ko ng mahigpit..
Memories….
Nagiging malinaw na ang lahat…
Si Mara at si Meg ay iisa…..
Nagising akong nakahiga..
“Buti naman gising ka na..” si Allison.
“Nasaan ako?”
“Nasa clinic. Sorry, hindi ko sinasadya na maihulog yung picture ni Meg. Simula kasi ng nawala sya, lagi ko ng dala yon.”
Napabalikwas naman ako ng bangon at dire-diretsong lumabas ng clinic..
“Rael! Rael!! Saan ka pupun—“ diko na narinig ang sinabi nya dahil naisara ko na ang pinto ng clinic..
BINABASA MO ANG
Please Don't Go
RomansaAantayin mo pa bang mawala siya sayo bago mo siya pahalagahan? Paano kung narealized mong mahalaga pala siya pero wala na siya? Hindi dahil masaya na siya iba, kundi dahil nasa heaven na siya. Anong gagawin mo? Susunod?