Dedicated kay VintageEmpress dahil basta! Hahahaha! Labyu plend!:*
Nakalabas na ko ng ospital, isang linggo na din ang nakakalipas. Balik school na ko, buti nalang pala puro memory ko lang nung bata pa ako yung nawala. Graduating pa naman ako, ayoko mag-back to zero.
“Rael!! Antayin mo naman ako!!!” sigaw ni Mara.
Yes, until now nakasunod pa din siya sakin. Madaling gumaan loob ko sakanya di ko alam kung bakit. Bakit nga ba?
“Rael naman! Gusto lilipad pa talaga ko?” sabi niya ulit.
“Rael, yuhooo. Bakit ayaw mo ko kausapin?” tanong niya.
“Rael!! Hala to, ayaw ako pansinin. Wag mo naman akong ganyanin!” parang naiiyak na siya. Napalingon naman ako sakanya. At oo nga, naiiyak na siya.
“Ayaw mo bang sumusunod ako sayo? Sabihin mo lang!” umiiyak na siya.
Umiiyak din pala ang multo? Buti maaga pa kaya wala pa masyadong estudyante pero ayoko syang pansinin no! Paano kung may tao pala sa likod ko? Tapos maririnig niyang nagsasalita ako.
“Huhuhuhu!! Nakakainis.” Yung iyak niya parang hindi siya nagtatampo, parang may iba pa.
At ayun na nga, umupo na siya sa daan. Bahala nga siya dyan…
Dumiretso ako ng lakad, dapat sa room ang punta ko pero bakit dito ko sa garden napunta?-.-
“Rael, pansinin mo nako. Sorry na lulutang nalang ako lagi kung gusto mo.. pansinin mo lang ako.”
Nagulat naman ako kasi ang lapit na ng muka niya sakin, umiiyak nga sya nung huling lingon ko kasi nandun pa siya umiiyak e…
“Mara, ayoko lang na mag mukhang tanga na nagsasalita mag-isa! Di mo ba alam yun? Buti kung lahat sila nakikita ka kakausapin pa kita! Pero hindi e!! At oo, ayokong lumalapit ka sakin!! Kasi ang ingay ingay mo!!!”
“Sor—sorry.” At bigla siyang nag-fade.
Hayss, sakit sa ulong multo-.-
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Umalis na ko sa garden at dumiretso na sa classroom habang naglalakad..
“Bro!” bati ng kaibigan ko si Arthur. Nakasalubong ko siya
“Yo, kelan pala uwi ni Max?”tanong ko. Si Max, kaibigan namin siya
Nagtinginan naman sila na parang may alam sila na hindi ko alam.
“A—ano pare, dina babalik si Max. Dun na siya mag-aaral sa New York.” Sabi ng kaibigan kong si Chard.
“Huh? Why so sudden? Akala ko nasa bakasyon lang siya yun pala dun na siya mag-aaral.” I said.
“That’s for the good they said.” Medyo snob na sabi naman ni Tris. Hay, ayan na naman siya sa parang may laman yung sinasabi. Minsan lang kasi yan magsalita.
“Tris, I guess that’s really for the good.” Sabi ni Arthur.
“I don’t think so.” Sabi niya sabay alis.
Siguro namimiss niya lang si Max, sila kasi ang pinaka-close. Total opposite sila dahil si Max medyo ma-kwela. Sya naman tahimik lang. Basta madalas silang mag-usap na kahit minsan di namin nalaman.
“Hayaan mo na bro, siguro di pa sya nakakapag-adjust sa pagkawala ni Max sa barkada. Alam mo naman dba?” sabi ni Chard.
“Siguro nga, tara.” At umupo na kami sa kanya kanya naming upuan.

BINABASA MO ANG
Please Don't Go
RomanceAantayin mo pa bang mawala siya sayo bago mo siya pahalagahan? Paano kung narealized mong mahalaga pala siya pero wala na siya? Hindi dahil masaya na siya iba, kundi dahil nasa heaven na siya. Anong gagawin mo? Susunod?