Epilogue

46 4 0
                                    

Nagmulat si Rael ng mata at sumalubong muli sa kanya ang maputing kisame.

Nakatulala lang sya at pilit iniisip ang mga nangyari bago sya mapunta dito. At ng naalala nya ay umiyak na naman sya ng umiyak.

Hindi nya pa din matanggap na wala na ang babaeng minamahal niya..

Gusto man nyang sumunod, ay inalala nito ang gusto ni Meg na mabuhay sya ng masaya.

“Rael! Anak gising ka na din sa wakas..”  lapit ng kanyang ina.

“Si Meg?” sinubukan nyang itanong ito sa pagbabakasakaling panaginip lang ang lahat..

“Wala na si Meg anak..” malungkot na sagot ng ina.

Lalong nagunahan ang kanyang mga luha dahil sa balita. Akala nya ay panaginip lang ang lahat.. pero totoo pala..

Hindi na nga sya makakabawi sa babaeng mahal nya dahil totoong patay na ito.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Arthur sakanya na may halong pagtataka.

Rael’s POV

Hindi ko alam kung nang-gagago si Arthur sa tanong nya o hindi e.

Sino ba naman ang hindi iiyak kung nawala na yung taong mahal nya? Wala naman siguro dba?

“Hinahanap nya kasi si Meg.” Sabi ni Mama.

“Ah! Andun sa kabilang kwarto, hindi pa din kasi siya nagigising e.” nalungkot bigla si Chard.

Napakunot naman ang noo ko. Si Meg? Nasa kabilang kwarto?

“Akala ko patay na sya?” sabi ko.

“What?!” sabay sabay nilang sabi.

“Tang ina mo! Oo muntik na mamatay si Meg dahil sa kagaguhan mo Rael!” nagulat ako sa biglaang pagpasok  ni Max sa kwarto ko. Pinigilan naman sya nila Chard.

Nakaramdam ako ng matinding saya dahil sa narinig  ko, kung ganon pala.. panaginip lang ang lahat..

Hindi pa sya patay! Makakabawi pa ako sakanya..

Kahit nahihirapan pa akong kumilos, pinilit ko pa ding tumayo para puntahan si Meg. Hindi ako makapag-antay na makita siya, ang mahal ko buhay pa…

“Rael, anak! Dahan dahan naman..” inalalayan ako ni Mama at dinaluhan na din ako nila Chard.

“Pupuntahan ko si Meg ma, babawi ako sakanya.. eto na oh? Hindi sya patay! Makakabawi pako!” may tears of joy pa ako sa mata.

Tinulungan naman ako nila Chard sa pag-upo sa wheel chair at tinulak nila ako papunta na sa kwarto ni Meg.

Kinakabahan at naeexcite at natutuwa ako.. dahil sa panaginip lang pala ang lahat.

Nang nakarating na kami sa kwarto ni Meg, wala sya dun.

Agad namang binalot ang buong puso at katawan ko ng takot at kaba dahil wala si Meg doon. Pati sila Chard halatang kinabahan na din.

Bakit wala si Meg? Naiiyak na naman ako akala ko pa naman makakabawi na ako..

“Nurse, nasaan po yung pasyente?” tanong naman ni Arthur na nanginginig na din.

“Ah Sir, nilipat napo ang pasyente sa—“

“Ano?!!! Bakit sya namatay?!!!” hysterical na sabi ni Chard.  Naglupasay pa with matching tears pa.

Ako naman, umiiyak lang habang nakaupo.

“Ay nako Sir, hindi po. Nilipat na po sya sa normal room. Nagising na po kasi sya.” Napapakamot naman ang nurse.

Binatukan ni Arthur si Chard at nabuhayan naman ako ng loob.

“Hay nako! Di kasi pinatapos e!!” inis na sabi ni Arthur.

Sinabi ng nurse kung anong room number ni Meg at agad agad namang nagpunta kami doon.

Nung nakarating kami sa lugar kung nasaan si Meg, kinabahan naman ako ng sobra. Iniwan na ako nila Chard.

Nakita ko ang babaeng nagpabilis ng tibok ng puso ko at napasaya ako ng sobra pero nagawa kong saktan..

“Meg..” tawag ko sakanya.

Nabigla naman sya kaya nanlalaki ang mata nyang tumingin sa akin.

“Reyl..”

Nag unahan na naman sa pagtulo yung mga luha ko. Namiss ko sya ng sobra.

“Sorry… patawarin mo sana ako Meg.. please..” humahagulgol kong sabi ng nakalapit nako sakanya at hawak yung kamay nya.

“Rael.. wag ka na umiyak.”

“A—akala ko, akala ko iniwan mo na ako, akala ko kinuha ka na sakin, akala ko hindi na kita makikita at mahahawakan ulit, akala ko hindi na ako makakabawi sayo, sorry Meg please give me another chance..”

“Napanaginipan mo din pala yun..” nabigla naman ako sa sinabi nya.

“I—ikaw din?” tanong ko.

“Oo, ang galing nga e.. akala ko ako lang. Ikaw din pala..” nanghihina naman nyang sabi.

“Meg.. can we start over again?” tanong ko na kinakabahan.

“Of course..” sabi nya sabay ngiti kaya naman napangiti din ako.

“But, not now.” Sabi nya.

“W—why?” naluluha ako..

“Kailangan ko munang magpahinga Rael.. kailangan ko munang bumalik sa dati na masaya.”

Napatango naman ako, naiintindihan ko sya kung bakit.. sa dami ba naman ng ginawa ko sakanya e.

“Naiintindihan kita Meg.. pero ipangako mo sakin, babalik ka.”

“Oo, after 2 years, pag hindi pa tayo nagkita ulit. Ako na mismo ang hahanap sayo, at kung may mahal ka nang iba gagawin ko ang lahat, mabawi ka lang. Aagawin kita.” Napangiti naman ako.

“I love you Meg, sobrang mahal kita.” Sabi ko.

“Namiss ko marinig sayo yan Rael, I love you too..” at hinalikan ko naman sya.

After 2 years, kung hindi tayo magkikita.. di mo na ako kailangang agawin dahil hindi ako titigil na mahalin ka kahit sampung taon pa ang lumipas..

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon