“Rael, dalian mo. Baka malate ka.” Sabi nya.
I love seeing her smile.
“Oo sige.” Naglalakad na ako papunta ng sasakyan ko.
Madalas na ang pag-alis alis ni Mara. I wonder why…
“Mara, this past few days napansin ko alis ka ng alis, saan ka pumupunta?” sabi ko
“A—ah dyan lang hehe. Dumadalaw dalaw ako sa ospital. Nagpaparamdam na kasi sila sakin e. Miss na daw nila ako hahaha!” sabi nya pero bakit ayaw kong maniwala?
“Mara…”
“Bakit?”
“I love you.” Natigilan sya. Katabi ko sya sa kotse.
“T—talaga?”
“Oo, I love you..” I said and smiled
Wala syang sinabi pero nakangiti siya.
Lumingon sya sakin, bigla naman syang parang nadidisolve.
“Saan ka na naman pupunta?” I asked. Lil bit worried.
“Dyan lang, babalik ako.” Sabi nya. At nawala na sya bigla
Hinayaan ko nalang. Sinabi ko nang mahal ko siya. Hindi sya sumasagot at nalulungkot ako. Pero wala akong magagawa siguro ay naiisip nya din ang sitwasyon namin. Imposible kami e. Imposible kasi multo sya at tao naman ako.
Napakahirap ng ganto, mahal ko sya at tingin ko mahal nya naman ako, pero hindi kami pwede.
Pero masaya din ako, kasi hindi sya kukunin ng ilaw na maghahatid sakanya sa isang lugar na sila lang ang nakakaalam. Kailangan ko lang namang ipagpatuloy ang pagmamahal sakanya. Kahit imposibleng mapakasalan ko sya. Siguro naman pwede yun dba? Basta mahal ko sya at mahal niya ako.. tama possible pa pala ang lahat..
Mas gugustuhin ko pang tumandang binata. Kaya ko naman e, basta di nya ako iiwan.
Kakausapin ko sya pag-uwi ko mamaya.
Nakarating na ko sa school parking. Nakangiti ako.
I’m happy, super happy.
Isipin ko palang na pwede kami, natutuwa nako ng sobra.
Isasara ko na ang pinto ng kotse ko ng may narinig ako.
“Rael Vijandre..” napaangat naman ako ng mukha
Nagulat ako sa nakita ko.
Akala ko ba…
“Max?”
Nasa New York sya?
---
Halaaaa, andito na si Max!!! Ano baa ng dala nyang balita?:(
Super short update..
Malapit na syang matapos…. :(
©mawgapowts

BINABASA MO ANG
Please Don't Go
RomanceAantayin mo pa bang mawala siya sayo bago mo siya pahalagahan? Paano kung narealized mong mahalaga pala siya pero wala na siya? Hindi dahil masaya na siya iba, kundi dahil nasa heaven na siya. Anong gagawin mo? Susunod?