Chapter 5

49 6 0
                                    

Dedicated to sayo dahil… hahahahaha!! Basta! Labyu te!:*

 

Rael’s POV:

“Rael ayun yung damit mo.”

“Rael punasan mo yung pawis mo.”

“Rael kumain ka na.”

“Rael”

“Rael”

“Rael”

Dalawang linggo na siyang ganyan. Tama, inaalagaan niya nga ako. Ang galing niya pala. Kahit ang usapan namin ay idate ko lang siya, inaalagaan niya na din ako. Akala mo boyfriend niya ako.

“Rael, ayusin mo yung neck tie mo.” Sabi ni Mara sakin.

Inayos ko naman.

Sanay na sanay na ko sa kulit niya.

Buti nalang, hindi siya kukunin ng puting ilaw…

Ibig sabihin hindi niya ako kailangang iwan.

Gusto kong matuwa, at the same time malungkot.

Matuwa kasi di niya ako kailangang iwan. Malungkot dahil nalaman kong, hindi memories ko nung pagkabata ko ang nalimutan ko kundi mga ilang bagay na sana ay maalala ko na.

There’s a part of me saying na kailangan malaman ko kung ano yun.

There’s a part of me says, no need

“Rael!!” sigaw ni Mara.

“What?” sabi ko.

“Di ka kasi nakikinig e. Sabi ko kumain ka na ng breakfast bago ka pa mahuli sa klase mo.” Sabi nya.

Napangiti naman ako.

Kung hindi siya lumulutang, iisipin kong buhay na buhay sya kasi kung magsalita at kung kumilos sya akala mo normal na tao e.

“Bakit ka nakangiti?” sabi nya.

“Bakit.. bakit kasi nagpakamatay ka ?” nagulat naman sya sa tanong ko.

“Diba nakwento ko na sayo.” Sabi nya na parang hindi naman sya mapakali.

“Wa—“ di ko natuloy yung sinasabi ko kasi biglang dumating si mama na parang nag-aalala.

“Son are you alright? Sabi sakin nung mga katulong may kausap ka daw dito e.” hinanap naman agad ng mata ko si Mara. Pero di ko sya nakita.

“Wa—wala po Ma. I’m just talking to myself.”

“Son, can you do me a favor? Me and your dad.” Sabi nya.

“What is it ma?” sabi ko.

“Well, I just want you to leave.”

“Huh?” takhang tanong ko.

“Uhm, vacation. You know..”

“Bakit ma? May problema ba?” tanong ko.

Balisa si mama. Di ko alam kung bakit.

“Okay, wag na. But please. Promise me, hinding hindi mo kakausapin si Max.”

“Why?” naguguluhan na ko.

Wala si Max dito, dahil sa New York na to nag-aaral. Ano bang problema nila kay Max?

Lagi silang takot kapag si Max ang pinag-uusapan, at kahit ilang linggo na ang nakalipas di ako tanga na may mga matang nakatingin sakin na parang galit sila.

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon