Ashley's POV
Another day! Good morning! Pagbaba ko, nakita ko yung apat na abala mag prepare ng breakfast. Iniisip ko pagkatapos ng graduation maghiwa hiwalay na siguro kami. Magkakaiba ng work, lugar na pupuntahan.. Iniisip ko pa lang nalulungkot na ako. Nagkaroon ako ng instant kapatid dahil sa kanila. Dagdag pa sila kuya Jem, Emjay, Batit at Sho.
"Hoy madam aga aga parang wala sa mood. Bakit wala pa rin paramdam si tisoy?" Tanong ni Yen. "Nakalimutan ka na agad ano ba yan!" Sabi naman ni Gwen. "Tama na nga yan! Kain na tayo," sabi ko at tatawa tawa na lang sila.
Pagkatapos kumain, nakita ko mga nag aayos sila. "Oh saan punta ninyo?" Sabi ko.
"May date kami ni Sho!" Sabi ni yen na kita mung masaya.
"Ako din!" Sabi ni Gwen taz kumindat.
"Hoy Gwen wala naman kaming alam na nanliligaw sayo ah?" Kyzha
"Secret baka mashowbiz," sabi nya saka dali daling lumabas.
"Mag mall kami ni Kyzha, gusto mu sumama? Magtitingin kami ng damit para sa graduation" tanong ni Sheena.
"Wag na dito na lang ako. Nakakatamad. May mga damit pa naman ako jan. Yung mga pinadala ni mommy na damit ko di ko pa nagagamit," sagot ko naman
"Ok sige. Basta dinner sabay sabay na tayo. Yayain ko na sila kuya Jem. Message ka na lang namin kung saan ha?" Sabi ni Kyzha. Nag beso na sila sa akin at lumabas. Nanood ako ng tv hanggang sa tinamad na ako. Aakyat na sana ako ng kwarto ko ng may nag doorbell.
"Oh bakit May nakalimutan kayo?" Sabi ko agad pagbukas ng pinto kasi akala ko sila Kyzha ang bumalik.
"Hi!" Nakangiting Tan Roncal ang bumungad pagbukas ko ng pinto may dala dalang bulaklak at doughnuts. "Meryenda?" Sabi nito sabay kindat at dinala sa kitchen yung pagkain na dala nya.
"Oh ano nabuhay ka?" Sabi ko at tinalikuran ko siya.
"Grabe ganyan ba pag welcome mu sa bisita?" Tatawa tawang sunod nya sa akin.
"Ano nga kelangan mu? Sabihin mu na, busy ako." Walang gana kong tanong.
"Bawal na ba dumalaw ngayon?" Nagpapacute pa nyang sabi. At tumabi sa akin sa sofa.
"Hoy mister, sabihin mu na kung ano sadya mu. Wala akong panahon makipaglokohan sayo. Saka baka inaantay ka ng babae mu sa date nyo!" Tuloy tuloy kong sabi.
"Uuyyy nagseselos... " Bulong nya sa akin. At ngumiti
Nakakaloko tlga tawa nito. "Assumero ka ui! Bakit naman ako magseselos aber?" Sabi ko naman sa kanya.
"Ikaw eh, binibigyan kita ng karapatan magselos pero ayaw mu naman." Sabi nito at nanood ng tv.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay tayo at aakyat sana sa kwarto ko ng bigla nya akong hilahin at niyakap nya ako..
"I miss you Ashley..." bulong nito. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. "Namiss mu ba ako?" Tanong nya sa akin.
"Hindi kita namiss noh," sabi ko naman pero hindi naman ako kumakalas sa yakap niya.
"Ano? Grabe naman. Ang sakit " Sabi nito at tinggal yung mga kamay ko na nakayakap sa kanya. Tiningnan ko siya at nakasimangot siya.
"Miss na miss kaya kita!" Sabi ko at yumakap ulit sa kanya. Sinubsob ko mukha ko sa dibdib nya. Alam kong sobrang pula na mukha ko. Nahihiya ako sa sinabi ko.
Tan's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Ashley habang nakayakap siya sa akin ng mahigpit at naksubsob mukha nya sa dibdib ko. Alam kong nahihiya ito kaya kiniliti ko siya.
"Ano nga yung sinabi mo?" Pangungulit ko sa kanya habang dahan dahan na tinatanggal yung yakap nya sa akin. Nakatungo lang ito. Ayaw nya ako tingnan. Para siyang bata na kinukutkot yung mga kuko niya. Kinuha ko mga kamay nya iniangat ko yung mukha nya at tiningnan ko siya nga matagal. Bigla siyang bumitaw at aakmang aalis. "Not so fast baby.."hila ko sa kanya sabay yakap ulit. "Hindi kita pakakawalan hangga't di mu ulitin sinabi mu," bulong ko sa kanya.
"Wala ako sina....," hindi ko na naituloy sasabihin ko kasi bigla na lang nya ako hinalikan. Wala na ako magawa kundi tugunin ito. It was my first kiss and it feels wonderful.
"You're mine now Ashley, wala ng bawian yan.." And he kissed me again. He keeps on telling me he loves me in between kisses. Umupo kami sa sofa, at yakap yakap pa rin ang isat isa. He's kissing my head everytime he wants.. Wala naman ako maintindihan sa pinapanood namin. Ganun lang kami hanggang sa tumayo siya.
"Tara?" Sabi nya sa akin
"Ha? Saan? Hoy Mr. Roncal masyado ka ng mabilis ha?!" Sabay hampas sa kanya ng isang cushion..
"Magbihis ka na at mag celebrate tayo.. Pero pwede rin naman yung iniisip mu baby," nakangisi nitong sabi at hinalikan ako ng mabilis. Tinulak ko naman siya at tumakbo papunta sa room ko para mag ayos. Rinig ko pa yung tawa nya na nakakaloko.. Ang lakas ng tibok ng puso ko.