Knock! Knock! Knock!
Naputol ang pagmuni muni ko ng may kumatok sa pinto. Ang aga namang mambulabog mga to sabi ko kasi iniexpect ko na ang buong barkada lang ang kumakatok.
Pagbukas ko ng pinto, napalunok ako at namlamig sa nakita kong tao.
"Ahm, good morning po Ma'am." Sabi ko ng makita ko ang mommy ni Tan. "Pasok po kayo".
Pumasok naman ito at tiningnan ng paikot ang buong bahay namin. "So dito ka pala nakatira? Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, at hindi rin naman ako magtatagal. I came here to ask, I mean to tell you to stay away from my son. Alam kong matalino ka at alam kong alam mu ang ibig kong sabihin." My bigla siyang nilabas sa bag niya at nagsulat tapos inihagis sa akin. "You know who I am and what I'm capable to do. So you better do what i say for us to have a peaceful life Ms. Del Mundo."