Ashley's POV
Mabilis lumipas ang araw, halos isang buwan na rin na nanliligaw si Tan. Araw araw siyang my pinapadalang bulaklak, pagkain at kung ano ano pa. Halos araw araw din siya dumadalaw sa bahay. Pero parang kahapon at ngayong araw walang paramdam yun? Ano kaya nangyari sa mokong na yun?
"Hey! Musta?"
"Sobrang busy ba?"
"Wow suplado! Di namamansin!"
"Bahala ka jan!"
"K! Bye!"Nakailang text na ako pero wala talga siyang reply. Hayyy nag open ako ng laptop ko at nag skype kami ni mommy.
"Hi baby! How are you? Malapit na graduation ng baby ko, but I'm sorry baby I can't make it.. Your Tito Clark needs me here, kakasimula pa lang kasi ng business nya and I need to be here for him. Sana anak maintindihan mu ha?" Sabi ni mommy
"It's ok ma! Uwi na lang kayo dto pag may work na ako. Pag successful na rin ako. I miss you so much ma! Thank you for everything and I love you so much! Send my regards to Tito Clark," i said.
"Pwede ka dito mag work anak. Your Tito Clark says, he can let you manage one of his business branch here!" Mommy says with so much excitement.
"Thank you ma. I'll think about it.. For now, stay happy and safe! You and Tito Clark.. We'll see each other so soon! I love you ma!" Sagot ko
Natapos usapan namin ng mommy ko, pag tingin ko sa phone ko wala pa ring message si Tan? "Oh whatever!" Sabi ko na lang at nakipagjoin sa mga girls sa baba na nanonood at kumakain ng kung ano ano.
"Ba't parang may bad mood na isa jan?" Salubong ni Yen sa akin.
"Eh parang may inaabangan pero wala naman ata," sunod naman ni kyzha.
Padabog akong sumiksik sa sofa at nang agaw ng chichiria.
"May namimiss pero hindi naman siya miss!" Gatong pa ni Gwen. "Baka may iba ng pinasyalan yun kc yung isa jan masyadong pakipot eh halata namang gusto yun!" Sabat ni sheena. Sabay sabay silang nagtawanan at binato ko sila ng chichiria.Kunwari nag phone na lang ako at nag scan sa Instagram. Then i saw a post, tan wearing a wide smile beside a girl.
"Ooopppsss! Kilala ko yan ah!" Sabay agaw ni Kyzha sa phone ko. "Anak to ng may ari ng malaking textile company dto. Model ata yan! Criza? Yeah Criza name nya!" Tuloy tuloy nyang sabi. At lahat sila tiningnan yung pic. "Paktay na! Mukhang naunahan na isa jan!" Sabi naman ni Yen tapos tingin silang lahat sa akin. Hinablot ko na lang phone ko at nagkulong sa kwarto.
Tan's POV
"Mom! Bakit kelangan kong idate yang anak ng business partner nyo? It's not even necessary right?" Sabi ko sa mommy ko kasi pinipilit nya ako na makipagdate daw sa anak ng business partner niya.
"Son, you will have all our assets pag wala na rin ako. When your dad passed away, i took all the responsibilities. Whether you will like it or not, you are the only one to manage all of these when im gone! And besides, the earlier you learned about our business , the better!" Sabi ni mommy.
"Then why the need for me to date that girl?" I asked.
"So you can be friends with our business partners. You will know all of them. And build a strong business relationship right?" Mom narrated.
"Ok just this one. And it's not a date. Just formality." I said.
Kelangan ko daw idate si Criza para magkakilanlan kami. Only daughter si Criza and i bet parang ako lang din na ibibigay lahat ng responsibilities ng family sa amin. Tagapagmana ika nga. Ayoko ma-stress si mommy kaya pagbibigyan ko na. Halos binuhos na nya buong buhay nya para sa lahat. Nung nawala si daddy, siya lahat ang umasikaso. She's really a very strong and independent woman. And i even loved her more because of that. Kaya pagbibigyan ko na lang. Saka ko pupuntahan si Ashley, sobrang miss ko na siya.
7pm sinundo ko si Criza sa kanila para sa date na hiling ng mommy. Pumunta lang kami sa isang mamahaling resto bar. Kumain tapos inom ng konti habang nagkukwentuhan.
"Thank you Tan! So kumusta naman? Pasenxa na kung napasubo ka sa trip ng mga parents natin." Sabi ni Criza habang umiinom.
"No. It's fine! Wala din naman ako ginagawa pa. And besides there's nothing wrong making friends right?" Sabi ko taz nakipag cheers sa kanya.
"Yeah!" Sabi naman nito.
Maganda siya at mukhang mabait. But si Ashley pa rin iniisip ko. Ano kaya ginagawa nya ngayon? Di ko pa pala nareplayan yung mga messages nya sa akin. Nawala na sa isip ko mag reply kasi ang dami kong ginawa. Dumalaw akl sa site ng bagong building na pinapatayo namin. Isang resto branch sa tagaytay at pag aasikaso ng mga kelangan pa sa isa pang business branch na ioopen namin sa la union.
Mag 2am na pala. Inaya ko na si Criza at hinatid sa kanila. Pinagbuksan ko siya ng pinto mg kotse ko.
"Thank you for tonight Tan. I had fun!" Sabi nito sabay halik sa akin. Di na ako nakaimik kasi dali dali siyang pumasok sa bahay nila. Iiling iling na lang ako sumakay sa kotse ko at umwi. Inisip ko na lang na walang malisya yung halik na yun. Umuwi na ako at nag decide na bukas ko na lang puntahan si Ashley.