Ashley POV
Ang sakit ng ulo ko. Napadami ata inom kagabi. Tiningnan ko mga katabi ko at kanya kanya ang style ng pagtulog. Tiningnan ko phone ko at nakita ko na 8:30 am na. Dahan dahan ako umalis sa kama at dumiretso na sa bathroom para makapag toothbrush at hilamos. Paglabas ko naamoy ko yung amoy sinangag tapos pritong ham at hotdogs. Nagising na rin mga babaeng tulog mantika hahahahaahha "Good morning!"
"Oh gising na pala kayo pumarito na kayo at kumain" sabi ni kuya Jem. Takbuhan naman kami at parang mga bata na nag aagawan sa pagkain. Hahahahahaha! "Hoy ano ba kayo! Dahan dahan nga, at meron naman kayong lahat! Di na kayo nahiya sa bisita!" Sigaw ni kuya Jem. Paglingon ko sa likod, andun si Tan na nakangiti lang sa amin. Sheyytt nakakahiya! Di pa ako nakasuklay! Gosh! Bakit ba andito to sabi ko na lang. "Ahhmm kain tayo" sabi ko na lang.. Dito ba natulog to? Bakit parang hindi puyat? Pogi pa rin omg!
"Ah hindi na! Hindi pa ata kasya sayo yan eh," pabiro nyang sabi. "Aba mister, andto ka sa bahay ko ha, nang aasar ka ba?" Sabi ko at inawat ako nila Yen. Tatawa tawa lang ang mokong. Hindi dahil gwapo ka payag ako asarin mu huh! Tseeehhh! Sabi ko na lang at kumain ulit.
"Sige uwi na muna ako guys! See you na lang sa sunod na lakad natin. Paki confirm na lang"sabi nya sa mga boys at nakipag shake hands. "Saka na lang ako maningil ng utang mu ha Ms. Sungit," bulong nya sa akin tapos kindat at umalis na.
Sheyytt puso ko! Kalma!
Ai anong utang sinasabi non?
"Kuya batit, anong utang na sinasabi ng mokong na yun? Bakit dito nyo pinatulog, eh mayaman yun, hindi sanay sa sahig," hahahahahaah
"Ui mabait xa ha, inalaagan ka nga nya kagabi. Siya bumuhat sayo from makati hanggang sa kwarto mu," sabi nya.
Omg! So yun ba sinasabi nyang utang ko? Grabe ash nakakahiya. Turn off na cguro sa akin yun kasi lasengga ako. Ai bakit parang concern ka kung na turn off xa sayo, may gusto ba xa sayo? Assumera teh?! Umiling iling na lang ako para mawala yung iniisip ko
"Ano inom pa?" Pang aasar ni batit sa amin. Sabay sabay kaming mga babae na tiningnan xa ng masama pero tinawanan lang kami.
"Ano pinag usapan niyo ni tisoy bats?"Tanong ni kuya Jem. "Ah tinanong lang nya kung saan daw ba balak natin mag spend ng bakasyon. Ewan, baka balak sumama. Parang tinamaan ata sa babaeng nalasing kagabi, sobrang awa ko nga sa kanya kc hirap na hirap xa magbuhat.. Ang bigat ata non eh," sabi ni kuya batit sabay tingin sa akin.. At walang katapusan na naman na kantyaw inabot ko.
Pagkaalis ng mga kuya, kami na lang mga girls natira at kanya kanyang kalikot ng phone. Nang biglang may nagtext sa akin.
"Hi ash!"
"Who are you? And where did you get my number?
"Sungit talaga "
"Wala ako time sayo. Block na kita!"
Pero bigla xang tumawag.
"Grabe naman! Di pa ako nakakasingil ng utang mu huh?! Hahahahah!"
So si Tan nga itong katext ko. Malamang binigay ni kuya batit number ko kagabi.
"So ano kelangan mu? Saka wala ako utang sayo noh?!" Sabi ko
"Wala ba? Ako kaya naghatid sayo. Nangalay nga balikat ko kc nakasandal ka ng tulog sa bar, tapos binuhat pa kita, papuntang kotse hanggang sa room mu no? Hmmm"
"Tseeehhhh! Tumigil ka! Wag mu na ipaalala!"
"So, payag ka na magbayad ka utang?" Pangungulit nito.
"Hoy wala ako pera noh! Ang yaman yaman mu taz maniningil ka pa utang!" Sabi ko ulit.
"Hindi naman pera gusto ko eh, Date me." Tan
"Hoy mister, bahala ka sa kalokohan mu! Wala ako time sa mga trip mu!"sabi ko na lang.
"Sige, di ko na sasabihin mga ginawa mu kagabi nung tayo lang magkasama sa kotse hanggang sa room mu," sabi nya na parang dinig ko pa mapang asar nyang tawa.
"Hoy hoy hoy! Ano nga?! Ano bang ginawa ko?! Nakakaasar na!" Maktol ko
"Be ready at 6 Ms. Ashley! I'll pick you up!"
"Ok na yan! Ganda ka na! Maganda ka naman tlga kahit di ka na mag effort!" Sunod sunod na sabi nina Gwen, Sheena, Yen at Kyzha! Hindi man lang sila nag alinlangan nung sinabi ko sa kanila yung usapan namin ni Tan. Sila pa excited! Kaibigan ko ba tlga tong mga to? Tsk!
Sakto 6 may tumigil na sasakyan. Binuksan ni Kyzha ang pinto at pumasok si Tan.
"Hi girls! I have to borrow Ashley for a while can?" Sabay ngiti. Pacute pa eh! Sobrang gwapo! Pero chill ka lang ash, dapat dalagang pilipina! Charot
"Hi beautiful, shall we?" Sabi pa nya! "Tan ingatan mu yan ha, ibalik mu ng buo yan! Pero pag kinuha mu puso nya keri lang namn!" Sabi ni Yen na nagtawanan ang lahat.
Inalalayan nya ako hanggang sa kotse. Kinakabahan talga ako. Ano ba! Kalma ash! Kalma!
"So saan po tayo?" Sabi ko
"Kung maka-po naman parang ang tanda ko na," sabi ni Tan
"Relax ash, let's just eat and know more about us," sabay kindat at ngiti.
Mas lalo naman ako natuliro. Sheyytt ang gwapo bes! Charot!
