6years ago

406 10 0
                                    

Nagmamadali ako pumasok sa school. Medyo na-late ako nagising kasi tinapos ko yung report ko. Takbo lakad ang ginawa ko, may 20 minutes pa naman pero ako yung tao na ayaw na ayaw malate. Running for com laude ata to, nakz! Paliko na ako sa mismong room ng may nabangga akong lalaki, "Ai palaka!" Sambit ko, sa gulat at lakas ng impact ng bungguan namin nahulog na mga reports ko.

"Ngayon pa talaga! Sobrang swerte ko aba!" Bubulong bulong ako sabay pulot ng mga reports ko. "Sorry Miss," rinig kong sabi ng lalaki pero di ko na pinag aksayahan na tingnan. Dali dali kong pinulot lahat ng papel at pumasok na sa room.

"Just in time Ms. Del Mundo," bungad sa akin mg prof ko. "We can start when you're ready," sabi pa nya.

After 3 hours ng presentation, at discussions. Binigay na ni prof mga suggestions and corrections sa report ko, actually for thesis yun since graduating na ako. "Well done, tingin ko naman ok lahat Ms. Del Mundo. Some minor corrections lang and I think you'll ace your thesis!" Sabi ni Prof Gonzaga. "Naku thank you so much prof sa lahat. Sana nga po makapasa at maka graduate na," nakangiti kong sabi. "Very humble talaga tong estudyante ko. Oh siya mauna na ako, ikaw na bahala jan ha?! sabi naman nya na tumatawa.

"Hoy del mundo halika na gutom na kami!" Sigaw ni Yen. "Kaya nga eh, nagrarambol na mga alaga ko," dagdag naman ni kyzha. "Ano bang bago, lagi naman kayong gutom," pang aasar ko habang inaayos mga gamit ko.

"Yen! Ash! Gwen! Kyzha!" Rinig namin na sigaw ng mga barkada namin. Batit at Sho parehong architecture ang course, Jem ay music naman tapos si Shoichi na isang half Japanese ay Management. Actually kaming lahat magkababata pero si sho kc nahiwalay lang noong highschool kasi sa japan sa nag aral. Bumalik ng pinas at dto nag college. Reunited kumbaga.

"Oh saan tayo," tanong ko ng makalapit lahat. "Kain muna tayo taz pag usapan natin yung about sa nalalapit na graduation at bakasyon!" Sigaw ni sho. "Di ka naman maxado excited noh?" Basag ni yen. Tinawanan na lang namin sila. Para talaga silang aso at pusa.

Nagpunta kami sa mall at doon na kumain since wala naman na kami klase ng hapon. Habang nag aantay sa pagkain si sho naman ang pala kwento. "Hoy guys alam niyo ba? Yung kababata ko na sobrang pogi at sobrang yaman nagbabalik pinas na. Sa Paris siya nag aral, siya naman tagapagmana ng lahat ng ari arian nga family nila." Pag kwento nito. "Maka-sobra ka naman sho! OA ka talaga noh!" Sigaw ni Yen. "Naku pag makita nyo siya baka magkandarapa pa kayo eh pagpapatuloy no sho. Umiling iling na lang ako na pangiti ngiti sa mga naririnig ko. Iniisa ko mga gamit ko pero parang nawawala talaga yung ID ko. "Nahulog ata yung ID ko guys, may nakabangga kasi ako kanina nung nagmamadali ako pagpasok sa room."  "Hayaan mu na, sa school lang naman siguro nahulog yun ibabalik din agad sayo. Kilala ka kaya ng lahat dun," sabi naman ni Emjay. Tinuloy na lang namin kumain at nag siuwian na din.

"Hatid ko na kayo," sabi ni sho since lahat kaming mga babae ay sa bahay nakatira. Nag iisa lang akong anak at pumayag mommy ko na sa amin na lang mga kaibigan ko. Hati hati kami sa lahat ng expenses.

Pagkatigil ng sasakyan ni sho sa tapat ng bahay ay biglang tumunog cellphone nito. "Oh pare welcome back! Sige sige puntahan kita!" Sabi nya tapos biglang nagpaalam. "Hoy Yen, magpapaalam ako ha. Meet ko lang yung kaibigan ko na kinukwento ko kanina," sabi ni sho. "Eh bakit ka nagpapaalam sa akin duhh," sabi naman ni Yen. "Practice lang," sabi naman ni sho na tatawa tawa at pinaharurot na ang sasakyan nya.

Hindi mawala ang "ayyiieeee" naming girls sa kanya. "Hoy umamin ka nga sa amin, kayo na ba no sho?" Tanong ni Gwen. "Mga baliw, hindi nga nanliligaw." Sagot naman ni Yen. "Pero sasagutin mu pag nanligaw?"tanong naman ni kyzha. " Choosy pa ba ako," sabi naman ni Yen na may pang dalagang pilipina pa na pose. At napuno ng Hahahahaahahha sa bahay.

Destined to be yours!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon