By the Beach

401 16 8
                                        

*sorry for the late update guys! Been busy for the past few months. Hope you guys enjoy this update! 🤗
———————————-

"Here we are!"

Yen's loud voice woke us up.. Pupungas pungas akong tumingin sa may bintana. Papasok ang sasakyan sa isang malawak na lugar, maraming puno at halaman. Tanaw na tanaw ang dagat, parang nag aanyaya ang tubig para magtampisaw. Ang aliwalas ng lahat. Andito na nga kami sa private resort nila Tan, natuloy na rin yung outing namin after graduation. Wala pa akong pinagsabihan tungkol sa pag punta ng mama ni Tan sa bahay at mga sinabi nya sa akin. I'm still confused. Lahat naman ng sinabi nya totoo, and I know ang gusto lang nya ay ang mabuti para sa anak nya. Tan is too focused on me, halos di na nya naaasikso business nila. Kaya siguro yun lang ang naisip ng Mama nya para makapag focus sa buhay at sa business nila si Tan, ay yun ang paghiwalayin kami. And now, I have to come up with something that makes things easier for us. Do I have to leave? Maybe creating more memories before leaving will be fine. The thought of leaving this man is killing me already, how on earth will I do that?! "Kaya mu yan Ashley," as I continue mumbling while taking my stuffs.

"Guys, guide kayo ni manang saan yung mga rooms na pwede nating occupy. Yung iba kasi hindi pa tapos eh" Sabi ni Tan habang tinutulungan nya akong buhatin yung maliit kong maleta.

"Selfie naman muna diyan!" Sabi ulit ng makulit na Yen and we posed for a groupie! Kitang kita ko yung excitement ng mga bruha.

"Baby, can we share a room? I promised I'm going to behave," bulong sa akin ni Tan with matching kindat pa ang loko.. "How are we going to tell them? Sigurado na naman sa asar  sa atin ng mga yan eh," tugon ko.

"You can both share a room, we don't mind at all di ba guys?!" Sigaw ni Sho na halos lumubog na ako sa hiya. "Basta share din kami ng room ng baby Yen ko," ngingisi ngisi pang dagdag ng loko! "Hoy di mu pa ako tinatanong kung ok lang noh, pero siyempre yes pa rin sagot ko!" Sabi naman ni Yen giggling while doing the pabebe moves. At nagtawanan na lang lahat.

"Hey guys, be responsible in everything you do. We are all adults, and I know you know what I meant right?!" Sabat ni Kyzha. And we all agreed to her.

Pagpasok namin sa room para sa amin ni Tan, inayos ko na yung mga gamit namin. Ang ganda ng pwesto kasi tanaw ang dagat, maputing buhangin at kulay asul na tubig. Ang sarap siguro tumira dito noh? Pero naisip ko, parang imposible na yun. Baka nga ito na yung last time na magkasama kami. I took a deep sigh, I'm in a deep thought that I didn't noticed Tan is already looking at me a long time ago.

"Baby, is there something bothering you? Any problem? Kanina ka pa kasi tahimik. And I'm not used to it." As he walks towards me and gave me a meaningful look. "Ahm, wala naman. Medyo pagod lang," sabi ko na lang then continue unpacking our things. "Come here," he said and gave me a hug. "Mag eenjoy tayo mamaya. Mag bonfire by the beach tayo. Pina handa ko naman na lahat kila manang mga kelangan natin for the whole week, so there's nothing to worry ok? We will create lots of beautiful memories together!" he said. I can see his excitement and happiness at the same time. And t breaks my heart again on the thought after I go. "Or Baka may kelangan pa kayo, wen can ask manong to buy it sa bayan?" He added. "No. It's perfectly fine love. Don't worry, napagod lang sa biyahe. Tapos gutom pa." paarte kong sabi.  "Yeah! It's almost 1 pm na pala. We haven't had our lunch yet. I'm sorry baby," he said and held my hands going straight to the dining area. Nadatnan na namin yung iba doon ah abala na ngang kumakain.

"Pre, ang ganda dito ah! Iba talaga mayaman!" Sigaw ni Emjay. "Hindi naman. Actually, ito yung first property na nabili ng Daddy ko when he gets his first job. Pinaparenovate ko lang yung ibang area dito kasi mga naluma na. Medyo napabayaan na rin kasi noong nawala si Daddy. Tapos si mommy na lahat nag shoulder ng responsibilities including our businesses, tapos ako sa ibang bansa naman nag aral. So technically, ngayon na lang ulit to na asikaso. Dito naman nakatira sila manang, kaya naalagaan naman pero madami na talagang kelangan ayusin," mahabang paliwanag ni Tan as I am serving him some food on his plate.

Destined to be yours!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon