A Date!

330 16 0
                                    

Tan's Pov

Nakarating kami sa isang resto, kumain at sabay kwentuhan na rin. Pagkakita ko sa kanya sobrang ganda tlga. Light make up tapos isang simple dress ang suot ni ash. Ramdam ko ang kaba nya kaya kinulit kulit ko na lang xa para maalis ang pagka ilang nya sa akin. Nakita ko xang Nakatitig sa akin na parang nag iisip..

"Oo alam kong pogi ako, wag mu ako maxado titigan. Baka maubos ako nyan!" Pang aasar ko sa kanya.

"Asa ka pa!" Sabi naman nya na umirap pa. ang cute nya tlga nakakagigil!

Pagkatapos namin kumain, inaya ko xa sa rooftop. Ang hindi alam ni ash na pag aari rin ng pamilya namin ang building nato.

"Wow! Ang ganda dito!" Sabi nya habang nanlalaki ang mata! Kitang kita na masaya siya at natutuwa din ako sa nakikita ko. Dto sa rooftop kasi makikita ang buong kamaynilaan. Habang nag uusap kami napansin kong giniginaw na siya kaya binigay ko yung coat ko sa kanya.

"Salamat. Hhmmmm..So ano nga yung utang ko sayo? Ano bang ginawa ko kagabi? Nakakahiya ba?" Tuloy tuloy nyang tanong sa akin.

"Medyo," pang aalaska ko sa kanya.

Bigla xang lumapit sa akin. Hinila nya yung polo ko at nilapit mukha nya sa mukha ko.

"Ano nga? Sabihin mu na kasi?" Sabi pa ni ash. Sa sobrang lapit ng mukha namin, amoy na amoy ko ang bango nya at hininga nya. Mas lalo nakakaakit yung mga mata nya sa malapitan. Hindi ako makapagsalita bsta tinititigan ko na lang xa.

"Hay wag na nga! Pinagloloko mu lang ako," sabi ni ash sabay talikod. Pero maagap kong hinila yung kamay nya at niyakap xa. Alam kong nabigla ito sa ginawa ko pero ayaw ko xang bitawan. "I like you ash.. The first time i saw you when we bumped at your school, it feels different. I know, it's kinda fast, but can you give me a chance?"bulong ko sa kanya habang yakap ko xa.

Ashley POV

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang yakap ako ni Tan at pinapakinggan mga sinasabi nya. Totoo ba to? Anong trip nito? Hindi ko alam gagawin ko.

"Hhmmm.. Ano ba dapat isagot ko? Hindi ko alam. Aaahhhh.. Ano ba? Bago lahat to sa akin. Pero siguro nga, hindi naman masama kung bibigyan kita ng chance", sabi ko na lang ng nakatungo. Ramdam na ramdam ko pamumula ng pisngi ko..

Niyakap nya ako ulit sabay thank you sa akin..
"Teka! Ano nga ulit yung ginawa ko kagabi? Wala ka pa sinasabi eh?" Pag iiba ko sa usapan. Nagmamaktol na ako pero nakangiti pa rin xa sa akin na parang nang aasar.

"Secret!" Bulong pa nya sa akin!
"Eh di binabawi ko na rin yung chance mu!" Sabi ko sa kanya sabay bilis na umalis pabalik na sa sasakyan nya. Hinabol nya ako. Tawa kami ng tawa hanggang makarating kami sa kotse nya.

"Ah basta wala ng bawian ha?" Kulit nya
"Ewan ko sayo! Bahala ka jan!"sagot ko naman.
"Eh di wala ng uuwi, iuwi na kita sa condo ko!"banat nya ulit!
"Baliw that's kidnapping! Kidnapping with consent!" Sabi ko naman sabay tawa
"Wag mu ako biruin Ash, baka totohanin ko yan!"
"Tsehhh tara na hatid mu na ako" sabi ko naman.

Pagkarating sa bahay, inalalayan nya ako pababa ng sasakyan nya.

"Gusto mu pumasok muna?" Sabi ko
"Wag na. Para makapagpahinga ka na rin. Sigurado babawi ka pa sa puyat sa pagkalasing mu kagabi," pang aasar nya sa akin.
"Oh xa uwi na! Ingat sa pag drive ha, message mu ako pag nakauwi ka na? Kargo pa kita sa mama mu pag nangyari sayo," sabi ko
"Ai sus! Crush na chrush mu talga ako!" Pangungulit ni Tan at pinisil pa pisngi ko.
Hinampas ko na lang xa at tinulak papasok sa kotse nya.
"Matulog ka na, at mag Ingat lagi. Papakasalan pa kita," sabi nya sabay kindat sa akin. At pinaharurot na sasakyan nya. Naiwan akong tulala na nakangiti.

Pagbukas kong pinto, ayun nakaabang mga chikadora kong kaibigan. Ang kukulit!

"Anong balita? Naka first base na ba?" Kantyaw ni Yen.
"Mga ulol! First date first base agad!?" Sabi ko.
"Ah! Mahina!" Sigaw naman ni kyzha! Sabay takbo at naghabulan kami hanggang kwarto.

Destined to be yours!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon