Fearless Yhanica

252 8 0
                                    

Chapter One

( Yhanica's Pov )

Isang panibagong umaga na naman . As usual, late na namang makakapasok. Kundi ba naman kasi nakakawalang gana yung tipong kagigising mo palang tapos bubungangaan ka agad diba ??

Ito ang paulit ulit na senaryo ng buhay ko! Mula ng maulila sa magulang, napunta na ko sa pangangalaga ng Auntie Lupe ko, ok naman sana eh. Kundi lang asungot yung asawa nyang pakialamero na lagi akong binubungangaan at pinapakealaman . Tssk daig pa babae kung pumutak.

Well, sanayan lang ang buhay. Di rin naman ako papatalo no. Marunong ako lumaban dahil natuto na ko na tumayo gamit ang sarili kong mga paa.

"Hoy babae! Umuwe ka agad mamaya! Baka kung san ka pa magpupunta!" Sigaw ni Tiyo Ramon pagkakita sakin.

Di ko sya pinansin at dali dali ng pumunta sa mesa para kumain.

"Aba't parang walang naririnig si Yhanica Dad! Di ka nya pinapakinggan!" Sabad naman ng intrimitida kong pinsan. Si Lorin.

Haay buhay. Nakakasawa na. Kung di lang sana namatay si Mommy di ako magkakaganito.

"Yhanie , allowance mo. Itabi mo yung sobra . Sayo na yan." Lumapit si Auntie sabay bigay sakin ng pera.

Napakabait ni Auntie sakin, yun nga lang kung anong bait nya, sya namang SAMA nung asawa't mga anak niya.

Paalis na ko ng harangan ni Lorin sa may pinto. Haay. Eto na naman. Wala syang kadala dala.

"Hoy impakta! Akala mo ba nakalimutan ko na yung pagpapahiya mo sakin sa school huh?!" Sigaw niya.

I looked at her with my most boring expression "Wala kong pakealam sayo."

At nilagpasan ko na siya. Wala akong panahon sa mga walang kwenta.

"Uuwe na dito sina Ate Monique at Kuya Dave! Tingnan ko lang ang tapang mo!" Habol na sigaw pa niya.

"Go ahead! Magsama sama kayo,! Desperada." At umalis na ko ng tuluyan.

Napaka desperada ni Lorin na makaganti sakin pero khit anong gawin niya ay di niya ko matatalo. Walang makakatalo sa isang Yhanica Montes. Kahit magsama sama pa silang Three Evils na magkakapatid. Tssk

Kambal si Lorin at Monique, advance lang si Monique ng 15 mins saka lumabas si Lorin. Si Dave naman na panganay ay isang certified na gago at walang awa.

Ang pinaka malupit na dinanas ko sa kanya eh nung natutulog ako tapos saka niya ko ginapos saka pinabugbog sa kambal. Kundi ba naman duwag dahil di marunong lumaban ng patas. Pati sya nakikisali sa pagpapahirap sakin. But that was 2 years ago. Yung dating duwag at iyakin, ngayon ay natuto na.

Hindi ko na hahayaang tapakan nila ko dahil magisa nalang akong tatayo sa buhay ko. Once na makaipon ako ay aalis din ako sa puder nila. Kahit masakit saking iwanan si Auntie dahil kailangan. Besides, baka kung ano pa magawa ko kay Lorin. Mahirap na. Tapos dadagdag pa sina Monique. Tssk

"Ouch!"

Pag minamalas ka nga naman. Nabunggo lang naman ako ng babaeng kumakaen ng pizza tapos nagkaron ng sauce yung damit ko! Tapos siya pa umaray?? Fucking shit. Sirang sira na araw ko!

Tinitigan ko ng masama yung babae. Halos mangatog na siya sa takot. Well, sino ba namang hindi matatakot sa itsura ko? All black wearing. Pati earring with matching sobrang kapal na eyeliner. Tapos naka one side bangs na halos tumakip na sa muka ko.

Nanginginig na sya titigan ko palang?? Well mukang exciting to ah.

"Alam mo na gagawin mo!" Sigaw ko

"Pero. Kasi ang da-daming tao."

Lalo ko pa syang sinamaan ng tingin .

Walang anu anuy nangangatog na tinanggal nya yung damit nya. Good for her nakasando sya.

Saka ko hinubad yung nakapatong sa damit ko. Buti nalang doble yung suot ko. Saka ko pinasuot sa kanya at tinapon ko yung damit nya.

"Gusto ko, wag mong huhubadin yan! Alam mo na mangyayari sayo pag ginawa mo yun." Yun lang at umalis na ko. I feel the relief pag nakakapanakit ako ng damdamin ng iba kahit pa physically.

Parang ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko ang boring ng buhay pag wala akong inaapi. Tssk.

Well , yun siguro ang dahilan kung bakit binansagan akong SADISTA ng FEARLESS ACADEMY .

Sadist Princess Meets The Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon