Let's be friends

30 1 0
                                    

Chapter 8


Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din si Aya.

Lahat ng nalaman ko tungkol sa kanya. Di ko akalaing s kabila ng pagiging masaya nya ay mas malaking dagok pa ang naranasan nya kesa sakin.

Sunod sunod na trahedya ang nangyare sa kanya. Ulilang lubos na sya. Pero ako may auntie Lupe pa at may ama na di ko nga lang alam kung nasaan lupalop na.

Kaya ba naging ganto ako katigas ay dahil na rin kinulong ko ang sarili ko sa lungkot at sama ng loob?

Tama nga kayang pakawalan ko na ang lahat ng sama ng loob ko? Pagod na din akong magisa.

Siguro nga tama talaga si Aya. It is the right time para tulungan ko magmoveon ang sarili ko.

Kailangan ko din ng taong masasandalan. Masasabihan ng hinanakit. At siya yon. Siguro dahil narin siguro na halos pareho kami ng sinapit sa buhay.

Pero buksan ko man ang puso ko. Hindi pa rin mababago nun ang pagka sadista ko. Yun ang naging libangan ko for many years na nalulungkot ako . Twing nasasaktan ko yung mga taong nananakit ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Kaya wag silang umasang babait ako. Once a sadist, always be a sadist.

*****

Agad kong nilapitan si Aya na magisang nagbabasa ng libro sa may bench.

Medyo kinakabahan pa nga ako eh, pero bahala na.

Agad naman syang napaangat ng tingin ng makalapit ako.

Grabe parang sasabog naman ang puso ko neto! Eh makikipag kaibigan lang naman ako. Tss. Normal pa ba ko?! Haist.

"Let's be friends."

Sawakas ay nasabi ko din at tumalikod na ako. Nakakailang hakbang na ko pero parang di naman sya sumusunod sakin, diba eto ang gusto nya?!

Err. Nakakaasar na ah. Pag lingo ko ay nakita ko syang nakaupo pa din habang nakatulala na mejo nakanganga pa.

Para tuloy gusto kong magdalawang isip neto e. "Ano pabang inuupo mo jn?!" Sigaw ko.

Natauhan naman sya at agad na lumapit sakin.

"Tama ba yung narinig ko? Magkaibigan na tayo?!" Tuwang sabi nya.

"Ou! Di kaba makaintinde?!" Kunwariy pagalit na sabi ko. Akward pa rin sakin ung pakiramdam na ganto. Kaya mas gusto ko maggalit galitan.

Haayy . Ngayon lang kasi ako makikipag kaibigan ulit e . Tss.

Napatalon naman sya sa tuwa.

"Yehey. Thank you Yhanica! Hindi mo pagsisisihan to! Napakasaya ko!" At napayakap pa sakin ang gaga.

Napangiti nalang ako. Hindi naman na pala masama eh, in fact , ang sarap pala sa pakiramdam. Feeling ko hindi na ako nagiisa.

"Ngapala, bes , may susuotin ka na ba para mamaya?" Tanong ni Aya.

Anu daw ? Bes? Eww. Ang baduy.

"What did you call me?" Tanong.

"Bes. Kasi bestfriends na tayo!" Masayang sabi nya. Ngayon ko lang nalaman na may pagka masayahin si Aya.

"Fine. Whatever. Bes." Sagot ko.

"Hahahahaha! Ang cute mo Yhanica Bes! Isa pa nga! Call me bes!" Tuwang sagot nya.

"Stop it Aya. Sa tanong mo pala , wala. Di naman ako aattend sa ball mamaya." Kalmadong sagot ko.

"Ano ka ba?! Kailangan mong umattend. Part to ng pgmomoveon. At dahil tinutulungan kita , wag na wag kang tatanggi. Kailangan mo ding makaexperience ng something new sa buhay mo. Para lalo mong makalimutan ang lahat." Seryosong sabi nya.

Sabagay. Wala.namang mawawala diba?

"Ok fine!"

"Alright. Tama yan. Ako na ang bahala sa susuotin mo mamaya . Ahmm ako na din magaayos sayo!"

Natawa naman ako.

Seriously??

"Anu kaba Aya? Ikaw magaayos sakin? Eh hindi ka nga nagaayos ng sarili mo eh! Wag mo sabihing may mga make up ka? Ni hindi ka nga nagpupulbos eh!" Sabi ko.

Mejo may pag ka prangka kasi ako pero atleast totoo.

"Hahaha . Hindi ko naman gusto maging nerd. Actually mayroon talaga kong mga makeups at gamit pero di ko ginagamit. Bukod sa di ako sanay gamitin e tinatamad na din akong aralin. Haha wala lang trip ko lang mangulekta ng nga beauty products." Sagot naman ni Aya. Good for her na di sya naooffend sakin.

Kailangan masanay na din sya sa bestfriend nyang sadista na prangka pa.

"Ako ng bahala magayos satin mamaya. Basta peram ng makeup mo. Eye liner lang meron ako e." Sagot ko.

"Waaahhh ! Thank you bes! Tara tara dali kuha na tayo ng gown sa field baka wala na tayong maabutan." At hinila na nya ko palayo.

Natatawa na naiiling nalang ako. Ganto pala kasarap yung pakiramdam ng may kaibigan?

Yung tipong di ka na nagiisa. . .

Mommy . Alam kong ngayon, ay masaya ka para sakin. At masaya din po ako. Ngayon ko lang ulit naramdaman to buhat ng mawala kayo.

Sadist Princess Meets The Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon