Chapter 6
Paniguradong malalate na naman akong pumasok ngayong umaga dahil sa puyat . Sa sementeryo , sa puntod ni mommy ako nkatulog pero masaya ako dahil kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
Pagdating ko sa bahay ay wala na si tiyo Ramon, at napakasaya dahil wala yung dalawang impakta! Mukang pumasok na sila.
Si Dave lang ang inabutan ko dun at wala na din si Auntie Lupe,.busy din kasi sya sa mga nego-negosyo nya e. Kung di lang sana ko pabigat kay Auntie edi sana di na nya kailangang magtrabaho. Nagrereklamo kasi si tiyo Ramon kapag kinakapos sa pera. Tssk.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis. Wala akong balak kumaen ng almusal . Dire diretso na akong lumakad palabas ng tawagin ako ni Dave ,
"Yanica!"
Agad ko naman syang nilingon. "What?!" Pagalit kong sagot sa kanya. Busit. Ayoko silang pagkakausapin! Dahil di talaga sila nageexist sa sariling mundo ko.
"Kumaen ka na ba?" Nakangiting tanong nya. Yung ngiting walang halong kaplastikan.
Then I've just found out na naka apron pala sya habang may hawak na siyense sa kanang kamay.
Well. I admit it. Bagay sa kanya ang porma nya ngayon. At di makakailang ang laki ng pinagbago nya after two years. Physically and emotionally.
Pero kailangan kong maging matigas. Mahirap na.
"Nope. Di naman kasi ko nagugutom! At wala akong balak kumaen! Ge!" Tumalikod na ko para umalis.
Mahirap na magtiwala.
"Yanica! Sandali!"
Ano na naman ba?! Ang kulit nya ah!
"Ano na naman ba ha?!" Galit kong baling sa kanya. Pero still, nakangiti pa rin sya. Tssk . Baliw na to'
Kahit anong sungit mo nakangiti pa din? Parang di sya naging gago dati ah? Tssk.
"Ah eh, yung allowance mo pala.." sabay abot nya ng pera.
Nagaalinlangan ako kung tatanggapin ko yun o hinde . Ubos na din kasi ang panggastos ko.
Nakita nya namang parang nagaalinlangan ako kaya ,"pinaabot to' ni mama. Tanggapin mona." Nakangiti nyang sabi.
Di ko na pinatagal pa at tinanggap ko na din yung pera saka umalis. Magiinarte pa ba ko? Tssk.
Kung dati pa sana naging mabait si Dave, di sana baka naging maganda pa ang turingan namin ngayon bilang magpinsan.
Dala ang medyo may kabigatan kong bag ay dumiretso na ko sa school.
I dont care maski malate ako . Wala akong pakialam sa kanila. Sa bahay at sa school, may sarili akong mundo. Na kapag pinakealaman nila, matitikman nila ang galit ko.
*****
Sa school. .
Lahat halos ay abalang abala . Tssk ano bang meron ?
Ano na naman bang kaartehan ang pakulo ng eskwelahan na to'?
Mukang wala naman klase at mukang may mga programs lang. Tae. Anu to? High school? Tssk.
"Gosh, I can't wait na para mamaya! Excited na akong sa masquerade ball mamaya!"
"Yeah. Ako din . Oh to the Em to the Gi! As in OMG!!! Malay mo makasayaw ko pa si Jicko o kaya kahit si Rude at Gio,! Ayieee kinikilig na ko!"
Rinig kong usapan ng mga babae habang dumadaan ko.
Fvck. Masquerade ball? Anung kagaguhan na naman to. Mga walang magawa sa buhay. Buti pa makauwe nalang.
Ay di pala pwede. Ayoko umuwe dun. Buti pa ay kay mom nalang ulit ako pupunta.
Pero malayo palang ako sa gate ng academy ng biglang umalingaw ngaw sa buong school ang malakas ng boses.
"Attention for all students, attention for all students, please proceed to the field . At magsimula na kayong pumili ng isusuot nyo para event mamaya. Hindi bubuksan ang gate dahil baka may makapasok na outsider. Lahat kayo ay obligated na magparticipate sa event for your final grades. The different outfits will be added to your accounts here in school kaya bawat isa ay automatic na magbabayad so you better choose your outfits on the field. Look for your room's representative para iassist kayo.Again all students, go to the field.!"
Pag mina malas ka nga naman?! Tssk. Ayoko sa lahat yung mga ganito eh. Fvck .
Bahala sila sa mga buhay nila!
Dumiretso ako sa may pinaka dulo ng school. Gusto kong makapag isa at balak kong matulog.
Naglakad na ako na walang pakialam sa mga tao sa paligid ko. Buti nalang di ko nakakasalubong yung dalawang impakta at yung arroganteng hambog!
Patuloy lang ako sa paglalakad dahil mejo malayo layo pa yung pinaka dulo at tahimik na parte ng eskwelahan na to ng bigla akong may narinig. .
"Hahaha! Yan ang bagay sayo poor little nerd!"
"Masyado ka kasing pasikat!"
"Sa susunod wag ka ng mangingialam.! Pinagtatanggol mo si Yanica?! Bakit close kayo?!! Haha! Mas demonyo pa samin yon kaya basura ka lang para sa kanya!"
"Yeah girl! Bagay kayo magsama! Mga patapon! Sa susunod wag kanang sasabat sa usapan ng mga nakatataas na tulad namin! Yung mga kauri mo at ni Yanica ay bagay lang humarap sa mga dukha lang din katulad nyo! Pwe!"
"Come on! Tara na. Ang baho e. Amoy basura duhh??!!!"
Agad naginit ang ulo ko ng makita sila Monique.
Fvck them all.
Galit akong sumugod palapit sa kanila bago pa sila tuluyang makaalis. . .
