Si Aya.

218 7 5
                                    

Chapter 7

(Yhanica's Pov)

"At saan kayo pupunta?! Grabe Monique! Hanggang ngayon ay duwag ka pa rin talaga kahit magtapang tapangan kapa! Mga walang laban lang kaya mong banggain!" Sigaw ko ng makalapit na sa kanila.

Grabe. Pati mga inosente dinadamay! Kahit papaano ay nakaramdam din ako ng awa sa nerd na inaapi nila. Yung kaklase kong nerd . Na tanging may lakas loob sakin na sabihin ang mga kagaguhan ng hambog na si Jicko.

"Ano namang paki mo?! Papasikat ka na naman?!" Sabat ni Lorin.

"Pwede ba?! Wag ka makialam dito. Kinakausap kaba?!" Ganting tanong ko.

Sobra na talaga tong dalawang impaktang pinsan ko! Tssk.

"Anu nga ba sayo kung apihin namin yang nerd na yan?! Sabagay magkauri kase kayo!" Sigaw naman ni Monique.

Natawa nalang ako ng pagak sa sinabi nya

"Alam nyo? Mas ok nga yun e. Ang masabihang kauri nya ko. Kesa masabihang pinsan ko kayo! Fvck! Mas masahol pa kaya sa mga impakta ugali nyo! Palibhasa mga walang pinagaralan!" Sigaw ko.

Akmang sasampalin ako ni Monique pero napigilan ko sya.

"Don't even dare to put your dirty palm on my face. Ayokong madungisan dahil sa inyo!"

"Napakayabang mo Yhanica! Palibhasa wala kang kinatatakutang gawin sa buhay mo dahil wala ng pamilyang magaalala at magaaruga pa sayo! Kasi mag isa ka nalang! Kaya wala ng kwenta yang buhay mo!" Sigaw ni Monique.

Parang kinurot ang dibdib ko sa sinabi nya. Siguro nga tama sya. Yun nga marahil ang dahilan.

Pero di ko dapat ipakitang naapektuhan ako.

Tinawanan ko lang sila kahit deep in side ay tumagos talaga yung simpleng sinabi nya sinabi nya.

"Anu naman ngayon sa inyo? ! Wala kayong pakealam dahil mga sagabal lang kayo sa buhay ko. Kaya sa susunod pipiliin nyu na ang babanggain nyo!" Sabi ko at marahang tinulak ko si Monique.

Samantala, nakayuko lang yung nerd na inapi nila.

"Mas wala kaming pakealam sa patapon na buhay mo! Makaalis na nga. Di kami dapat nagaaksaya ng oras sa mga walang kwentang tulad nyo. Ge!" Sabi ni Lorin.

"Let's go sis," malanding wika naman ni Monique saka sila tuluyang umalis.

Akmang aalis.na din ako ng magsalita yung babaeng nerd na kaklase ko.

"Sa-salamat."

"Wag ka sakin magpasalamat. Sa susunod lumayo ka nalang sa.kanila." malamig kong sagot sa kanya. Hanggat maaari ay ayokong magkaroon ng kaibigan. Mas gusto kong magisa.

Paalis na ko ng magsalita ulit sya.

"Sandali. . .ah a-ako nga pa-pala si Aya..Sana maging ka-kaibigan kita Yhanica." At naglahad sya ng kamay sa akin.

Di ko un pinansin at tuluyan na kong umalis. Wag ako Aya. Iba nalang. Ayokong pati ikaw makisawsaw sa sarili kong mundo. Mas gusto kong magisa.

______

Nandito ako ngayon sa ilalim ng isang puno. Napaka boring. Sana pala di nalang ako pumasok. Wala naman akong pake sa masquerade ball na yan. Marami pa silang kaartehan sa buhay.

Sa twing ngiisa ako ay di mapigilang di maisip ang mommy ko . Yung mga panahong masaya kami. Kahit na iniwan pa kami ni Daddy . Haay. Mom . Miss na miss na kita.

Wala ng kwenta ang buhay mo. Patapon na ang buhay mo. Wala ng pamilyang magaaruga at magaalala sayo.

Sadist Princess Meets The Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon