Chapter 9
Yanica's Pov
Nagmamadali kaming tumakbo ni Aya . Ewan ko ba sa babaeng to. Di ko lubos maisip na ang babaeng kagaya niya na tahimik at mukang loner na nerd ay masaya rin pala kasama at may pag ka hyper pa!
Pag dating sa field ay agad naman kaming inassist ng rep. namin. Alam kong pinagtitinginan nila ko at naninibago sila sakin kung bakit kasama ko ngayon si Aya.
Eto kasi ang unang pagkakataon na nakipagusap ako at nakihalubilo sa tao. Pero sa kabila non ay wala namang nangangahas na punahin ako. Hanggang tingin lang sila. Wala silang karapatang pakialaman ako sa gusto ko. Hinayaan ko na si Aya na pumili ng gown ko. Kumulo kasi yung dugo ko ng may makita akong impaktong papalapit samin. .
Makita ko palang siya, kumukulo na ang dugo ko! Bakit? Dahil siya lang ang kaisa isang hambog na naglakas loob na banggain ako!
"Well,well,well. Look who's here? Ang amasona ng fearless acad. Seriously? Ikaw Yanica Montes? Magsusuot ng gown?!!! Burrfffffff******Hahahahahahaha!" at di na nga napigilan ng gagong si Jicko ang pag hulagpos ng tawa niya.
Tinignan ko lang sya ng masama. Hanggat maaari ay ayoko mabadtrip ngayon.
"Hindi bagay sa panget at masahol pa sa lalakeng tulad mo ang magpakababae. Gagawin mo bang katawa tawa yung sarili mo? Isang siga at astiging babae, ngayon ay magsusuot ng gown!! Hahahahahaha! Ang epic ! Anyway. Di na ko makapag hintay na makita ka mamaya sa ball. Goodbye ugly creature.!" ani jicko at saka sinabakan ng layas.
Hindi agad ako nakapag react. Nainsulto ako sa mga sinabi nya. Sya lang talaga ang may lakas ng loob na gantuhin ako. Gusto kong ipalamon sa kanya lahat ng mga pangiinsulto nya!
Ugly creature pala ha?! Tignan natin. Sasabayan ko ang laro mo Jicko Fuentes!
**********
Inayusan ko na muna si Aya. Kahit ganto ako e, namana ko naman sa mommy ko yung galing at hilig sa pag memakeup . Di nga lang ako gumagamit non pero ngayon ay babaguhin at aayusin ko na ang sarili ko pero hindi pa rin mawawala yung Yanica na kinatatakutan ng marami dahil di na mababago yun. At humanda ka Jicko. Ikaw mismo ang kakain ng mga pangiinsulto mo. At sisiguraduhin kong sa laro na to ay ikaw ang talo!
"Omygod! Ako ba talaga to bes? Ang galing mo naman! Pano mo ko natransform into Dyowsa?! Gusto kong forever ng ganto. Ang ganda ko pala." Oa na reaction ni Aya matapos makita ang sariling repleksyon sa salamin.
She's wearing a long silver gown na kumikintab at hapit sa kanyang katawan kaya naman kita rin ang hubog nya. Kahit ako ay namangha rin sa itsura ng bestfriend ko. Di mo aakalaing may tinatago pala syang ganda. Proud naman ako syempre! Ako kaya nagayos jan.
"For a change na to Aya. Ayoko ng magiging nerd kapa huh?" Sabi ko ng nakangiti.Happy din ako dahil sa sayang nakikita ko sa kanya ngayon.
"Promise. Bes. Di na ko magpapaka nerd! Thank you so much. Pero tuloy ba talaga yung plano natin ?" tanong nya.
Nakwento ko na sa kanya lahat ng balak ko kay Jicko. Ayoko rin naman maglihim sa kanya. Makikita mo Jicko! Pagsisisihan mong nakilala mo ko.
"Ofcourse! Alam mo ng gagawin mo ha?"
"Yeah. Humanda sya sa pagiging hambog nya.!" nakangiting saad ni Aya.
After non ay pinaalis ko na sya. Pinauna ko na sa ball tulad ng plano. At sinimulan ko ng ayusin ang sarili ko.
Wait for me. Arrogant prince!!
*****************
*****************
