Chapter Four
"Hoy babaita, balita ko nagpalabas ka na naman sa school kanina ah?? Tss. Masyado kang pasikat.!" sabi sakin ni Lorin habang kumakaen ako ng hapunan.
Never akong sumabay kumaen sa kanila pag kasalo silang magaama. Feeling ko nauumay ako. Tssk si Auntie Lupe lang sinasabayan ko.
Tapos eto pa rin ang impaktang pakialamera, ginugulo ako. Nawalan tuloy ako ng gana.
"Nakakawalang ganang kumaen. Tssk." Sabi ko nalang sabay tayo.
"Kahit kelan talaga napaka bastos mo.!" Sabi ni Lorin at susugurin ako.
"Lorin!!" Sigaw sa kanya ng mga bagong dating.
"Kuya , Ate Monique! Sawakas dumating na kayo." Sabi nito at lumapit agad sa dalawa para yumakap."I miss you!"dagdag pa nito.
Tssk. What a scene. Nagsama sama na yung mga kontrabida sa buhay ko. Well. Wala akong pakialam sa kanila.
Akmang aalis na ko ng magsalita si Monique."How bout you Yanica?? Hindi mo man lang ba kami namiss?" Sarkastikong sabi nya sabay guhit ng mala impaktang ngiti.
Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan ng umalis. Magsama sama sila.
"Monique, Lorin, stop ruining Yanica's life. Be matured. You're already 18yrs old. Its about time para tigilan yung mga kabaliwan natin noon. Ok??" Rinig ko pang sabi ni Dave sa kanila.
Seriously ?? Tssk himalang mukang nagbago ang pinaka gago sa kanila. But anyway, as I've said, wala akong pakealam.
Napapailing nalang ako habang tuluyan ng pumunta sa kwarto ko.
******
Maaga akong gumising kaya hindi ako nalate. Minsan lang sa isang bwan mangyari to. Tss.
Mukang malas ang araw ko na to . Ay hindi pala, lahat ng magiging araw ko ay mukang mamalasin na. Sa dami ng makakasalubong ko eh yung evil twins pa.
So nakalipat na nga si Monique dito . Alam kong gagawin nila ang lahat para maging miserable ang buhay ko. Pero di ako papayag. Sasabayan ko ang mga laro nila. Tssk.
"Hi, beloved cousin.! Guess what? Classmate tayo sa maraming subjects. Isn't it great?" Malditang sabi ni Monique.
Tinitigan ko siya ng mata sa mata "Yeah dear cousin, it is absolutely great." Seryosong sabi ko sabay ngiti ng tipong nangaasar.
"Hanggang ngayon mataas pa rin ang tingin mo sa sarili mo!" Sabad ni Lorin. Ang dali niya mapikon.
"Natuto ka lang lumaban pero nasa putikan kapa din. Wala ka pa din kwenta tulad ng nanay mo.!" Sigaw ni Monique.
Bakit ba ang hilig nila idamay yung mommy kong nanahimik na? Damn. Dahil ba yun ang kahinaan k0?? Tssk!
Dahil dinamay nila ang mom ko e di ko sila mapapatawad . Yun ang pinaka ayoko. Ang maliitin nila kami ng mom ko .
Lumakad na sila upang lagpasan ako pero sinadya kong patirin si Monique. At dahil magkatabi sila ay parehas silang natumba ni Lorin.
Tssk. Mukang kawawa. Sa putikan lang naman sila bumagsak. At talagang sinadya ko yun.
"Sino satin ang nasa putikan? Eto ang tatandaan nyo mga bitch. I'm the bichest. Kaya kung ano ang kaya niyo, mas higit pa dun ang magagawa ko. And wag na wag niyong idadamay ang mommy ko kung ayaw niyong tuluyang maging miserable ang buhay nyo! Pwe!" Sabi ko sabay dura sa putik na binagsakan nila.
Wala akong pakialam sa kanila at di ko pipigilan ang sarili kong labanan sila ,kahit pa magpipinsan kami dahil kahit minsan ay di naman nila ko tinuring na kamaganak.
"You bitch! Arrggh! Magbabayad ka!!" Sigaw ni Monique na tila diring diri sa putik.
"Ate nakakahiya! Impakta talaga yang si Yanica! Isusumbong ko sya kay Dad! Aarrgh!" Galit ding sigaw ni Lorin.
As if natatakot ako sa ama nila. Tssk. Wala akong pakialam!
******
Sa Room
"Yanica! Wag kang uupo!" Sigaw sakin ng isang babae kaya napatigil ako sa pagupo.
Siya din yung babaeng nerd na nagsabing may kung ano sa likod ko. Tss magkaklase pala kami hindi ko alam. Sabagay, wala naman kasi akong pakialam sa paligid ko.
"Bakit ba?!!" Galit na tanong ko.
"Si a-ano kasi nilagyan ng chewing gum ang upuan mo." Tila nagaalinlangan pang sabi niya.
Pagtingin ko sa upuan ko, SHET. may bubble gum lang naman. Ang bababoy langya. Sino bang may lakas ng loob na gantuhin ako?!
"Sino gumawa nito?!" Tanong ko sa kanya.
"Si Ji-jicko."
