My weak side

32 1 0
                                    

Chapter 5

Lumakad na ako upang hanapin ang hambog , arrogante at gagong Jicko na yun . Damn . Ang lakas ng loob nya.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Lahat ay tumatabi dahil sa masamang aura ko. Ang gusto ko lang naman ay wag nila pakialaman ang buhay ko ! Mahirap ba yun?!

Kung saan saan na ko nakarating pero wala pa din. Di ko pa din sya makita. Sa pinaka dulong building ako pumunta. Sa Tourism Department. Dahil dito maraming magaganda.

And bingo! Nandito nga ang gago!

Ngiting ngiti na nakaupo sa isang bench habang nakikipag flirt sa mga babae. Me pa hampas hampas pa nga sya sa mga pwit nito. Yakk! Nakakasuka ang kahambugan nya.

Di ko na pinatagal pa at sinugod ko na sya. This time siguradong makakatikim sya sakin.

Nang malapit na ko sa pwesto nila ay agad namang nagalisan yung mga babae at dumistansya. Masama kong tinitignan si Jicko.

"Hey Sadist Princess. . Balita ko hinahanap mo daw ako?" Bungad nya at saka ngumiti ng nakakaloko.

Well , di ko dapat ipakita na naiinis ako. Dahil lalong di ako titigilan ng arrogante na to.

Nginitian ko din sya. Yung ngiting mas nakakaloko "Ou nga e. Namiss kita. Sobra. Sa sobrang pagka miss ko sayo ay di ko mapigilang gawin to." Sabay tuhod ko sa kinabukasan nya.

Napa baluktot naman sya sa sakit!

"Arrgghh! Napaka bwisit mong sadista ka! Pasalamat ka at babae ka!! Arrggghh!" Namimilipit pa din sya sa sakit.

"Sa susunod na pakialaman mo pa ang buhay ko ay talagang magdudusa ka ng higit pa dyan!"

"Fvck! Talagang ginagalit mo ko! Wait for my revenge! Makikita mo!"

"Go ahead! Kala mo natatakot ako sayo?! Fvcking asshole! Get lost.!"

"Talagang matapang ka huh.,," hinawakan nya ang kamay ko ng makabawi na sya mula sa pgkakatuhod ko sa anu nya.

Napatawa naman ako."ano ha?? Nagpapatawa kabang gago ka? Is this what you called revenge??!" Patuloy ako sa pagtawa.

Ang lakas ng loob nyang banggain at pakialamanan ako pero wala naman syang binatbat!

*TSUP*

Shit! The next scene ay di ko ineexpect!

Nagulat ako ng bigla nya kong hinalikan. Damn. Napaka bastos. Hayop sya.!

Nabigla ako at tinulak ko sya agad.

Ramdam kong naginit ang pisnge ko.

Damn him!

*BOOGGSSHH*

Isang malakas na suntok ang agad kong pinadapo sa labi nya. Naiinis ako! Wala pang nakagawa sakin nito. At ang mas nakakainis pa ay kung bakit may kung anong nagwawala sa dibdib ko dahil lang sa simpleng halik na yon.

Dumugo ang gilid ng labi nya sa lakas ng suntok ko. Pero pagak lang syang tumawa kaya mas lalong nainis ako.

"Kahit anong tapang mo Yanica, kahit gaano kapa kasadista, you can't change the fact that you are still girl. Babae ka pa din." Sabi nya habang natatawa.

"Wala akong pakialam! Ang gusto ko ay tigil tigilan mo na ko! Wag mo na ulit ako papakialaman!" Galit kong sabi sa kanya.

I hate this feeling. Damn. It's just a kiss!

Lumapit pa sya sakin lalo. Nilapit nya ang muka nya sakin.

Nagiinit na naman ang pisnge ko pero wala naman ako magawa dahil nakakahipnotize ang mga mata nya.

"You look prettier when you're blushing." Sabi nya at saka ko natauhan.

"Stay away from me and leave me alone jerk!" Sabi ko bago tuluyang umalis.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Wala syang karapatan gago sya para gantuhin ako. Para guluhin ang mundo ko. He's just a nonsense at kabilang sya sa mga taong walang kwenta at sagabal lang sa buhay ko.

******

"Yanica! Anong ginawa mo sa mga anak ko huh??!!" Bungad sakin ni tiyo Ramon pagdating ko sa bahay.

Mukang nakapagsumbong na yung dalawang impakta.

Hindi ko sya pinansin. Para sakin ay hindi sya nageexist sa mundong to'. Dire diretso akong pumasok sa loob.

"Hoy! Bastos ka ha?! Kinakausap ka ni Dad!" Sigaw ni Monique.

"Wala akong pakialam sa inyo.!" Sigaw ko sa kanila.

"Aba't walang hiya ka talaga!!" Lumapit si Tiyo Ramon para sampalin ako

Go ahead. Gaano lang ba yung sakit ng sampal na yun kesa sa sakit na nararamdaman ko sa lahat ng mga sama ng loob ko.

Hinihintay kong dumapo ang kamay nya sakin. Wala akong pakialam.

Pero makalipas ang ilang sandali ay wala.pa din. Nagangat ako ng tingin.

At nakita ko si Dave. Sinangga niya yung kamay ng dad nya

"Dad. Stop this. Hindi tama to." Sabi nya.

"Pwede bang wag kang makialam!" Bulyaw ni tiyo Ramon.

"Mangingialam ako lalo na kung mali na ang ginagawa niyo!"

Hindi ko na kayang tumagal na panuorin sila. Dire diretso akong lumabas ng bahay. Wala akong pakialam maski gabi at madilim na.

Sa ngayon ay isa lang ang gusto kong puntahan.

Makalipas ang isa't kalahating oras ay nakarating din ako.

Sa sementeryo.

Kung saan nakalibing ang mom ko.

Dali dali akong humiga sa puntod nya.

Napaiyak nalang ako.

"Mom . Bat kasi iniwan mo ko eh." Sabi ko habang patuloy sa pagiyak."yan tuloy, naging miserable na ko. Mis na mis na kita mom. Magisa nalang ako. Wala na kong matatakbuhan. Minsan naisip ko, totoo bang may Diyos? Bakit ka nya kinuha? Bakit nya hinahayaang magdusa ko mom? Bakit?"

"Ang hirap maging matapang mom. Lalo na kung deep inside ay nanghihina ka na." Patuloy ako sa pagkausap sa puntod ni mommy.

Eto lang ang paraan ko para ilabas ang sama ng loob ko . Iyak lang ako ng iyak.

Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ko.

Sadist Princess Meets The Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon