8: Sweet Escape 2

1.6K 107 20
                                    


Ayun, dedicate ko itong chapter kay Kim, yey! Hi, Kim! Salamat sa walang sawang suporta sa TNW! <3 <3

--------------


Inaayos ni Josef ang benda sa braso niya dahil sa sugat na gawa ng sariling asawa. Pinanood niya si Jocas na maghanda pa ng panibagong gamit. Kumunot agad ang noo niya nang mapansing pinunasan nito ng bulak na may alcohol ang braso, ilang pulgada lang ang layo mula sa pulsuhan.

"Ano'ng ginagawa mo?" takang tanong pa ni Josef nang itutok na ni Jocas ang patalim sa braso nito.

"May tracker ang mga Ranker para madali silang mahanap ng Main Sector sa mga satellite." Ibabaon na sana ni Jocas ang patalim sa braso nang hawakan ng lalaki ang pulsuhan niya para pigilan siya.

"Delikado," kunot-noong tugon ni Josef at nagpamaywang pa. "Alam mo bang kapag may natamaan kang nerve sa parteng 'yan ng braso mo, mapa-paralize ka?"

Agad na lumapad ang ngisi ni Jocas sa lalaki. Ipinaling ang ulo sa kanan at nakuha pang magpa-cute dito. "Nag-aalala ka sa 'kin, Josef?"

"Malamang! Sasaktan mo ang sarili mo—!"

"Yiiee, love mo 'ko, Josef?"

"What the fu—! Can you take this situation seriously?" inis na inis na sinabi ni Josef dahil nakuha pa siyang biruin ng asawa samantalang kailangan nitong hiwain ang sarili, makuha lang ang tracker na kasalukuyan nilang pinoproblema. "Buti sana kung hindi—"

Natigilan si Josef nang makarinig ng tunog ng pagbagsak ng maliit na metal sa salamin. Napatingin na lang siya sa mesa at nakita roon ang gumugulong na maliit na bakal. Kasunod ay ang ang dumudugong braso ni Jocas na nakapatong sa mesa.

"No, you didn't!" galit na sigaw ni Josef nang ituon ang tingin sa mukha ng asawa niyang nakangiting binubuhusan ng panlinis ng sugat ang braso. "Did you just—? What the hell, Jocas! Hindi ka ba nakakaramdam ng sakit, ha?"

"Pain is all in the mind. Masasaktan ka kapag inisip mong masakit," sagot lang nito na parang wala lang ang ginawang paghiwa sa sarili.

Naiwan lang na nakaawang ang bibig ni Josef dahil hindi siya makapaniwala. Kausap lang niya si Jocas at diretsong nakatitig sa kanya. Wala man lang siyang kamalay-malay na hinihiwaan na pala nito ang sarili habang hindi ito nakatingin sa ginagawa.

"You're craz—" Hindi na naituloy ni Josef ang sinasabi. Bumuntonghininga na lang siya dahil sa pag-aalala. Siguro nga, hindi siya sanay. Hindi sanay na ginagawa iyon ni Jocas.

Pero siguro, kung ang nagpakilalang si RYJO ang gagawa, baka ayos lang. Baka matanggap pa niya at panoorin pa. Pero si Jocas? Habang nakukuha pa nitong magtanong ng kung anong kalokohan sa kanya? Habang nakikipagkulitan pa ito sa kanya? Habang nakukuha pa nitong ngumiti nang pagkatamis-tamis sa kanya at biruin siya?

"Don't do that again," banta ni Josef at biglang inagaw kay Jocas ang bendang hawak nito. Bakas na bakas ang galit sa reaksyon niya dahil sa nangyari.

Pinigil ni Jocas ang tawa pero ubod nang tamis na nakangiti pa rin at parang natutuwa sa mga nangyayari.

"Josef, bakit ka nagagalit?" inosente pa niyang tanong.

"Sino ba kasing hindi magagalit sa ginawa mo?" singhal ni Josef. Nagsisimula na naman ito. Ganoon din naman ito kay Jocas noong mula pa bago ang kasal nila. Mainitin ang ulo.

"Okay lang naman ako e," katwiran naman ng babae habang nakanguso.

"Hindi ko tinatanong kung okay ka. Binubutasan mo na ang sarili mo tapos nakukuha mo pang makipagngitian sa 'kin? Tigilan mo nga ako!" sermon ni Josef habang binabalot ng benda ang braso ni Jocas na natatagusan ng dugo.

Hindi mawala-wala ang ngisi ni Jocas habang sinisilip ang nakasimangot na mukha ng asawa. "Josef, galit ka?"

"Stop it!"

"'Wag ka nang magalit, Josef. Hindi ko na uulitin, promise."

"Hindi na talaga! Ilang tracker ba ang nasa katawan mo para ulitin mo pa, ha?"

Lalo lang lumapad ang ngisi ni Jocas dahil sa itsura ng lalaki.

"Love mo 'ko, Josef?"

"Will you stop—ugh!" Napatingala na lang si Josef at nakagat ang labi. Agad ang buga niya ng hininga at alanganing umiling. "Stop, okay?" seryoso niyang utos sa asawa. Lalo lang tuloy nairita si Josef dahil ang lapad-lapad ng ngisi sa kanya ni Jocas. Para bang tuwang-tuwa ito sa ikinikilos niya.

"Okay na 'yan, Josef. 'Wag mo 'kong gawing mummy," nakangising sabi ni Jocas at binawi na ang braso sa lalaki.

"Stop doing that, okay?" huling banta ni Josef na may pag-aalala na at nabawasan na kahit paano ang galit. "Alam kong ikaw ang Slayer, but you can't just cut yourself anytime you want."

Kinagat lang ni Jocas ang labi niya at mabilis na tumangong parang bata.

"Kaya mo namang mag-isang lumabas dito sa HQ, di ba?" tanong pa ng babae.

"Bakit?" tanong lang din ni Josef.

"May park na malapit dito sa HQ. Two kilometers away. Nag-iisang park lang 'yon sa northeast kaya hindi ka maliligaw."

Lalo lang nalito si Josef sa pinagsasabi ng asawa niya. "Bakit? Ano na namang iniisip mo?"

Kinuha ni Jocas ang dalawang relong nasa kahon na kasama ng detector.

"Hindi ko alam ang exact time ngayon," ani Jocas at sinusian ang isang digital watch. "Nasa 12 o'clock ang time nito." Isinunod na niya ang isa pa. "Naka-synchronize 'tong relo natin. Now, ang meeting time natin ay 3 o'clock sharp." Iniabot niya kay Josef ang isang relo na kinuha naman nito. "Kapag wala pa ang isa sa atin sa park, dumiretso na agad tayo sa bahay."

"Hindi tayo sabay na lalabas?" tanong ni Josef habang isinusuot ang relo.

Umiling si Jocas habang matipid na ang ngiti. "You're Shadow. Iba ka tumakas, iba ako. Mas magiging madali para sa 'ting dalawa kung hindi tayo magiging kargo ng isa't isa."

"No," matigas na pagtanggi ni Josef at ibinagsak ang kanang kamay sa mesa habang nakapamaywang ang kaliwa. "Malay ko ba kung mapapalabas ka nila rito."

"You can escape here without making any sound, Josef," katwiran ni Jocas at inayos na ang holster sa katawan niya. May magkabilang baril sa tagiliran at isinukbit sa likuran ang dalawang kodachi. "I can kill my way out here."

Nakipagsukatan ng titig si Josef sa asawa. Seryoso ito kahit may ngiti sa mga mata. Naiinis lang siyang lalo dahil nakukuha pang ngumiti ni Jocas sa sitwasyon nilang iyon.

Hindi ngingiti nang ganoon si RYJO kung ito ang kasama niya. O ngumingiti nga ba si RYJO? Hindi. Si Jocas lang ang marunong ngumiti sa mga alter.

Napataas na lang ng magkabilang kamay si Josef bilang pagsuko habang umiiling. "Fine! Fine." Tinitigan niya mata sa mata si Jocas. "3 o'clock."

"3 o'clock."

Bumuga na naman ng hangin si Josef. May magagawa pa ba siya?

"Kapag wala ka sa park ng 3, bahala ka sa buhay mo, uuwi ako nang wala ka," panakot pa ni Josef.

Ngumiti lang si Jocas at mabilis na tumango. "Walang tao sa mga emergency exit hanggang floor 7B. Puwede ka pang makalakad hanggang sa pinanggalingan nating treatment center. Iba na ang daan ng emergency exit sa 8B. Malapit 'yon sa elevator. Hindi ka makakagamit ng scanner kasi hindi ka naman Ranker dito. Hagdan lang ang puwede mong gamitin—"

"Jocas," pagputol ni Josef sa sinasabi ng babae. "3 o'clock. Sa park."

"I'm just telling you what to do—"

"I know what to do. Ikaw ang inaalala ko."

Muli na namang lumapad ang ngisi ni Jocas.

"At huwag kang mag-isip ngkung ano. Puro ka kasi problema. Tara na nga! Nasasayang ang oras natin dito."Marahas niyang kinuha ang kamay ni Jocas at hinatak na iyon palabas ng stockroom.


---

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon