6: The Thief and the Assassin

1.7K 111 2
                                    


"Josef, do you take Jocas to be your wife? Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her all the days of your life?"

"I do."

May naririnig siyang mga ingay sa paligid. Naghahalo ang lamig at bahagyang init sa katawan. May bahaging nakukumutan sa katawan niya kaya mas komportable.

"Kaunting detalye lang ang alam ko! Hindi iyon kompleto! I told you, it's just a bio-data!"

"Bio-data nino?"

May mainit sa katawan niya. Sa loob ng katawan niya. Sinubukan niyang igalaw ang daliri sa kamay.

"Ano ba'ng problema mo? Naiwasan mo naman, di ba? Kaya naniniwala na akong assassin ka nga. Bagay talaga tayo kasi nararamdaman kong assassin din ako e! I can feel it in my veins. It's in the bloooooood."

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Madilim. May kaunting liwanag ngunit madilim.

"Ikaw si RYJO, di ba? Ikaw ang laman ng data. Ah, mali . . . ikaw ang data."

Paulit-ulit ang mga boses na umiikot sa isipan niya.

"May tiwala ka ba sa 'kin?"

Pakiramdam niya ay may tumatawag sa pangalan niya.

"Josef . . ."

Noon lang niya naramdamang may mga nakakabit sa kanyang mga tubo at karayom.

"Josef . . ."

Pinakiramdaman pa niya ang paligid at napansing may nakadagan sa kaliwang bahagi ng katawan niya.

"Josef . . ."

Napahugot siya ng hininga dahil sa lagay na iyon ay hindi na yata galing sa isipan niya ang tumatawag sa kanya. Dahan-dahan niyang ipinilig ang ulo sa kanan at napansing may nakahiga sa tabi niya.

"Josef . . ."

"J-Jocas?" pagtawag pa niya dahil sa pamilyar na boses. Pilit niyang kinuha ang kaliwang braso para tanggalin ang mga nakakabit sa kanyang mga tubo ng dextrose at iba pang gamot sa kanang braso.

Hindi niya halos matandaan kung ano ang huling nangyari. Basta, ang alam niya, kasama niya ang asawa niya.

Sinubukan niyang bumangon at sumandal sa mga unan kahit na nangangawit pa ang katawan niya—hindi masakit pero nangangawit. Nag-adjust na ang paningin niya sa dilim kahit na hindi gaanong maliwanag sa loob ng kuwarto kung saan sila naroon.

Naalis na niya ang mga nakakabit sa kamay niyang mga IV. Tiningnan niya ang tabi. Hindi niya alam ang magiging reaksyon. Kahit may kadiliman ay sumisilip pa rin ang liwanag ng puting pintura at ilaw sa pasilyo ng treatment center sa loob.

"Josef . . ."

Napangiti na lang siya at napailing. "Jocas." Nakasuot ito ng asul na damit. Hinaharangan ng ilang hibla ng buhok ang mukha habang nakatagilid ang higa sa tabi niya.

Buntonghininga mula sa kanya. Ligtas ang asawa niya, naroon sa tabi niya at mahimbing ang tulog. Hinawi niya ang buhok nito at sinubukang gisingin.

"Jocas." Tinapik-tapik niya ang balikat nito. "Jocas, wake up."

"Ginugutom na 'ko," malungkot na sabi lang nito habang tulog pa.

Napabuga tuloy siya ng hangin. "Never mind."

Hindi na muna niya pinilit pang gisingin si Jocas at sinubukan na lang niyang pagalawin ang paa.

"Buti naman." Napagalaw niya ang mga daliri sa paa niya kahit na namamanhid ito. Parang tinutusok-tusok ng maliliit na karayom ang buong binti niya dahil sa pamamanhid.

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon