11: Zeniths

1.4K 108 4
                                    


Inabutan na sila ng dilim. Binabaybay nila ang daan sa gitna ng diretsong kalsada na puro talahiban lang at binabakuran ng mahabang linya ng barb wire para sabihing private property iyon.

Nakasakay na ng kotse si Josef at nasa may passenger seat siya. Hinayaan lang niyang si Jocas ang mag-drive dahil ito naman ang mapilit na magmaneho. Nakataas lang ang kilay niya habang nakatingin kay Laby mula sa rearview mirror.

"Ano'ng kinalaman n'yong dalawa sa pagsabog kanina?" nagdududang tanong ni Josef sa dalaga.

"They followed us. We have to stop them," masungit na sagot ni Laby at inirapan ang lalaki.

Inilipat naman ni Josef ang tingin kay Jocas. "Alam mo ba kung anong oras na sa relo mong ibinigay mo sa 'kin?" inis niyang tanong.

Sinilip naman ni Jocas ang oras sa suot niyang relo. "Uhm, 4:48?" Hindi pa ito sigurado sa sagot.

"4:48. Anong oras ang meeting time natin?"

"Uhm . . ." Tiningnan pa ni Jocas si Laby sa may back seat. "3:00." Kinagat niya agad ang labi at itinutok ang tingin sa diretsong daan.

"3:00. At saan ba dapat tayo magkikita paglabas ng HQ?"

"Uhm . . ." Kinagat pang lalo ni Jocas ang lower lip niya at pasimpleng tiningnan si Josef sa gilid ng mata. "Sa may park."

"Alam mo pala e! Late ka na nga ng forty minutes, hindi ka pa nakarating sa meeting place! Dala mo pa 'tong batang 'to! Ano'ng nangyari, ha?"

Hindi na nakasagot si Jocas at tumingin na lang sa daan. Malay ba naman niya kung hindi naman siya ang nagdedesisyon para sa sarili niya.

"Don't blame her alter. The primary identity appeared again. Siya ang bumalik at kinuha ako sa HQ," sagot ni Laby.

"At bakit ka naman kukunin ni RYJO?" kontra agad ni Josef.

Tiningnan muna ni Laby si Jocas bago siya sumagot. At mukhang wala itong balak na sumagot. "The Superiors went to HQ five days ago. RYJO declared an all-out war sa mga Superior, kaya nga—"

"Kaya nagtambakan ang lahat ng klase ng agent sa HQ. Ginawa nilang open ground ang teritoryo ng Assemblage," sagot pa ni Josef sabay sandal sa inuupuan niya. Napataas na lang ng kilay sina Jocas at Laby dahil sa sinabi niya.

"Hindi ka yata nagulat sa pagdedeklara ng asawa mo ng giyera. Ano'ng meron?" pagdududa pa ni Laby.

Sino ba naman kasi ang hindi magdududa kung halos lahat ay nagugulat sa balitang iyon?

Tumingin lang si Josef sa may bintana. "That's her purpose."

Napatalsik sila sa may harapan dahil biglang prumeno si Jocas.

"Hey!" sigaw agad ni Laby dahil muntik na siyang tumilapon sa kinauupuan.

Hindi na iyon inisip pa ni Jocas. Nakakunot lang ang noo niya habang tinitingnan si Josef. "Excuse me?" banat agad niya sa katabi.

"What?" tanong agad ni Josef na nakasimangot din nang tingnan siya.

"Puwedeng pakiulit ng sinabi mo?" utos ni Jocas.

"Ano ba'ng sinabi ko?"

"Bakit hindi ka nagulat sa pagde-declare ko ng all-out war sa mga Superior?"

"That was your purpose, di ba?" pagpilit ni Josef. "Ikaw si RYJO. Ikaw ang data. The Four Pillars created you to destroy the Superiors. Ano pa ba ang pakinabang mo kundi magdeklara ng giyera at pabagsakin ang mga nasa taas?"

Pinaningkitan lang ng mata ni Jocas at tinaasan ng kilay si Josef. Kahina-hinala ang sinabi nito sa kanya kaya napaisip agad siya.

Nawala ang tensyong mabubuo pa lang dahil biglang sumingit sa kanila si Laby at malapitang tiningnan si Josef, mukha sa mukha.

"Alam mo na kung para saan ang data?" malakas na tanong ng dalaga. "May natatandaan ka na?"

"Tumabi ka nga." Tinanggal naman agad ni Josef ang pagmumukha ni Laby sa harapan niya at marahang itinulak ang mukha nito pabalik sa inuupuan nito.

"Mag-uusap pa tayo pag-uwi sa bahay," sabi na lang ni Jocas.

"You can't go home," pigil agad ni Laby kay Jocas. "They already know your location. Crimson know your location. Hindi rin puwede sa Grei Vale! That's RYJO's territory so they'll expect you to go there."

Nagkatinginan tuloy sina Josef at Jocas.

"Bakit ang dami mong alam?" naiiritang tanong ni Josef kay Laby.

"Intel ako! What am I supposed to do, huh? Magtaka kayo kung wala akong alam!" bato agad sa kanila ni Laby.

Napailing na lang ang mag-asawa. May punto naman kasi.

"May tracker ka pa rin ba?" tanong agad ni Jocas kay Laby.

"I'm clean. I can remove my tracking device anytime I want."

"That's unfair!"

"Nuh-uh! That's tactic."

Humingi na lang ng sagot si Josef sa asawa gamit ang tingin.

"Not my parents. They're already dead," sabi ni Jocas.

"Wha—huh? Since when?" takang tanong pa ni Josef dahil hindi niya alam. Kailan lang naman sila ikinasal tapos malalaman niyang patay na ang mga ito.

"I can explain, okay?" sabi agad ni Jocas.

"Pinatay mo sila?!"

"That was part of the pl—Later. We'll talk later."

"You're too much to handle! Oh God." Napailing na lang si Josef. Parang alam na niya ang dahilan ni Jocas.

"Ako na ang magda-drive," utos ng lalaki.

"Why?"

"I said, I'll drive. Ako na ang bahala. Alam ko na kung saan tayo pupunta."

Pinababa na ni Josef si Jocas at pinalipat ito sa passenger seat. Si Josef na ang pumalit para magmaneho.

"Saan na tayo pupunta?" tanong agad ni Laby.

"Hinahanap tayo ng lahat ngassociation? Hinahanap din si RYJO ng Superiors? Doon tayo pupunta sa lugar nahindi nila maiisip na pupuntahan natin."


----

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon