Dedicated ang chapter na ito kay Ate Rowena! Salamat po sa pag-avail ng TNW book at sa suporta sa The Newly Weird series! <3 <3
-------
Walang problema sa pag-akyat ng dalawa ng hanggang floor 7B. Kung si Jocas lang ang masusunod, gagamit siya ng elevator. Pero hindi iyon puwede dahil kapag nakita sa scanner na nanggaling at nakaalis na siya sa stock room matapos durugin ang tracker, madali na siyang malo-locate ng Main Sector gamit ang security camera sa elevator. At alam niyang hindi lang si Razele ang makakakita niyon. Mabuti sana kung siya lang ang makikita nila. Kasama pa niya si Shadow. At alam niyang si Shadow ang pakay ng huhuli sa kanila at hindi siya.
"Kaya mong mag-isa?" tanong ni Josef nang huminto na sila sa tapat ng emergency exit sa floor 7B.
"Siyempre naman!" masayang sagot ni Jocas.
"3 o'clock," paalala ni Josef at tinitigan si Jocas.
"3 o'clock," ulit naman nito.
Aabutin sana ni Josef ang asawa para sana yakapin at sabihing mag-ingat ito ngunit natigilan siya. Imbis na yakap ay tinapik na lang niya ang braso ni Jocas at sinabing "Ingat ka palabas."
Naging pilit ang ngiti ni Jocas at tumango na naman. "Sa park."
"Sa park."
Pagbukas ng pinto ng emergency exit, doon na naghiwalay ang dalawa.
12:32
Sinamantala ni Josef ang pakinabang ng suot na uniporme. Nilakad niya ang floor 7B na animo'y kabilang siya sa mga Ranker na paroo't parito dahil sa trabaho.
Masyadong abala ang lahat para pagtuunan pa siya ng pansin. Pinupuno ang pasilyo ng mga agent na halo-halo ang sinasabi.
"May casualty sa 2B!"
"Hindi raw muna bubuksan ang battleground hanggang sa makalawa."
"May directive sa Central, kakausapin yata si Chief bukas."
Kalmado lang ang lakad ni Josef. Nilalampasan ang lahat. Sabay silang lumabas ni Jocas ng emergency exit pero nag-iba iyon ng daan at tinungo ang sinabi nitong elevator na ginagamit lang for emergency na tanging mga official at special ranked agents lang ang nakagagamit—na suwerte dahil isa si RYJO sa mga ranked agent na iyon. Siya naman ay tinungo ang kabilang emergency exit na tinukoy ni Jocas.
Ngunit bakit nga ba niya pahihirapan ang sarili niya sa paggamit ng hagdan kung puwede naman siyang gumamit ng elevator—nang hindi siya nakikilala sa camera.
Mabilis niyang sinabayan ang ilang mga agent na pasakay ng elevator para umakyat dahil wala naman nang bababaan ang mga ito.
"Grader yung casualty sa lobby," sabi ng isang Ranker na nakasabay ni Josef sa elevator.
Pito silang naroon na mukhang patungo sa upper ground floor dahil wala namang namili ng floor maliban sa isa.
"Nakita sa security camera na si RYJO ang may gawa," sagot naman ng isa. Mukhang grupo silang naroon maliban kay Josef.
"Sa tao naman ng Congregation galing ang bomba, dapat lang ang ginawa ni RYJO."
Nakikinig lang si Josef ng usapan. Mukhang hindi naman siya pinapansin ng mga kasama sa elevator.
"Hindi naman makakaalis ang Slayer ngayon sa HQ. Matapos niyang magdeklara ng giyera sa mga Superior, wala na siyang ibang matatakbuhan kundi dito na lang."
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
ActionIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...