10: Escapees

1.5K 109 6
                                    


Yey! Another dedication. Dedicated ang chapter na ito para kay Brill-Anne! Good luck sa exams and studies mo, bhe! Saka na ikaw mag-Wattpad muna hahaha 

-----


"You're crazy! Alam mo ba'ng ginagawa mo?"

Nagpa-panic na si Laby dahil hindi dapat naroon ang babaeng gusto siyang patakasin—o gusto siyang itakas.

"Ano ba? 'Wag ka ngang maingay! Mahuhuli tayo nito e," sermon ni Jocas habang kinakalas ang posas na nakasuot sa pulsuhan ni Laby.

"Who told you to go back here?" naiinis na tanong ng dalaga kay Jocas.

"Kailangan ka ni RYJO kaya kita binalikan. Dapat makaalis tayo rito bago mag-3. Hinihintay ako ni Josef sa park."

"Ano'ng kakailanganin niya sa 'kin, ha? Hinamon na niya ang guild! Wala na siyang magagawa kundi lumaban! And FYI, hindi ako marunong lumaban! Intel ako, hindi fighter!" singhal ni Laby habang hawak ang pulsuhang natanggalan ng posas.

"Saka na kayo mag-usap, kapag siya na ang nasa katawang 'to. Hindi naman ako babalik kung hindi siya ang biglang sumulpot at bumalik dito e. Palabas na kaya ako kanina!" reklamo ni Jocas at hinatak si Laby.

Nasa fourth floor sila ng HQ Main Building at kailangan nang bumaba. Didiretso na sana sila ng elevator pero pinigilan siya ni Laby.

"Bakit ka gagamit ng elevator?" takang tanong pa ni Laby.

"Para mabilis!"

"Ah, oo! Para mabilis! Para mabilis nila tayong makita!"

"So?"

Napanganga na lang si Laby habang di-makapaniwala ang reaksyon. "Anong so? Anong so, RYJO? Anong so? Ugh! Bakit ba ang hirap mong pakiusapan?"

"Kung ayaw mo sa elevator, basagin na lang natin yung bintana saka tayo tatalon."

Hindi na yata maisasara ni Laby ang bibig niya dahil sa mga sinasabi ng kasama. Ang dami-dami ng puwedeng paraan, iyon pa talaga ang suggestion nitong gawin nila. "Baliw ka na talaga." Napailing na lang siya at napahilamos ng mukha.

"Okay, how about this: gagamitin natin ang hagdan, tatakbo tayo nang mabilis pagdating sa ground floor, at saka tayo lalabas ng HQ," paisa-isang sinabi ni Jocas.

Umiling lang ulit si Laby para hindi sumang-ayon.

Nagpamaywang lang si Jocas at tiningnan nang masama ang dalaga. "Ang hirap mo namang kausap! Ikaw nga, sabihin mo, paano mo balak lumabas nang buhay dito sa HQ, aber?"

"Akyat tayo sa rooftop, then we'll fly," seryosong sinabi ni Laby.

"Aw . . ." Dahan-dahan namang tumango si Jocas. "What a bright idea! Ikaw nga ang Brain! Napaka-genius mo! Flying lemur ka ba, ha?"

"Merong gamit sa itaas! May plane doon na available!"

Nagpamaywang si Jocas at sinimangutan ang dalaga. "Laby, kailangan kong makapunta sa park bago mag-3! Naghihintay doon ang asawa ko! Sa tingin mo ba, makakapag-landing ako ng plane sa may park?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Laby sa narinig. "Nakalabas si Shadow ng HQ? What?" Napasabunot siya ng buhok at iniwan doon ang mga daliri. "Hindi puwede. Si Shadow lang ang pag-asa ng HQ para mailigtas—"

"Mamaya ka na bumulong diyan! Wala na tayong choice! Mag-e-elevator tayo!"

Hinatak na lang ni Jocas ang pulsuhan ni Laby palabas ng interrogation room na nasa fourth floor ng building.

Project RYJO 3: The Foxy SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon