"Narito ka pa rin pala sa Assemblage," ani Mephist habang nakahalukipkip at nakatingin sa kapatid niyang nagulantang pagkakita sa kanya sa ward.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tugon ni Ring dahil hindi rin niya inaasahang makikita ulit ang kapatid, at sa lugar na iyon pa.
"Malamang, alam mo na kung ano'ng meron."
"Magkakilala kayo?" tanong ni RYJO habang pinipilit bumangon sa higaan.
"He's my brother. Blood-related, father side," sagot ni Mephist.
"Really?" Naningkit ang mga mata ni RYJO kay Ring na nasa pintuan ng ward. "Bakit nandito 'yan? Bakit hindi kinuha ni Thompson?"
Pinutol ni Ring ang usapan ng dalawa. "Paano ka nakapasok dito sa HQ?" tanong nito kay Mephist.
"Masyadong busy ang lahat at hindi na ako napansin. Sino nga naman ang papansin sa gaya ko rito? Malawakang giyera ang idineklara nitong magandang katabi ko," sabi ni Mephist sabay kindat kay RYJO.
"You can't flirt with that tone, brother," sagot agad ni RYJO habang bumabangon sa higaan. "I'm not Jinrey."
"Paano mo nalamang makikita mo siya rito sa treatment center?" tanong ni Ring. Nakailang lingon din ito sa magkabilang gilid bago pumasok sa loob ng ward at isinara ang pinto.
"Tinanong ko yung isang Ranker kung nasaan si RYJO. Sinagot naman ako agad."
"Tell us a better lie, Arkin," sabi ni RYJO at sinubukang alisin ang mga nakakabit sa kanyang mga karayom. "Alam nating hindi basta-basta magsasalita ang isang Ranker tungkol sa location ko. Malamang na ginamitan mo na naman ng kalokohan mo kaya nakapagsalita."
"I need to know. You're my target. Hey!" Sinubukan niyang abutin si RYJO at pigilan ito sa ginagawang pagtanggal ng mga IV ngunit wala rin siyang nagawa. Hindi nagpapigil ang babae.
Lalong kinabahan si Ring para sa kapatid. "Kuya, kapag nalaman nilang may nakapasok na Leveler dito sa HQ—"
"Hindi lang ako ang makakapasok dito sa HQ na hindi Ranker sa panahong 'to. Isa-isa nang pumapasok ang lahat ng agents sa buong perimeter. May nakita akong member ng special security. Nakita ko sa labas ang ilang member ng herd at nakikipag-usap sa mga commander ninyo. May mga Expert ng Congregation sa Main Building. Isa na ako sa mga First Echelon na nandito at nasa meeting pa ang Elites."
"Ano'ng ginagawa nila rito?" nalilitong tanong ni Ring. "Bakit hindi sinasabi nina Tank na may ganoong nangyayari?"
"Breached na ang security ng main building. Open ground na ang HQ. Nagpadala ng reinforcement ang bawat assoc para tulungan ang HQ sa major attacks."
"It's a war, kid," paningit ni RYJO sa usapan nila. "Kailangan nilang malaman kung saan at kanino papanig."
Tiningnan naman ni Ring ang pagkaing nabitiwan niya sa sahig dahil kinailangan niyang umatake.
"Pasensya na, natapon yung pagkain mo," dismayadong sinabi ni Ring kay RYJO. "Mukhang ang huling kain mo ay noong nasa Criasa pa tayo. Dalawang linggo ka nang walang kinakain."
Hinayaan na lang ni RYJO na tumulo ang kaunting dugo sa likod ng kamay at braso niya. "Pupunta na lang ako ng mess hall."
"Ha?"
Sinubukang lumakad ni RYJO patungong pinto.
"Hoy, Jin," pigil ni Mephist sa kanya. "Ikaw, di ko talaga alam kung anong klaseng pag-iisip meron ka."
"Kailangan kong kumain kaya aakyat ako sa mess hall."
"Kung kakain ka, kumain ka rito. Dadalhan ka namin ng pagkain."
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
ActionIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...