Nasa harap ang tatlo ng isang napakatayog na itim na gate. Maganda ang disenyo niyon kahit hindi maaaring masilip ang nasa likuran ng mataas na tarangkahan. Tinanaw nina Laby at Jocas ang palibot ng bahay at napakahaba ng bakod na halos isang palapag ang taas at binabalutan ng pinasadyang moss wall.
"Dito?" Nagpamaywang na lang si Laby habang tinitingnan ang gate. Ayaw pa naman niyang magsalita pero parang alam na niya kung nasaan sila sa mga sandaling iyon.
"Where are we?" tanong pa ni Jocas.
Bumukas naman ang gate at may lumabas na maid pagkatapos nilang mag-doorbell.
"Sir!" tili agad ng may-edad na kasambahay sa kanila. "Ay, naku! Madame, si Sir Josef!" Nagsisisigaw ang maid sa loob at agad na binuksan nang malaki ang gate. "Sir, pasok po kayo! Ay, naku po, matutuwa si Ma'am Anjanette kapag nalaman nilang nandito kayo!"
Pumasok na ang tatlo sa loob at iniwan na lang ang sasakyan sa labas. Inilibot naman nina Laby at Jocas ang tingin sa paligid. Malawak ang lugar. May puting gazeebo sa kaliwa na pinalilibutan ng mga bulaklak at baging na may nakatutok pang yellow spotlight. Katabi niyon ang isang swing na pandalawang tao. Malawak ang front yard na puwede pang ikutan ng sasakyan for valet parking at fountain naman sa gitna ng mismong bahay. At saktong may nakaparada roong itim na sedan at naghihintay ang isang driver na bago sa paningin ni Josef. May playground at basketball court sa kanan. Malaki at malawak din ang three-storey manor na kulay white and gold ang pintura. Masasabi talagang mayaman ang mga nakatira sa loob niyon base sa lawak at itsura ng paligid.
"Oh! My son," pambungad agad ng isang ginang na nasa singkuwenta anyos mahigit ang edad ngunit hindi mahahalata dahil sa makapal nitong makeup at light effects ng bahay sa gabi. Maganda ang bihis nito—naka-tiger print na coat, asul na long-sleeved dress sa pang-ilalim, at golden heels. Diretso rin ang bagsak na buhok nitong brunette at halatang kagagaling lang sa salon, at mukhang pupunta pa ng party.
"Ma? May pupuntahan ka?" takang tanong ni Josef nang salubungin ng halik sa pisngi ang mama niya.
"May flight pa si Mama, anak, kaya bahala na ang mga maid sa iyo, and . . ." Biglang nahagip ng tingin nito si Jocas na mataman lang na nakatingin sa kanya. "Hija! Oh, I miss—What's with the . . ." Hinagod nito ng tingin si Jocas mula ulo hanggang paa. "Nice outfit. Where's the war?"
"Uhm—" Sinubukang sumagot ni Josef. Tiningnan na lang tuloy siya ng ina. "Ma, galing lang kami ng event kaya ganiyan ang suot niya," katwiran ni Josef sa reaksyon ng mama niya.
"In battle uniform? Really?" nagdududa nitong tanong.
Pare-parehong napalunok ang tatlo.
"Oh, just kidding!" Bigla na lang itong tumawa at nginitian pang lalo si Jocas. "I know she's having a bad time right now, son. No need to hide it." Tumango na lang ang mama ni Josef para papaniwalain ang anak at bineso na lang si Jocas. "Welcome to our humble abode, my dear daughter-in-law!" Nginitian na naman nito si Jocas nang napakatamis at saka tiningnan si Laby na nasa gilid nila. "Oh!" Lumapit agad ito kay Laby at nginitian ang dalaga nang sobrang lapad sabay hawak sa magkabilang pisngi nito. "You're pretty! Who is she?" tanong nito sa mag-asawa. "Hmm?"
Sinubukang sumagot ni Jocas. "She's uhm . . ."
"I'm Laby. Ate Jocas is my third cousin," pakilala ng dalaga. "I'm the youngest daughter of the cousin of her mother."
"Oh!" Kunwa'y nagulat ang ina ni Josef. "Welcome, hija! Feel at home!" sabi pa nito sa masiglang tono. "Gusto ko pa sanang makipag-usap kaso may flight pa ako. Bye, son!" Hinalikan ulit nito sa pisngi si Josef at ganoon din si Jocas. "Bye, hija. Don't bring any problem here." Hinawakan naman nito sa pisngi si Laby at pinanggigilan iyon. "You, too, darling."
![](https://img.wattpad.com/cover/12571967-288-k643786.jpg)
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
ActionIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...