Di ako makapag-backread pero dedicated ang chapter na ito kay @tukmology yey! Salamat sa support!
----------
Nasa dining room silang lahat at kumakain ng hapunan. Nasa kabisera si Josef nakapuwesto. Si Riggs ay nasa kanang tabi niya at katabi naman si Raven. Kaharap ng magkapatid sina Jocas at Laby.
Masama ang tingin ng binata kina Jocas, Josef, at Laby. Hindi talaga niya gusto ang ideya na may ibang tao sa bahay nila maliban sa kanilang magkakapatid.
Kalmado lang si Josef habang kumakain. Nakakunot pa rin ang noo ni Jocas dahil dinibdib ang sinabi ni Raven na pangit siya. Masaya namang kumakain si Laby na parang kanya ang buong bahay at wala siyang pakialam sa mga may-ari.
"Maid, strawberry juice here, please!" utos ni Laby sa isa sa mga tagapagsilbi. Nagpatuloy lang siya sa pagkain ng sirloin steak na masarap ang pagkakaluto dahil lutong-bahay. Lalo tuloy tumaas ang kilay ni Riggs sa kilos niya. Agad naman niya iyong napansin nang ibagsak nito sa plato ang hawak na kubyertos.
"Your mother told us to feel at home, so I feel at home," sabi pa niya sabay ngiti kay Riggs. Mukhang nakaramdam na rin siya na hindi nito gusto ang kilos niya.
"Not because my mom told you to do so, e you will do it. Hindi ka ba tinuruan sa inyo ng proper etiquette kapag nasa bahay ng iba?" maangas na sinabi ni Riggs.
Tumawa lang nang mahina si Laby at umiling. "Proper . . . etiquette. Tell me more about it."
Naningkit lang ang mata ni Riggs sa kilos ng dalaga.
"Kuya, where's Ate Vera? Why are you with this ugly girl?" tanong ni Raven kay Josef.
Napahinto sina Jocas at Josef sa pagkain. Tiningnan nila ang isa't isa.
"Vera?" takang tanong pa ni Jocas.
"She's my Kuya's girlfriend. She's soooo mabait. She's soooo rich. And she's sooooo pretty!" pandidikdik pa ni Raven sa mga salita nito.
"What are you—" Hindi na natapos ni Jocas ang sinasabi. Napamaang na lang siya dahil masyado nang matabil ang dila ng bata. Parang ipinamumukha pa nito sa kanya na napakapangit niya.
"She's not like somebody here na sooo pangit!" At sinundan pa iyon ng hagikhik para mang-asar.
Saglit na pinandilatan ni Jocas ang bata at kinagat agad ang labi dahil sa panggigigil.
"Easy, easy," bulong ni Laby sa tabi niya.
Pinilit ngumiti ni Jocas sa kapatid ni Josef habang sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa tinidor. "Ang cute mo talagang bata ka, ahahaha! Ang cute ng kapatid mo, Josef! Grabe talaga, ahahaha!"
"Plastik," bulong ni Laby dahil halatang pilit na pilit ang tawa ni Jocas. Tiningnan tuloy siya nito nang masama.
"Bakit naman kasi nagpapasok ka ng mga palamunin dito sa bahay namin, ha, Kuya?" tanong pa ni Riggs habang nakatuon ang tingin nito sa hinihiwang karne sa plato. "Hindi naman ampunan 'tong bahay ni Daddy para pagdalhan mo ng kung sino-sinong hampaslupa."
Sabay-sabay pa ang tatlo sa pagtingin kay Riggs.
"Riggs!"
"Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, kid. Baka gusto mong mahampas ng sandamukal na ginto sa mukha," seryosong sinabi ni Jocas habang masama ang tingin kay Riggs.
"Hey, Jocas!" pagtawag agad ni Josef.
"No'ng nasa edad mo 'ko, milyonarya na 'ko. Ikaw, palamunin ka pa rin ba hanggang ngayon?"
Napanganga na lang si Riggs dahil sa narinig. Hindi makapaniwalang masasabihan sila nang ganoon sa sarili nilang pamamahay. Napangiti na lang si Laby at tinakpan ang bibig. Pinigil niya agad ang sana ay malakas na pagtawa.
Parang biglang nagising si Jocas at tiningnan ang paligid. "Uhm . . . okay?" Lumapit siya nang kaunti kay Laby at bumulong. "Ano'ng nangyari?"
"Sinabi mo lang naman na hindi mo gusto ang tabas ng dila nitong kaharap ko. Inalok mo pa kung gusto niyang mahampas ng ginto sa mukha at tinawag mong palamunin," bulong pa ni Laby habang nakangisi.
"No," tutol agad ni Jocas, "wala akong sinasabing gano'n."
"Un-hunh, yes, you said it," sagot ni Laby habang bigay na bigay ang pagtango. "And I loooove the delivery. Three thumbs up!" nakangiting sinabi ni Laby sabay taas ng dalawang hinlalaki.
"Saan ang pang-three, aber?" Bumalik na lang si Jocas sa pagkain at iniwas na ang tingin sa lahat. Gusto na niyang sapukin ang ulo dahil kung ano-ano na lang ang sinasabi niya nang wala siyang kamalay-malay.
"Hey, ugly creature! I don't like you! Get out of our house!" sigaw ni Raven kay Jocas.
"Raven! Watch your mouth!" sermon agad ni Josef sa kapatid.
"Kuya, I don't like her!" sigaw pa ni Raven sabay bato ng kinakaing tempura sa inaaway.
Tumama ang tempura sa noo ni Jocas. Napahinto tuloy ito sa paghiwa ng kinakaing salmon at halos pandilatan ang platong kinakainan.
"Raven, that's bad!" Agad na kinuha ni Josef ang table napkin niya at ipinunas sa noo ni Jocas. Inobserbahan naman niya ang asawa. Natigilan siya dahil walang kibo si Jocas at natulala na naman.
"Jocas?" pagtawag ni Josef ngunit hindi na ito sumagot.
"Oh no. She's changing. Please, not her. Not her. Not her," sunod-sunod na bulong ni Laby habang nakapikit at naka-cross fingers pa.
Biglang inangat ng babae ang ulo at sumandal sa inuupuan. Hinalbot niya agad ang table napkin kay Josef at dahan-dahang ipinunas sa noo.
"I think I'm full." Tumayo na siya at tiningnan pababa si Raven. "Watch your manners, kid. You'll never want me to teach you some."
"Oh shi—" Napatayo na lang din si Josef para pigilan ang asawa niyang mukhang hindi na si Jocas sa mga sandaling iyon.
Inilipat ng babae ang tingin sa katabi. "Hurry up, Labyrinth. We've got some work to do," aniya at hinawakan nang mahigpit sa batok ang dalaga. "Hindi kita kinuha sa lugar na 'yon para lang mag-sitting pretty dito sa labas."
"Ano ba, bitiwan mo nga 'ko! Saka hindi pa 'ko tapos kumain!" reklamo pa ni Laby habang pinapalo ang kamay na nakahawak sa batok niya.
Kinuha agad ng babae ang plato ni Laby at itinapon sa sahig ang kinakain nito. Gulat na tiningnan ng dalaga ang pagkain. Hindi naman makapaniwala ang magkakapatid sa ginawa niya sa mga oras na iyon. "Now, you're through." Kinuha niya agad ang kuwelyo ng damit ng dalaga at hinatak ito para makatayo.
"Hindi mo 'ko kailangang torture-in! Let me go! Get your hands off me!" tili pa ni Laby habang pinipilit na tanggalin ang kamay ng babae sa damit niya.
Parang hindi ito nakaririnig at kinaladkad na lang ang dalaga paalis ng dining room.
"Oh God," dismayadong nasabi na lang ni Josef at nakagat ang labi habang umiiling. "This is disaster."
Hindi na tinapos pa niJosef ang kinakain. Sumunod na lang siya sa dalawa at iniwan ang mga kapatid sadining room na hindi maintindihan ang mga nangyayari.
---
BINABASA MO ANG
Project RYJO 3: The Foxy Slayer
AcciónIsang all-out war ang dineklara ni RYJO laban sa Superiors at sa Criminel Credo dahilan para makilala na ng lahat kung sino talaga ang pinakasikat na Slayer na kinatatakutan ng lahat ng associations. Anong mangyayari sa Meurtrier Assemblage, kay Raz...