Yna POV
Gabi na.
Alas otso na pasado. Pinapanalangin naming lahat na sana ay hindi na mamatay ang ilaw at hindi tumunog ang telepono.
Napatingin ako sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Aki at ni Angel.
I really admire my bestfriend Aki because of her braveness. Gusto ko din maging kagaya niya. Hindi siya iyakin at hindi nagpapakita ng kahinaan. Hindi ko nga alam kung may kahinaan ba siya.
Napakapit ako ng mahigpit sa kamay nilang dalawa ng mamatay ang ilaw.
Hindi kagaya kagabi ay napakatahimik naming lahat ngayon. Handa kami sa kung ano man ang nais iutos sa amin ng master.
Segundo lang ang itinagal ng biglang tumunog ang telepono. Pakiramdam ko ay nasa kaliwa ko ito minsan ay naririnig ko ito sa kanang tainga ko.
Naiinis ako dahil dalawang minuto na at hindi pa rin tumitigil ang tunog nito. Nabibingi na ako sa naririnig ko.
Tumagal pa ito ng isang minuto saka ito tumigil.
Nadinig ko na naman ang malalim na hininga ng lalaki na nagpakilala bilang master. Kaba na naman ang pumuno sa puso ko. Pakiramdam ko ay naririnig na ng master ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Angel sa kamay ko, habang nakasteady lang sa tabi ko si Aki at parang hindi kinakabahan.
"I, YOUR MASTER. THE GAME 2 ROUND 1 WILL START." sabi nito.
Nakakakaba ang boses nito. Buo at parang nanggaling sa ilalim ng lupa. Sabayan pa ng nakakabinging katahimikan.
Pero ang nag iisang tanong sa isipan ko, saan nanggaling ang boses na ito?
Paano niya nagawang patayin ang mga kasama ko ng sobrang bilis?
"THE GAME WILL START. GAME TWO, DON'T BLINK IN FORTHY SECONDS." sabi nito ang panandaliang nawala ang boses nito bago itong nagumpisang magbilang.
"FORTHY." bilang nito.
Kinakabahan ako hindi ko alam kung matatapos ko ang laro na ito.
"THIRTY EIGHT." Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Angel sa kamay ko.
"TWENTY FIVE." pagpapatuloy nito.
Kaya ko ito. Kakayanin ko. Kailangan kong umuwi sa amin. Mabubuhay ako.
"TEN." Napakagat ako ng labi ko ng may marinig akong mahinang hikbi. Ngayon pa lang ay alam ko na hindi nito nagawa ang Game 2 ng master.
"SEVEN." Naluluha na ang mata ko, pero kakayanin ko.
"FIVE." Gustong gusto ko ng pumikit pero konti na lang ito.
"H-Hindi ko na ata kaya." narinig kong bulong ni Angel sa gilid ko.
Naiiyak ako dahil sa sinabi nya. Hindi maaring hindi na niya kaya. Pinisil ko ang kamay niya senyales na kakayanin niya.
"THREE.
"ONE." pagtatapos nito sa bilang ay biglang bumukas ang ilaw.
Napuno ng liwanag kwarto at agad kong niyakap si Angel ng makita kong nakatayo sya at umiiyak, marahil ay hindi nya inakala na makakatapos sya.
Napatingin naman ako kay Aki na nakatingin sa sahig at parang wala lang ang nangyayari sa kanya. Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paa ng mga kaklase kong nakahiga. Nakakalungkot na hindi nila natapos ang Game 2.
Malungkot na tumingin at ngumiti sa akin si Aki. Agad niya akong niyakap ng napakahigpit.
"N-Natapos natin ang Game 2. Tatapusin natin hanggang dulo. Okay?" bulong niya sa akin at tumango tango naman ako sa kanya.
Nakita ko rin ang iba ko pang mga kaklase na nagyayakapan at masasaya dahil nalagpasan nila ang Game 2.
"Tatapusin natin." buo kong sabi sa kanya saka humiwalay.
Ngumiti ulit siya ng malungkot sa akin, "H-Hindi natapos ni Lynette, Justine at Aezel ang Game 2." sabi niya sa akin dahilan para bumuhos ang luhang nagkukubli sa mga mata ko.
Ang kaninang saya dahil sa pagkalagpas ng laro ay biglang napuno ng iyakan.
Pero bigla din namang nagsitahimikan ang lahat ng bilang mamatay ang ilaw sa ikalawang pagkakataon.
Walang tumunog na telepono pero malalim na boses muli ang pumuno sa buong kwarto.
"BE READY FOR MORE UPCOMING DEATHLY GAMES." sabi nito.
GAMES
Ibig sabihin ay marami pang paparating na mga laro na maaaring maging dahilan para matapos ang buhay namin.
Hanggang kailan ako tatagal?
"HAVING FRIENDS IS NOT ALLOWED. BEING EMOTIONAL IS NOT ALLOWED TOO." sabi nito kaya napakunot ang noo ko.
Ano ang ibig niyang sabihin?
"KILLING TO STAY ALIVE SHOULD HAVE DONE." madiin at buo ang boses nitong sabi dahilan para hindi namin mapigilan ang magsinghapan.
Kailangan naming pumatay para mabuhay?
Hindi ko ata yun kakayanin.
Pero kailangan kong mabuhay. Kailangan ko na bang pumatay ng tao para sa ikabubuti ko? Kakayanin ba ng konsensya ko na patayin ang kaibigan at kaklase ko?
"I, YOUR MASTER IS GIVING YOU TWO DAYS TO PREPARE FOR YOUR WEAPONS AND TO YOUR CHOSEN VICTIMS. TWO WEAPONS PER PERSON. IF YOU DIDN'T FOLLOW, YOU'LL DIE. IF YOU KILLED, CONGRATULATIONS. IF THE KILLER KILL YOU, I FEEL SORRY. AND IF YOU DIDN'T KILL ANYONE, I WILL KILL YOU." nakakapangilabot nitong sabi.
Wala na kaming kawala sa mga oras na ito.
Papatay ako para mabuhay.
Hindi nila ako maaaring unahan dahil posibleng ako ang mapatay nila.
Mas lalong hindi ako maaring hindi pumatay, dahil kahit anong mangyari ay hindi ako makakatakas sa master.
"THE WEAPONS IS LOCATED IN CANTEEN." huling sabi nito bago muling mabuhay ang ilaw.
Wala na ang bangkay ng mga kaklase ko sa sahig at hindi namin alam kung saan na ito napunta.
"What the hell." nadinig kong sabi ni Ciara.
"T-Totoo ba ito? I just c-can't imagine na.. Oohhh damn it." sabi ni Jessa saka lumuhod na parang sumasakit na ang ulo. Siguro ay hindi niya rin alam ang gagawin.
"That master is a freaking monster." sabi ni Alexandrea.
"Pinaglalaro niya tayo ng laro na alam niyang hindi natin kayang laruin." dama ko ang gigil sa boses ni Sean.
Ang ibang mga kaklase ko na masya na kanina ay natulala na naman. Hindi nila kayang pumatay ng tao. Kaya lang ay iba ako, ngayon pa lang ay maghahanda na ako para mabuhay ako.
Sa mga oras na ito, hindi na iyan ang iniisip ko.
Iniisip ko na lang kung sino ba ang papatayin ko.
Dahil habang inililibot ko ang paningin ko ay nahanap ko na ang target ko.
Ang tanong, mapapatay ko ba ito?
What can you say about this chapter??
a k i l i c i o u s z
BINABASA MO ANG
The Master's Telephone ✓
Mystery / ThrillerSHUP UP when THE TELEPHONE RANG FOLLOW HIS COMMAND when IT STOP READY YOURSELF FOR MORE DEATHLY GAMES IF YOU WANT TO FINISH THE GAME ALIVE, KILL ONE PLAYER DREAM TO SUCCEED, BELIEVE TO YOURSELF, KILL TO SURVIVE. WARNING: C H E A T I N G I...