Chapter 2

59 38 38
                                    

Aki POV

Habang paakyat ay narinig ko ang malakas na pagkalabog ng pinto, marahil ay nagsara ito. Napakalakas ng pagkakasara nito na para bang isang higanteng tao o napakalakas ng tao ang nagsara nito.

Pero sino ang nagsara nito gayung kumpleto naman kaming lahat at ako ang nasa pinakadulo.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagderetso na lang sa pagakyat.

May isang napakalaking kwarto na kasya kaming lahat ang una naming pinasukan.

May isa din napakahabang pasilyo at hindi ko alam kung saan ang punta nito.

"Hi Jeanne." nakangiti kong bati saka ako lumapit sa babaeng nakatalikod sa akin.

Hindi naman kami magkaaway ni Jeanne kung iyan ang iniisip nyo. Parang nagiging pampalipas oras lang namin ang mag asaran kapag boring kaming dalawa.

"Ano namang ginagawa mo dito? Akala mo kinaganda mo yang paglapit mo?" nakataas kilay niyang tanong sa akin.

"Nope. Matagal na akong maganda sa mata ng lahat ng tao at..." sabi ko saka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa, "Ikaw lang naman pangit dito." sabi ko sa kanya at agad niya naman akong hinampas sa braso dahilan para mapaiwas ako at mabunggo kay Angel na hindi ako sinalo kaya napaupo ako sa sahig.

Ayun naman si Jeanne na tinatawanan ako dahil sa nangyari sa akin.

"Akala mo naman kinaputi ng ngipin mo 'yang pagtawa mo." sabi ko habang unti unti akong tumatayo sa pagkakaupo ko at napanganga naman siya sa sinabi ko habang nagsipagtawanan naman ang mga kaklase ko sa pangunguna ni Corrai at Quiel.

"Guys! Lapit muna kayo dito saglit." narinig kong tawag sa aming lahat ni Justine na nakatayo sa taas ng kahiy na upuan. Agad naman akong hinawakan sa braso ni Yna at sabay na naglakad papalapit.

"Lahat ng pagkain na dala natin ay ilalagay natin sa cabinet." sabi niya saka itinuro ang cabinet sa dulo. "Ngayon ay magpapahinga muna tayong lahat at bukas na bukas din ay maguumpisa na tayong maggala. Pwede kayong bumaba kung gusto niyo, pwedeng tumabay, kahit ano ng gusto niyong gawin." paliwanag sa amin ni Justine. Humarap naman sa akin si Yna.

"Tatawagan ko muna si Josh. Doon muna ako sa baba." sabi niya saka pinakita sa akin ang cellphone at bumaba.

Tatawagan nya na naman ang gwapo nyang boyfriend na si Josh. Gwapo talaga ito at chinito, maraming nagkakagusto kaya naman ingat na ingat si Yna sa kanyang jowa.

Pero maya maya pa ay bumalik ito sa taas na nakabusangot ang mukha.

"Justine. Buksan mo naman ang pinto sa baba, hindi ko mabuksan eh. Tatawagan ko kasi si Josh, walang signal dito sa taas." paliwanag niya habang nagkakamot ng noo at pabalik balik na tumingin sa cellphone at kay Justine.

Kinuha ko naman ang mga pagkain sa bagpack ko saka ko ito inilagay sa loob ng cabinet. Naroon na rin lahat ng pagkain nila at talagang masasarap ito. Isang linggo kaming mananatili dito si Cadipsa at snacks lang ang dinala namin dahil usapan na gagala kami sa umaga at sa gabi na kami uuwi dito sa Cadipsa kaya sa restaurant na lang kami kakain ng breakfast, lunch and dinner.

The Master's Telephone ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon