Third Person POV
"GOODMORNING STUDENTS." bati ng master sa anim na estudyanteng nakatayo lahat walang emosyong ang mukha.
Bitbit nito ang mga armas na gagamitin nila sa pagpatay sa kapwa kaklase nila.
"WE ARE ALMOST IN THE FINISH LINE OF THIS GAME. IN THIS GAME 2, ROUND 2 ONLY THREE PERSONS WILL LIVE." sabi nito.
Determinado ang anim na studyante na mabuhay at manalo sa laro na ito.
"YOU WILL STILL FOLLOW THE INSTRUCTIONS I MADE LAST TIME." sabi nito. Nakakapangilabot pa rin ang lalim ng boses ng matanda na ito. Hindi nagbabago ang tono ng boses niya.
"KILL ONLY ONE PERSON. IF YOU ALREADY KILLED SOMEONE, IT MEANS YOU ARE SAFE. PUT THE BLOOD OF YOUR TARGET TO A BOTTLE SO THAT YOUR ENEMIES WILL KNOW THAT YOU ARE ALREADY SAFE." sabi nito.
"IF YOU KILL A PERSON THAT ALREADY KILLED BY SOMEONE, YOU'LL DIE." nakakapangilabot nitong sabi.
"I'LL GIVE ALL OF YOU FIFTEEN MINUTES TO KILL. IF YOU DIDN'T KILL ANYBODY, YOU'LL DIE." pagtatapos nito bago bumukas muli ang ilaw.
Walang gumalaw ni isa sa kanila.
Tinitimbang kung sino ang unang susugod sa kanila.
Poot at galit ang makikita sa kanilang mga mata.
Handang handa na pumatay para lamang mabuhay.
Hinawakan ng maigi ni Ken ang espada na hawak niya na talaga namang napakatalas.
Wala pa ring gumagalaw sa kanilang lahat ng biglang tumugtog ang kantang Walk With Me ni Bella Thorne.
Nagkatinginan silang lahat at doon ay tumulo ang luhang nagtatago sa kanilang mga mata.
Napakagat labi si Aki saka hinawakan ng mahigpit ang espada saka tinakbo ang pagitan nilang dalawa ni Karen.
Ganun na rin ang ginawa ng lahat.
Mabilis na sinugod ni Ken si Jessa. Sinugod na din ni Ciara si Aiza ganun din ang ginawa ni Sean at ni Echo.
Patuloy na tumutugtog ang kantang hindi alam kung saan nagmumula habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanilang mga mata.
Hindi man gusto ang mga nangyayari ay walang ibang magagawa dahil ito lang ang natatanging paraan para mabuhay.
Apat na minuto na ang nakalipas pero naglalaban pa rin silang lahat.
Napaluhod si Aki sa tabi ng bigla madaplisan ng espada ni Karen sa bandang tyan. Tumulo doon ang sariwang dugo ni Aki. Mabilis na pinaikot ni Aki ang espada habang nakaupo sya at doon ay nahiwalay ang kaliwang binti ni Karen sa hita nito.
Napahiga si Karen habang iniinda nya ang sakit ng hita nya na lumulukod hanggang sa tyan nya.
"Mamamatay ka na!" umiiyak na sabi ni Aki at kinubabawan si Karen saka sinapok ng sinapok ang mukha ng kaawa awang dalaga na ngayon ay halos mayupi at madurog na ang mukha dahil sa malakas at paulit ulit na may pangigigil na sapok ni Aki.
Talsik ang dugo ni Karen sa mukha ni Aki.
Tumayo si Aki ng makontento sya at makita nya na hindi na humihinga pa si Karen na ngayon ay halos madurog na ang mukha.
Tumutulo ang dugo sa kamay ni Aki. Napahawak si Aki sa tiyan nya ng maramdaman nya ang bumabalot na sakit doon dahil sa paghiwa sa kanya ni Karen.
Kumuha muna sya ng dugo sa binting naputol ni Karen saka sya lumakad at umupo sa karton. Agad niyang iniangat ang damit at nakita nya na hindi naman sobrang lalim ng sugat, sadyang maantak lang ito at mahapdi.
On the other side, two minutes before Karen's death,
Agad sinipa ni Ken ang tyan ni Jessa na tumakbo para sugurin sya.
Tumalsik naman si Jessa sa sahig saka pagapang na inabit ang espadang nahulog ngunit bago nya pa makuha ang espada ay gumuhit agad ang sakit sa likod nya matapos sya tadyakan sa likod ng lalaki.
Hindi tumigil sa pag abot ng espada si Jessa hanggang sa ng makuha nya ito at iwinasiwas nya ito sa likod nya dahilan para mapaatras at masugan sa dibdib si Ken na nagbigay dahilan para mas lalong magalit ang binata at sipain sya sa mukha dahilan para ito ay nakataob na tumumba.
"Wala kang kawala sa akin." gigil na sabi ni Ken saka nilapitan ang nakadapang dalaga.
"P-P-Pakiu-s-sap." pagmamakaawa ni Jessa na hindi naman pinakinggan ni Ken.
Pinagsisipa ni Ken ang likod ni Jessa hanggang sa magtunugan ang buto nito hanggang sa mabali na ang spinal cord ng dalaga. Yupi ang likod ni Jessa at tirik ang mata ng mamatay.
Kinuha ni Ken ang balisong at ang bote saka itinarak ito braso ni Jessa at agad namang ipinangsalo ni Ken ang bote nya sa dugo na lumabas mula doon.
On the other side, three minutes before the death of Jessa and seven minutes after the death of Karen.
Nagtagisan ng titig sila Aiza at si Ciara.
Hawak nilang dalawa ang espada na napakatalas. Mabilis na sumugod si Ciara kay Aiza na mabilis din naman nitong nailagan.
"Let me live, Ciara." umiiyak na sabi ni Aiza kay Ciara na ngayon ay tumawa ng mapakla.
"Nagpapatawa ka ba? O nahihibang ka na?" sagot ni Ciara saka nya iwinasiwas ang espada papalapit kay Aiza na ngayon ay umiiwas sa mabilis na atake ni Ciara.
"Kailangan pa ako ng pamilya ko." umiiyak nyang pakiusap sa parang bato na si Ciara.
Sa isang mabilis na iglap ay nasa likod na ni Aiza si Ciara at itinutok nito ang espada sa batok ng kaklase,
"At may pamilya din ako. You shall die." sabi ni Ciara saka nito ibinaon sa batok ni Aiza ang espada palabas sa lalamunan nito.
Hindi nakagalaw si Aiza. Hinugot ni Ciara ang espada at walang buhay na bumagsak si Aiza sa kanyang harapan ng paluhod hanggang sa mapahiga ito at kumalat ang dugo nito sa sahig papunta sa paa nya.
Walang emosyon nyang binuksan ang bote nya saka sya kumuha ng dugo galing sa bumubulwak na dugo sa batok ni Aiza.
On the other side, after 11 minutes of death of Karen, 8 minutes after the death of Jessa and 2 minutes before the death of Aiza.
Anim na minuto na lang ang natitira.
Parehong walang emosyon ang mga mata ni Sean at ni Echo.
Magkaibigan ang dalawa na ito noong una pa lamang, ngayon ay narito sila punto kung saan ay dapat na mamatay ang isa sa kanila.
"Patawad sa magagawa ko." nakatingalang sabi ni Sean na animo ay nagdadasal saka siya humiga sa sahig.
Mabilis namang kumilos si Echo para saksakin si Sean ng biglang gumulong si Sean at ng tumayo ito ay nasa likod nya ito.
Gulat ang mukha ni Echo sa nangyari. Naramdaman nya ang matalas na espada na nasa kanyang leeg ngayon. Alam nya na katapusan nya na ito.
Isa lang palang patibong ang ginawa ni Sean na paghiga ng sa ganoon ay mabilis siyang makakarating sa likod ni Echo.
"Wag kang mag alala pare, sa oras na makalabas ako dito ay ipapangako ko na aalagaan ko ang girlfriend mo." nakakalokong sabi nito sa kaibigan.
"T-Tanginaka wala kang kwe----." sabi ni Echo na agad na naputol ng biglang bumaon sa leeg nya ang mahabang espada ni Sean. Sumirit ang dugo nya doon at nagtalsikan ito sa mukha ni Sean.
Bumagsak si Echo na ngayon ay bumuka pa ng panandalian ang bibig bago binawian ng buhay.
Kumuha agad ng dugo si Sean sa leeg ni Echo na ngayon ay bahagayang nakabuka ang bibig.
Apat na tao ngayon ang nakatayo habang hawak nila ang bote ng may laman na dugo galing sa target nila.
a k i l i c i o u s z
BINABASA MO ANG
The Master's Telephone ✓
Misteri / ThrillerSHUP UP when THE TELEPHONE RANG FOLLOW HIS COMMAND when IT STOP READY YOURSELF FOR MORE DEATHLY GAMES IF YOU WANT TO FINISH THE GAME ALIVE, KILL ONE PLAYER DREAM TO SUCCEED, BELIEVE TO YOURSELF, KILL TO SURVIVE. WARNING: C H E A T I N G I...