Epilogue

44 28 8
                                    

Sabay sabay kaming tumungo ng dumaan sa harap namin ang Presidente. Walang nag aaangat tingin hangga't hindi pa lumalagpas sa amin ang Presidente.

"Goodmorning, assassins." bati nito sa amin.

Hindi malalaman kung masaya ba ito o malungkot gayung blangko lang naman ang makikitang ekspresyon sa mukha nito.

"Goodmorning, Ms. President." walang emosyon pero buo ang boses na bati naming lahat sa kanya.

"Its been two years since we met our last member, Akira Corises. And now, your seventh task will be like this." sabi nito habang umiikot sa amin.

Dalawang taon na rin pala ang lumipas simula ng dumating ako sa organisasyong ito at ituring ko silang lahat na pamilya ko.

"All of you my fellow assassins already experience this task before you become an official member of this organization." sabi ng presidente bago ito umupo sa swivel chair nya at humarap sa amin.

"So now, you will do the same to the next students that will go to Cadipsa Center." sabi nito sa amin.

"You will also make them feel the hardships you have been through. You will make them play the game where they can open their minds that not all people surrounds them, like them."

Sa dalawang taon ko bilang assassin ng organisasyong ito ay binuhay kami ng presidente at ng master na hanggang ngayon ay hindi namin kilala na wala kaming taong maaaring pagkatiwalaan.

Kung talagang mahal namin ang mga kaklase namin dati ay wala kami sa lugar na ito ngayon.

Paano ba ako nakarating sa punto na ito?

Hindi ba't pinatay ko ang mga kaklase ko para manalo ako?

Doon din sa isang linggong laro na iyon ay marami akong natutunan na hindi ko akalain na ang hindi makataong laro na 'yun ay magbibigay ng aral sa buhay ko

Matututo kang iligtas ang sarili mo sa kamay ng ibang tao.

Matutong wag magtiwala sa taong nakapaligid sa iyo. Tandaan na wala tayong kaibigan sa mundong ito kundi ang sarili lamang natin at wala ng iba.

Maging matalino sa bawat hakbang na gagawin.

Alisin ang lahat ng bagay na walang maganda maidudulot sa iyo.

Ilagay mo sa positive ang isip mo. Iwasang magisip ng mga bagay na magpapabagsak sa iyo.

At huwag gagawing lakas ang kahinaan mo.

Lahat ng ito ay nalaman ko lamang ng matapos ko ang laro. Doon nag sink in sa isip ko ang purpose ng laro na ito.

Mula sa ibaba ay tumalon ako at sumabit sa bakal ng kisame paakyat sa second floor.

Mas magandang gawin ang bagay na ito kesa gumamit ng hagdan.

Hagdan?? Naaalala kong wala nga palang hagdan ang bahay na ito na may apat na palapag. Kailangan mong tumalon at gamitin ang lakas at pwersa mo para makaakyat sa palapag na pupuntahan mo.

Masasabi kong mas mabilis pa ang umakyat gamit ang pagtalon kesa sa elevator at escalator.

Ngayon ay tumatakbo ako ng mabagal na walang tunog at hindi maririnig nino man lalo na kung wala itong alam sa galawang ninja.

Isang buwan ang makalipas matapos ang laro ay doon ko lang nalaman ang tricks ng laro. Nasagot nun ang tanong sa aking isipan.

Matagal na pala kaming may kasamang mga ninja assassins sa Cadipsa ng hindi namin nalalaman.

The Master's Telephone ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon